Kinabukasan nagising ako ng wala na si Mark. Naka alis na daw sabi ni manang at nag bilin na painumin daw ako ng gamot. Naisipan ko namang itext si papa at kamustahin pero mabuti naman daw sila at wag mag alala.
Lumipas ang ilang linggo at mas naging sweet si Mark. Madalas akong sumasama sakanya at nakikita ko ang pag iwas nya kay Vanessa dahil aminin man ni Mark o hindi naghihinala na ako sakanilang dalawa. Pero pinipilit ko na lang na kalimutan iyon..
Natapos na ang movie nila at masaya ako para sakanya.. Kayang ngayun pinayagan ko syang mag-celebrate dahil ngyun pa lang alam na nilang matagumpay ang movieng iyun.. Sino ba naman ako di ba? Isa pa dapat talaga kasi pinaghirapan nya yun at pangarap nya.. Makita ko lang syang masaya.. masaya na rin ako.
Vanessa's POV
Hell, this is not going to happened. Hindi ako makapaniwala na si Mark hindi ako pinapansin! Noong first time ko syang halikan nag tagal.. oo pero pinigilan nya ako at ngayun talagang iniiwasan nya ako. Pero ngayung malapit ng ipalabas ang movie namin hindi na ako makaka payag na i-reject nya ako dahil lang doon sa girlfriend nya. Alam ko namang hindi talaga sya seryoso doon pero parang mahal nya talaga kasi nagawa nyang makonsensya. Pero I am not the old Vanessa Kert dahil bumalik ang pagka gusto ko sakanya at di ko hahayaang di mapansin ang ganda ko.. At ngayun sisiguraduhin kong yung babaeng mismong yoon ang makikipag hiwalay.
Meron kasi ngayung celebration party for our new movie at gaganapin ito sa isang bar. Balak kong malasing si Mark at iuwi na sya at may mag se-send ng picture namin together dun sa girlfriend nya.
11 pm nag start ang party at halos malasing na si Mark dahil pina-serve ko ang pinaka-matapang na alak... Pilit parin syang umiiwas sa mga pag dikit ko sakanya pero may patagong kumukuha ng picture sa amin. Ng maramdaman ko si Mark na lasing ay iniwan ko ito at nag punta doon sa inutusan kong kumuha ng picture sa amin.
"Ma'am okay na po ito.." nakita ko ang mga picture at tiyak namang mawawala ko na sa landas ang babaeng yun.
"Okay.. alam mo na ang sunod mong gagawin okay? Kunan mo rin kami ng picture habang pumapasok sa isang hotel at pag nagawa mo yun tsaka mo i-send okay?"
"Yes ma'am."
"Good.."
Natapos ang party around 2 am dahil masyado ring excited mag pahinga ang mga tao pero hindi ako.. Inakay ko si Mark na walang malay at isinakay sa aking kotse at dumiretso sa isang hotel. At sa ngayun alam kong naipadala na ang mga litratong iyon.
Pumasok ako sa isa sa mga kwarto at patapon na inihiga si Mark dahil sa kalasingan. I started to undress him at hinalikan sya.
"Hmm. Chloe..." he murmured at lalong nag panting ang tenga ko sa narinig ko.
"No baby this is Vanessa." sinabi ko iyon sa tenga nya at hinalikan syang muli.
Lumalim iyon pero hindi ko sya nagawang angkinin dahil masyado na syang tulog. Basta ngayun nakasama ko syang maka tulog na tsak magpapa wala sa landas ng babaeng iyon.
Nagising ako ng mahimbing paring natutulog si Mark. Hmm. Hindi agad ako umalis sa halip pinagmasdan ko lang sya ilang sandali gumalaw sya at bahagya naman akong napangiti. Kahit na hindi ko nagawang angkinin sya atleast nagawa ko ang pagpapadala ng pictures na ikakasira nilang dalawa. Hinawakan ko ang hibla ng buhok ni Mark pababa sa makikinis nyang kutis.. Wala naman akong balak mag pabuntis no! Hahayaan ko lang yung girlfriend nya ang magisip nang ganon! Hahaha. Hmm. Bakit ko nga pala ginagawa ang mga 'to? Feel ko lang kasi matagal na akong ganito simula ng manirahan ako sa states..
"Hmmm." napagalaw si Mark. Binulungan ko ito ng mapang-akit...
"Baby, wake up..." ngumiti ito kahit naka pikit. See? Gusto nya rin pala eh! Idinilat nya yung mga mata nya ng bahagya habang naka ngiti pero nawala yun ng makita nyang ako ang kaharap nya..
"Fvck Vanessa!! What happened?!" dali dali syang tumayo at nakita kong balisang balisa na sya at di alam ang gagawin.. I like it! Such a loyal,lover boy! Di pa rin sya nagbabago!
"Whoa chill Mark!! Kung maka react ka parang na-rape kita ah? Want some braekfast?" mapa nukso kong tanong.
"Hindi uuwi na ako.." hinawakan nya yung ulo nya habang nakayuko dahil inabot nya yung t-shirt nyang naka-laglag na sa sahig. Napa upo naman sya sa kama and ofcourse agad ankong lumapit..
"Hey.. Are you okay?" pero nag madali nyang isinuot yung t-shirt nya at napa hilamos at problemado...
"Vanessa may nang yari ba?"
"Uhh. Don't tell me---" mapang asar kong sagot dahil kitang kita ang frustration sa muka nya matapos nyang ihilamos yung kamay nya at muka nya..
"JUST ANSWER MY QUESTION VANESSA MAY NANGYARI BA?!!" nagulat ako sa pag sigaw nya. Hindi ko inaasahan na... na sobra syang nagagalit dahil lang doon.. Ganun nya ba talaga ka-mahal ang babaeng yun? How lucky that girl is! Napa-ibig nya si Mark!!
"N-no! Walang nangyari Mark! Nalasing ka lang tapos dinala---" nautal kong sabi dahil sa titig na ibinibigay nya sakin na parang maling sagot ko mapapatay nya ako. Ng marinig nya ang sagot na inaasahan nya nagmadali syang lumabas ng kwarto at umalis samantalang naiwan akong takang-taka sa inasal ni Mark.
Naging mabuti kaming mg kaibigan/loveteam noon pero dahil kinuha ako ni daddy at tumira na sa states. Well bumibusita naman ako dito madalas. Really pero hindi na ganoon yung closeness namin ni Mark dahil palagi ring naka-aligid yung loveteam nya na si Trisha.. Well isa rin yun sa balak ko.. masyado kasing nakaka irita yun Trisha na yun at alam ko namang may gusto kay Mark kaya ayan nadamay nadin ang girlfriend ni Mark.. Akala ko naman kasi past time nya lang... Umm. I was wrong di ko akalain na ganoon na pala mag-mahal ang isang Mark Alcantara!
Mark's POV
Fvck! Sh*t! Gago ka Mark anong ginawa mo? Paulit-ulit kong sinasabi yun sa sarili ko habang palabas ng hotel kung saan-- Fvck!
Bakit ba kasi ako nalasing kaagad? Hindi ko alam pero sobrang tapang ata nung alak na nainom at si-nerve samin kagabi pero hindi yun eh! Matino akong nagpaalam kay Chloe kagabi! Ayaw ko pa ngang sumama kasi gusto ko syang kasama pero sabi nya okay lang kasi malapit nrin ipalabas yung movie ko kaya mag enjoy lang daw ako pero ano 'tong nagawa ko?
Kahit na walang nangyari pero nakaka-konsensya because I don't want Chloe to hurt again. I'm tryng to be honest. I am even avoiding Vanessa's company dahil alam kong napapansin ni Chloe pero kilala ko sya nangako sya na iiwasan nyamg mag selos. Wala rin akong balak itago pero hindi ko kaagad sasabihin.. Fvck! Taranta akong sumakay ng taxi. Malamang mag tataka si Chloe kung bakit di ko dala yung sasakyan ko pero ayaw ko ng daanan 'to ipapakuha ko na lang sa driver kasi masyado akong kinakabahan!! I even shouted at taxi driver kasi ang bagal ng takbo nya pero taffic daw. Tingin ako ng tingin sa orasan.. Alas diyes na.. Napa iling naman ako.. Agad akong naka-rating sa bahay at dali daling binuksan ang gate. Kahit na alam kong may hang over ako. Alam kong nag aalala na yun! Tsk!
Pag pasok ko agad kong nakita si Manang na may pag aalala sa muka..
"Mark anak buti dumating ka na..." agad itong lumapit sa akin. Nag taka naman ako... Pero agad kong naisip si Chloe dapat andito na sya ng ganitong oras eh...
"Manang si Chloe po?" hindi agad ito nakapag salita at yumuko.
"Manang..."
"A-ah! Yun nga eh. Kagabi ko pa sya di maka-usap at ng pinuntahan ko naririnig ko ang mga hikbi sa kwarto nya.." nagulat ako... Pero agad akong kinutuban.. Kahapon masaya pa kami eh!
"Yun na nga eh... Nagising kasi ako ng madaling araw para mag banyo tapos naabutan ko sya sa sala na nanunuod... Pag balik ko..."
"Ano po?!"
"A-ah! Kasi ito anak.. Yung cellphone nya nahulog.. pa-parang may nakita sya dyan... Tapus nag madaling umakyat... Nag alala ako kaya sinundan ko pero wala akong narinig ehh." agad kong kinuha yung cellphone nya na medyo nabasag yung gilid. Ano kayang nakita nya?! Nanginginig ang kamay ko habang hinahanap ko kung ano yun! Hindi ko alam pero sobrang kinakabahan ako...... at nung nakita ko. Parang binuhusan ako ng napakalamig na tubig at natahimik... Fvck!
BINABASA MO ANG
P.A. ng Artista *editing*
RomanceI started to be his P.A. Will I end up being his P.A.? P.A. ng Artista © 2014 by WantedGirlWriter