Tatlumpu't dalawa

778 9 0
                                    

Chloe's POV

Nitong mga nakaraang araw bumigat yung pakiramdam ko. Ta-trangkasuhin ata ako tapos medyo nahihilo ako kaya balak ko sanang sumama kay Mark kaso wala naman akong gagawin baka mabinat pa ako kaya umakyat na lang ako ng kwarto at saglit na nahiga. Isang oras akong nahiga pero hindi naman ako mapakali. Tumayo ako at tumanaw ako sa balcony, papalubog na pala ang araw. Naalala ko naman yung araw na ibinigay ni Mark itong sing sing. Napa ngiti ako pero pumasok na rin ako dahil malamok na. Isinarado ko yung pinto at humarap sa salamin. Am I gaining weight? Hays. Hiyang ako kay Mark sabi nya. Baliw talaga. Nakita ko naman yung license nya na naka-patong dito. Bakit sa lahat ng kakimutan ito pa? Pa'no kung mahuli sya? Agad akong nag tungo ng banyo, wala rin naman akong magawa at kahit tinatamad ako eh nagbihis ako ng madali, nag paalam ako kay manang na ihahatid ko lang 'tong lisensya ni Mark, nagmamaneho pa naman yun. Pababa na ako ng makita ko si Trisha sa may gate. Ano na naman bang kelangan nito?

Trisha's POV

I'm on my way papunta sa bahay ni Mark. Ofcourse andito ako para isagawa ang plano ko. That gold digger na babae! Well... it's my time to moved tutal mukang aalis agad ang malanding Vanessa. Balita ko aalis papuntang states dahil namatay daw yung daddy. Karma! At dahil hindi na ako ma-mo-problema na paalisin yung Vanessa na yun si Chloe na naman ang puntirya ko! Ang tindi maka-kapit kay Mark parang linta! Di maalis sa landas ko.

Nakita kong wala yung sasakyan nya ng maka-baba ako ng sasakyan,  when I was about to push the doorbell saktong baba ni impaktita. Aba! Wala si Mark. Siguro kasama nun si Vanessa.... napangisi ako, maasar nga ang isang 'to baka sa sasabihin ko pa lang lumayas na 'to. Harsh kung harsh. Ilang taon na akong naghihintay na mapansin ni Mark tapos papasok sa eksena 'to bilang muchacha tapos aagawin si Mark? Huh! No way! High way! Sa mga palabas lang nangyayari ang mga ganyan!

"Oh well... Himala! Hindi ka naka-dikit kay Mark..." naka-crossed arms kong tanong habang binubuksan nya yung gate.

"Anong kelangan mo? Wala dito si Mark. At wala akong panahon makipag talo..." walang gana nyang sagot. Aba't! Marunong kana sumagot ah! Ambisosya! Gusto ko yan.

"Hmm. Ganun ba? Ah! Baka kasama si Vanessa! Kawawa ka naman.... Ano nakuha na ba nya ang perlas ng silangan mo? Pathetic!" pang-aasar ko pero mukang epektib kasi napatigil sya. Hindi sya naka-imik. Nakita ko yung sing-sing sa daliri nya. Woah wait. Seriously? Ang cheap ni Mark ah?

"Ow wait! Pinangakuan karin ba nya ng kasal? Well, if I were you... you better back yourself off kasi aasa ka lang.. Hindi ipagpapalit ni Mark ang lahat ng meron sya para lang sa....." tinitigan ko sya from head to foot. "isang katulad mo." pagtutuloy ko. Alam kong masasakit pero alam kung iyun din ang katotohanan! Sino bang baliw ang magpapakasal eh ang bata pa! Tsaka para di narin sya lalong masaktan pa.

"Hey where are you going?" tanong ko habang pinipigilan nya ang galit nya at lumkad paalis.

"It's none of you're monky business. I'm not in the mood to talk about with your nonsense topic..." huminto sya at humarap sakin. "And if I were you... you better keep your mouth shut... kasi kahit anong gawin mo.. AKIN si Mark. A K I N. Get it?" lumakad sya palayo at may dumaang taxi at sumakay.

