Tatlumpu't lima

776 11 0
                                    

Chloe's POV

Naupo kamimg lahat sa sala na parang may mahalang pag-uusapan. Hinimas ko na lang yung tiyan ko. Bakit ganoon, kahit na alam kong mag kakaroon na ako ng anak... kahit dugo pa lang sya... hindi ko makuhang tuluyang maging masaya dahil alam kong hindi ko mabibigay ang masayang pamilya na minsan ko ring pinangarap... Pero magiging masaya din tayo baby.. andito ang lolo't lola mo, hindi tayo nag-iisa.

Sa totoo lang hindi ko alam kung pano magsisimula ulit. Para kasing back to zero ang buhay ko pero may kasama naman ako... Kailangan kong mag simula ulit. Pero hindi ko alam kung magiging tulad ulit ako ng dating Chloe dela Cruz na nakilala na nakararami.

"Ahmm. Anak?" biglang sabi ni papa at mataman akong tinitigan.

"A-ano po yun?"  kinabahan ako. Kasi sa tono ng pananalita nya parang sobrang importante ang sasabin nya. Hindi ko pa sya tuluyang kilala pero alam kong mabait sya.. mabait si papa.

"Ahhhh. Ano kasi.. hindi ko naman gustong maki-alam sa problema mo.. pero bilang ama, nag-aalala ako sayo... Naitanong ko sa lolo mo ang problema mo at nasabi nga nila." nahinto ito at nalungkot ako kasi nalaman nya ang katangahang nagawa ko, pero hindi ako nagsisisi kasi binigyan ako ng isang anghel. Napa-yuko ako.. siguro na-disappoint sya.

"A-anak... Remember? Sabi ko andito lang ako para sayo... wag ka mag-isip ng kung anu-ano... Gusto ko lang sanang..... isama ka sa America-- wag ka mag alala.. hindi naman kita pipilitin kung ayaw mo.. Gusto ko lang na magsimula ka ulit.. para sa anak mo... Para sayo.." napabaling ako ng tingin kila lolo. Hindi ko alam kung papayag sila.. tumango lang ang mga ito..

"P-pag iisipan ko po.." sa totoo lang hindi ko talaga alam. Ayaw kong malayo sa taong nag palaki sakin. Oo gusto ko mag simula ulit pero.. hindi ko alam kung kaya ko agad. Mag-a-adjust na naman ako.. panibagong mundo..

"Okay lang.. may business lang akong naiwan doon sa America at nag karoon ng konting problema dahil ilang buwan na akong nandito... wag ka mag alala.. babalik ako agad para naman makapag-bonding tayo at maalagaan kita.." ngumti ito. Tumango lang ako.

Mag damag kong inisip yung sinabi ni papa. Pumapayag naman sila lola, kung tutuusin pwede silang sumama pero ayaw daw nila.. Oo, niyaya ko sila para makasama ko rin sila. Pumayag na akong umalis dahil naisip ko na mas makabubuti siguro na doon muna ako. Pero nangako ako na babalik ako at bibisitahin ko sila. Umiyak pa nga sila eh, lalo naman ako.. kasi hindi na kilometro ang layo namin kundi milya milya na. Ilang araw ko ding sinulit ang probinsyang kinalakihan ko... at nag bakasakali na.. na puntahan ako ni Mark at mag-explain ulit pero walang dumating, ni anino nya hindi ko nasilayan. Handa na nga ba ako? Panibagong buhay? Ang hirap... pero para sayo baby kakayanin ko.. kapit ka lng ah? Mag-tulungan tayo.. gagawin ko naman lahat para maging masaya ka..

"Handa ka na ba anak?" tumango ako. Nilingon ko sila lolo sa likod bago pumasok sa departure area. Lumkad ako at niyakap ko sila ng mahigpit at naiyak na naman.

"Sssshh. Apo baka maka-sama sa apo ko yan sa tuhod.." bumitaw ako sa yakap at bahagyang natawa. "Basta pag balik mo dapat masaya ka na ulit okay? Yung dating Chloe.." tumango ulit ako at pinahid ang luha hindi ako makapag salita dahil parang may naka bara sa lalamunan ko. Hindi ko maipapa ngako ang bagay na yun.. ang maging dating ako.. Kasi lahat nag babago...

"Oo nga pala.. tuturuan mo ng tagalog ang apo namin ha? Alam mo naman ang lolo mo hindi magaling mag englis!" pabiro ni lolo.

"Si lolo talaga.. syempre naman po, balak ko pa rin naman po na dito sya mag-aral lo eh."

"Ayy buti naman! Ma-mi-miss kita apo.. Mag-ingat.."

"Kayo din po.. dadalaw na lang po ako.. iwasan pong mag kasakit lo makinig kay lola.."

P.A. ng Artista *editing*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon