P.A. ng Artista by WantedGirlWriter
Pang-walo
Pagkarating namin sa bahay ni Mark, nadatnam naming nanunuod si Trisha sa sala. At nung nakita nya kami or si Mark napatayo sya.
"Mark! Where have you been? I've been waiting for you. Nakakatampo," Sabay halik nya pa dito ng mariin sa harap ko at hinapit ang ulo ni Mark para idiin ang halik nya, ako naman umiwas at nagpunta sa kusina para puntahan si manang. Naiwan silang dalawa do'ng nag uusap. O naglalandian. So, may something pala talaga sa kanilang dalawa. Ngayun ko lang kasi nakitang dumalaw dito si Trisha. Siguro noon madalas pero dahil busy sila sa movie nila nung mga nakaraang linggo hindi sya napapa-dalaw.
"Hello manang mukang masarap yang niluluto mo ah. Sakto sobrang gutom na talaga ako."
"Haha. Oo nga hija. Kaso parang di mo matitikman. Mukang paalis ata kayo eh,"
"Po? Wala naman pong nababanggit si sir Mark eh,"
"Oo nga eh. Kaso parang may pupuntahan kayo. May dala kasing maleta yang si Trisha."
"Talaga? Hmm. Baka naman po bukas pa masyado lang syang advance?"
"Siguro nga. Oh tapos na ko. Gutom ka na kasi kaya ayan dinalian ko na para sayo," Kumuha na ako ng plato at isang tambak na kanin at ulam. Naalala ko naman yung luto ni mama.
"Hmmm! Manang kasing sarap mo po talaga mag luto ang mama ko. Na mi-miss ko tuloy sila!"
"Ikaw naman kasi. Kung magkaka pera ka bisitahin mo sila. Pero bumalik ka kasi ma mi-miss rin kita."
"Oo nga manang eh. Kaso mukang malabo yun kasi sigurado akong di na ko pababalikin ng mama't papa ko kung sakaling bumalik ako dun. Baka makurot pa ko nun sa singit eh! Hehe"
"Haha. Ganyan talaga kaming mga magulang no. Pero syempre mahal parin namin kayo."
"Tama ka po. Kasi kahit may pagka weird po sila. Mahal ko po yun kaya sobrang taas ng pangarap ko kaso parang ayaw nila."
"Haha. Sige hija kumain ka na muna." Kumain na ako kahit medyo maaga pa. Pano ba naman sobrang gutom eh. Habang kumakain ako napansin kong pumasok si Mark sa kitchen. Dalawa po kasi kitchen dito, mayaman kasi sya.
"Manang maghanda po kayo ng pagkain para sa apat. Dito po kakain si Trisha"
Tumango naman si manang at ngumiti lang. Tinulungan kong mag-ayos si manang ng pinggan na para sa dalawang tao lang. Tutal naka-kain na rin naman ako.
Nakita kong mag-isa lang si Trisha sa sala. Naligo pa siguro si Mark. Pawisan kasi sya. Pero parang wala lang naman kay Trisha kung pawisan si Mark e. Kung mag halikan sa harap ko parang walang tao.
Nakita kong bumaba na si Mark at naka-sando lang sya. Sobrang simple nya lang tignan. Naka-short, pero kahit sobrang simple ng suot nya nag mumuka parin syang mayaman. Yung malakas parin ang dating. Kahit siguro mag taping sila ng ganyan suot bebenta parin sa madla e.
Baka nga kung ibebenta yang suot nyang sando lang pagkakaguluhan pa rin.
Nakita kong papalapit na sila d I to kaya nagmadali kong nilapag yung ulam at pumunta sa dirty kitchen. Bahala na sila dun. Nagpahinga ako saglit at nagpaalam kay manang para maligo.
"Manang ligo ho muna ako..."
"Osya sige, bumaba ka na lang din at baka may iutos si Mark.."
"Opo manang.. may kausap pa rin naman po sya e.."
"Sige na at nang makapamalit ka ng damit, basang basa ka sa pawis kanina." Tumango lang ako at umakyat. Hindi naman nila ako napansin na dumaan dahil busy sila sa pakikipag kwentuhan sa isa't isa. Napapa-irap na lang ako dahil sa tawa ni Trisha na parang humahalinghing na. Ganun ba talaha yun tumawa?