"Aaaaarrrghh! Ginagalit talaga ako ng babaeng iyon!! Humanda ka." nag madali akong umakyat at isinagawa ang plano ko. Welcome naman ako dito kasi kilala na ako ng matandang to kaya nung busy ito sinamntala kong umakyat sa kwarto ni Mark at kinuha ang pahahalagang gamit na sa cabinet lang nakatago at inilagay ko sa kwarto ni Chloe... Well, plan A pa lang 'to. Basic, kasi alam ko namang makaka gawa ng lusot yung babaeng yun at tanga si Mark kung maniniwala ito. Hays sana naman maging successful 'to para di na mahirapan amg beauty ko. Pagtapos ko nagpaalam ako at bukas na lang ako kukuha ng balita tungkol sa babaeng gold digger.

Chloe's POV

Bakit ba ang daming hadlang samin ni Mark? Masaya ba sila na nakakasira sila ng isang relasyon? Bakit dahil ba mahirap lang ako tingin nila hindi ako kayang mahalin ni Mark?! Gusto kong maiyak sa loob ng taxi. Dapat hindi ako maiiyak eh matatag ako pero nagiging emotional ata ako ngayun! Nakaka-asar! Nasaktan ako sa bawat salitang binitiwan nya. Hindi. Alam kong matagal ayusin lahat ng kontrata ni Mark kaya matagal sya. Nangako sya sakin na iiwasan na nya yang Vanessa na yun at naniniwala naman ako. Pinigilan ko ang sarili ko na wag maiyak. Hindi ang isang tulad nya ang makakasira saamin ni Mark.

Ilang sandali lang nakarating ako sa tapat ng malaki at mataas na building. Bumuntong hininga ako bago bumaba at tinungo ang office ni direk Bogs pero sabi nito kaka-baba pa lang daw. Agad naman akong pumunta sa elevator at pinindot ang ground floor para sa parking area nag bakasakali akong baka andito pa sya. Pinilit kong ngumiti dahil pag nakita nya akong malungkot magalala pa yun.

Nilibot ko ng tingin anc parking area at nakita ko ang likod nya, sisigaw sana ako pero parang na dikit ang paa ko sa kimatatayuan ko dahil naistatwa ako sa nakikita ng dalawang mata ko. Yakap yakap sya ng isang babae at pamilyar ito.... si Vanessa......

Para akong pinagsakluban ng langit at lupa sa nakikita ko. Hinagod ni Mark yung likod ni Vanessa.. sa pagkakataong ito naguunahan ng tumulo ang luha ko sa muling pagkakataon hindi... hindi ako naniniwala... Ilang sandali pa isinakay ni Mark si Vanessa sa front seat at umalis. Wala parin ako sa sarili ko. Ni hindi nga ako nakakarinig ng pag iyak ko.. pero basta na lang tumulo ang luha ko. Sa lahat ng pinakita nya lahat ng yon ba kasinungalingan lang? Totoo ba lahat ng sinabi ni Trisha.. naisip kong maaaring totoo yun. Bakit ba ang tanga ko dahil naniwala akong kaya nya rin akong mahalin? Ganoon ba ako katanga kasi pati buong pagkatao ko naibigay ko sakanya?!

Kahit na umiiyak ako sinundan ko sila. Pumara ako ng taxi. Huminto sila sa isang condo...

"Ma'am dito na po ba? Huminto na po yung sasakyang pinapasundan nyo." natauhan ako sa pagsasalita ng driver. Pinahid ko yung luha ko at nagbayad tsaka bumaba. Sinundan ko sila sa parking lot dahil hindi maka pasok yung taxi. Nag tago ako at nakita ko ang paglabas nilang dalawa sa walang ka-tao-taong parking space. Inalalayan ni Mark si Vanessa pero huminto ito... hindi ko na kayang panuorin pa sila. Para akong sinasaksak ng milyon milyong kutsilyo sa puso yet hindi ako mamatay matay! This is full tortured!

Sa oras na hinalikan ni Vanessa sa si Mark hindi ko na ito tinignan pa. Nag lakad ako palabas at tuluyang umiyak. Sumabay pa ang malakas na ulan pero wala akonc paki alam. Pakiramdam ko mag isa lang ako. Niloko nya pala ako? Ha-ha-ha! Ang tanga mo Chloe! Congratulations tanggapin mo ang award. Pinakatangang babae sa mundo dahil sa paniniwalang mamahalin din nya ako.... ng totoo.

P.A. ng Artista *editing*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon