Chloe's POV
Kinakabahan ako ako dahil isinama ako ni Mark papunta sa studio nila. Tinawagan na nya kagabi yung direk at natuwa din ito dahil sa pagtanggap sa in-offer sakanya. Hindi maalis kay Mark ang aliwalas ng muka habang nag ddrive kahit hindi sya nakangiti.
"You ok hon?" tanong nya sakin at hinawakan yung kamay ko dahil pinaglalaruan ko iyon dahil hindi ako mapakali at kinakabahan. Nararamdaan nya siguro. Tumango ako.
"You look so nervous? Why?... Gusto mo iurong ko na yu---"
"Waaag! A-ano kasi... Di ba ngayun mo makikilala yung makakatambal mo?" tumango sya. Nagiwas ako ng tingin.
"Don't worry alam kong si Trisha lang naman yung katambal ko eh."
"Pero alam mo..."
"Hmm?"
".... parang may gusto sayo si.. uhm.. Trisha. Ano.. parang lang naman." yumuko ako. Naramdaman ko amg paghinto ng sasakyan.
"Ang babe ko nag seselos! Hahaha. You're so cute! Hahaha!"
"Wa-wag ka nga tumawa dyan! Mamaya kasi---"
"Chloe.. don't be paranoid okay? I love you! I love you! I loveeeeee youu! Di ko ma explain yung nararamdaman ko.. I mean.. I damn inlove with you kahit sa maikling panahon nating magkasama. Sh*t ang cheesy ko. Ganito always remember na trabaho lang 'to. Ok?" hinawakan nya yung baba ko at inangat para magkatapat ang muka namin pero nag iwas ako ng tingin.
"Chloe look at me.." hindi ako tumingin. Hindi ko alam kinakabahan ako baka asarin nya namaman ako. Naihiya ako kasi parang sobrang takot ko.. parang wala ako tiwala at bilib sa sarili ko at sakanya.. Nakakahiya.
*Tsup
*Tsup
*Tsup
O////O
"Hahaha! I love you Chloe! Let's go?" hindi na ako nakaimik matapos nya akong halikan. Sobrang pula ko na siguro ngayun. Bumana na sya at sumunod naman ako. Dumidistansya parin ako dahil ang alam nila ako parin ang PA ni Mark pero hindi nya ako pinagdadala ng kahit ano sa halip inaalalayan pa. Kinakabahan nga ako na baka mahalata ng iba.
"Direk Bogs! Nice to see you again!" nauna sya at niyakap ang medyo katandaan na lalaki? Parang bakla ata na may salamin. Nasa isang lamesa sila kasama siguro ang ibang cast dahil by next next day na ata ang taping kaya ito yung preperation.
Andito lang ako sa may hindi kalayuan kasama yung mga staff na nagaayos ng mga ilaw at kung ano ano pa. Masyado silang abala. Ibinaling ko ang tingin ko kay Mark at nakita ko syang nakatingin sakin. Ngumiti sya. Ngayun ko lang naramdaman ang agwat namin dalawa na dati hindi ko iniintindi kahit na mahirap lang ako.. pero ngayung kami na ng artistang to na kinaasaran ko dati parang naisip ko na sana pinanganak na lang din akong mayaman at naging artista. Hays! Naririnig ko ang usapan nila at nagtatawanan dahil hindi naman ganoon kalayo ang distansya ko sakanila.
"Mark... Mamaya parating narin yung makakatrbaho mo for one month. She's your leading lady." sabi nung direk Bogs kay Mark habang abalang naka tingin sa laptop nito. Nakita ko ang pagtataka sa muka ni Mark.
"I thought it was?"
"Trisha? Nope. She was trying to get that role pero hindi sakanya fit yung character. Hay naku Mark, ilang linggo ka pa lang nawawala sa showbiz industry hindi mo na agad alam na bumalik si---" naputol ito dahil may dumating na babae at sa likod nito ang isang damakmak na reporters na ngayun ay hinaharangan.
"Hellooo guiseeeee!" kumakaway na lumapit ito sa kanilang lamesa. Nakita kong natulala si Mark pero agad din syang bumalik sa ulirat nya. Kahit ako ang lalaki magiging ganoon ang reaksyo dahil hindi maikakaila ang kagandahan nito. Maging ang hubog ng katawan nya at talagang perpekto. Nanliit tuloy ako sa sarili ko pero hindi ko dapat iyon maramdaman. Umayos ako ng tayo. Nakarating ito sa lamesa at nakipag beso sa direktor.