Umakyat na ako at naligo. Feeling fresh! Pagkalabas ko ng CR ay pumasok na ako sa kwarto at nagbihis. Sinuklay ko yung mahaba kong buhok. Napatingin ako sa salamin.
"Mas maganda pa nga sa Trisha na yun e! Medyo lamang lang sya ng konting pa-derma at pa-lypo!" Natawa ako sa insecurities ko na half truth naman.
Mas maputi kasi sya sakin yung tipong onting pisil mo lang mamumula na sya at parang sisirit na yung dugo sa balat nya. Tapos sexy rin sya, ang laki ng hinaharap at nang balakang. Ako naman may hubog lang ang katawan. Sinukat ko pa yung dibdib ko gamit ang kamay ko.
"Normal naman siguro size nung akin, yung kanya lang na sobrahan.." Hinimas ko rin yung balakang ko pababa sa may pwetan.
"Ayos naman din, medyo matambok... nasobrahan lang talaga yung kanya.."
Matapos ang muni-muning iyon bumaba na ako at nasa ganoong posisyon pa rin sila at bahagyang tumatawa.
Matapos nilang kumain tinulungan kong muli si manang iligpit yung kinainan nila. Nasa sala naman si Trisha at Mark nagtititigan na tipong malingat lang kami ni manang ay pwede na nilang kainin ang isa't isa. Ay peste, saan nanggaling yumg isip na yun?
Ako na ang naghugas ng plato habang si manang ay nagpapahinga na. Hindi naman ganoon ka bigat ang trabaho kasi dito. Sakto lang ang laki ng bahay. Modern house at kumpleto naman sa gamit. Maaliwalas nga sa bahay na to e yun nga lang iilan lang ang naka tira. Minsan pa nga daw si manang lang ang nandito pag nasa out of town si Mark pero sanay na doon si manang.
Matapos kong maghugas lumabas ako ng pinto at nakita ko sila..
Napa-atras ako nang makita kung anong ginagawa nila. Tama nga yung hinala ko. Naghahalikan ang dalawa at maya-maya pa ay natabig nila yung baso dahilan para mabasag. Hindi ko nakita kung sino ang naka tabig dahil nahaharangan ng likod ng couch pero alam kong basa iyon.
Muka naman silang nahimasmasan sa ginagawa nila at nataranta si Mark.
"Cho-Chloe!!" Alangan nyang tawag sakin. Nagkunwari naman akong katatapos ko lang maghugas.
"Ano po yun?"
"Linisin mo yung nabasag dito.."
"Okay po.." Nakita ko pa yung medyo mataray na sulyp sakin ni Trisha. Sinunod ko naman sila. Natatawa-tawa akong nilinis yung nabasag.
Ayan kasi, hindi makapag-pigil. Sayang naman yung baso.
Natapos akong linisin ay nag decide silang umakyat.
"Nga pala Chloe, ayusin mo sa kwarto mo, doon muna matutulog si Trisha..."
"O--okay po."
Sinunod ko naman sila. Kumuha ako ng sarili kong panlatag at malamang sa ibaba ako matutulog.
"Mag-gayak ka rin para bukas, may pupuntahan tayo..."
Sabi ni Mark. Inempake ko yung mangilan-ngilan kong damit at inihanda.
Nakasalubong ko pa sila habang pababa na ako.
"So, ayos lang bang dyan ka muna?"
"Yeah, no problem.." Narinig kpa ang malanding hagikhik nito.
'Yeah, no problem' ginaya ko ito sa mahinang boses at nag make face pababa ng hagdan. Di naman ako narinig nun.
"Ba't ba kasi kailangan pa mag bukod, nagkakahiyaan pa e halos magkainan na sila kanina!" Gigil kong sabi sa sarili ko. Ibinagsak ko yung comforter sa sahig at nilatag.
Bakit ba ako naaasar?!
"Masakit kasi sa likod mahiga sa sahig e!" Dahilan ko sa sarili ko at sumalampak na sa sahig.
Thanks for reading!
Keep on supporting P.A. ng Artista!
Comment, Vote and Follow! ♥
BINABASA MO ANG
P.A. ng Artista *editing*
RomanceI started to be his P.A. Will I end up being his P.A.? P.A. ng Artista © 2014 by WantedGirlWriter