"Vanessa! As you request, si Mark Alcantara. Sya ang leading man mo." nakita ko ang titigan nilang dalawa sa isa't isa. Nanghina bigla yung tuhod ko sa nakita kong pagtitig nila sa bawat isa. Kahit hindi ko alam parang may may kung anong namamagitan sa kanila. May kumirot na kung ano sa dibdib ko.
"Hello Mark. You're still the same Mark I used to know. Handsome." ngumiti lang si Mark at nakipag kamay sana pero beso ang ginawa nila. Nag kwentuhan yung Vanessa at ibang mga cast at nag tatawanan. Nakita ko rin kung paano mapangiti si Mark. Natutuwa ako sa ngiti nya pero kung maiisip ko.. hindi ako yung dahilan. Iginiit ko sa sarili ko na dapat hindi ko iyon iniisip dahil teabaho lang iyon Chloe! Stupid! Kawawa naman si Mark pinahiisipan mo agad. Inalog ko yung ulo ko.
Naging matagal para sakin ang pag uusap nila. Ilang sandali pa at may dumating na naman. Sya yung pinsan ni Mark na nag punta sa bahay nya. Makakasama rin kaya nya ito?
"Gelo! How was your work shop?" tanong ni direk sa lalaking dumating
"As I said it was easy direct!" umismid ito at nabaling ang tingin sa pinsan nya.
"Dude! We're working together! Hahaha!"
"What ever Gelo. Hindi ko alam balak mo agad sumabak sa showbiz?" umismid ito at may binasa sa bond paper na kanina pa nya hawak.
"As I said!" sagot nito. Nakaka intindi sya ng tagalog.
"Alam mo naman yang si Gelo.. Pagkatapos gumawa ng isang movie mag lalaho din yan! Hahaha!" singit ni Vanessa. Magkaharapan sila ni Mark pero hindi nito katapat ng upuan. Nakatalikod si Vanessa sakin kayat di ko alam kung kanino sya nakatingin.
Matapos ang pag uusap nila na parang reunion na din dahil narinig kong umalis itong si Vanessa ay agad din silang nagtayuan. Bukas din narinig ko ang wirk shop nila. Next week pa pala ang taping kayat may one week silang work shop together.
Unti unting nagsitayuan ang lahat at nag paalam sa isa't isa. Nakita kong sinabayan ni Vanessa si Mark mag lakad. Lumapit si Mark sakin at inalalayan. Halos ilang oras din akong nag intay sa kanya at sana alam nyang inip na inip na ko na panuorin sila pero wala akong magawa. Trabaho nya to at ako dapat ang unang nakaka intindi sakanya.
"So Mark---" nagulat ang babae ng bigla nya akong halikan at nag paliwanag.
"Sorry it took so long." tumango ako. "Okay lang Mark." ngumiti ako. Hinarap nya ito at hinapit ni Mark ang bewang ko na ikinagulat ko.
"Vanessa. This is Chloe, my girlfriend. Chloe, this is Vanessa--"
"Ex-girl friend of Mark.... Hahaha just kidding! Nice to see you Chloe! You're cute and simple!" ngumiti ako at inabot ang kamay ng pagkakaibigan nya.
"Nice to meet you Vanessa."
"Don't mind what I said! Ganito talaga ako palabiro!" ngumiti sya. Kahit parang totoo yung sinabi nya hindi ko naramdaman ngayun yung galit dahil sa sobrang amo at friendly-ng muka nito. " By the I need to go. Mark una na ko. See yah tomorrow!" nag beso ito sa aming dalawa at nakita ko ang pag sunod ng tingin ni Mark dito. Siniko ko nga.
"Aray!" tinitigan ko nga ng masama tsaka nag martsa palabas ng building narinig ko ang pagtawag nya pero hindi sya pinansin!
Nakakapag selos. Lalo pa't nasa kanya na yung hanap lahat ng lalaki. Hmp!
BINABASA MO ANG
P.A. ng Artista *editing*
RomanceI started to be his P.A. Will I end up being his P.A.? P.A. ng Artista © 2014 by WantedGirlWriter