Pang labing-anim

936 12 0
                                    

P.A. ng Artista by WantedGirlWriter

Pang labing-anim



Chloe's POV

Umalis na rin kami ilang oras bago kami matapos kumain. At si Mark, Para nya akong ginisa sa sarili kong mantika! May araw ka rin sakin. Ako naman ang gaganti sa mga pinag gagawa nya sakin kanina nung andun pa kami sa bahay. Gusto nya ng laro ah. Kahit di ako marunong non. Ittry ko. Masyado nya akong pinupuno eh. Pero hindi ngayun mag iipon muna ako ng lakas ng loob.

"Antahimik mo naman ngayun baby?" tanong nya. Ayan na naman sya nangaasar!

"May dapat ba akong sabihin?"

"Hahaha." tinitigan ko sya ng masama. Natigil sya. Eh kung ngayun ko na kaya simulan ang pang aasar ko? Huh! Baka hindi kami makarating ng Manila at hindi sya makapagpigil?

Umayos ako ng upo. Short lang ang suot ko at simpleng t-shirt na bili pa rin nya. Lumapit ako sakanya habang nag mamaneho.

"Gusto mo ba talaga ng laro?" Napalingon sya sakin saglit at ibinalik sa pag mamaneho. Hindi sya nakaimik. I feel that he was tensed sa sinabi ko. Tinayuan naman ako ng balahibo dun.

Mas lumapit ako sakanya. Mukang epektib. Dapat pala masterin ko ang ganitong pangaasar para lagi syang tahimik.

"Sana kasi sinabi mo agad para hindi ako nagagalit pag nang aasar ka" Hinawakan ko yung dibdib nya at parang natigilan sya. Isusugal ko na tong kahihiyang natitira sa katawan ko tutal wala na rin eh. Inubos na nya, at sa harap pa mismo ng mga magulang ko.

Nilapit ko ang muka ko sa pisngi nya habang hinihimas yung kabila. Alam kong ramdam na nya ying hininga ko pero hindi sya nag papa distract dahil malamang mababangga kami pag ganun.

"Ch-chloe. Nag ddrive ako." Utal nyang sabi at pilit na ibinabaling ang mata sa daanan.

"I know" Tsk! Kelan pa ko naging ganito?! Kusa na lang lumabas tong skills ko dito ah? Ipinaharap ko sya sakin at nakita ko ang kaba sa mata nya. Jusme di ko kaya to. Inilapit ko ang muka ko sakanya at napapikit sya pero.

Bumagal naman kami ng takbo.

"Hoy! Mababangga tayo!" Bigla nyang preno, napaiktad sya at naalarma.

"Wahahahaha! Ano? Galing ko no? Hahahahahaha" humampas pako sa lap ko dahil sobrang tawa.

"Gusto mo ba talaga?" Natahimik ako dahil sa tanong nya, seryoso yung muka nya na nagbigay ng kilabot sa katawan ko.

"A-aaah. A-ano. Hi-hindi na-naman. Nang-nangaasar lang din naman ako eh. Hehehe" seryoso yung muka nya pero hindi sya gumagalaw. Nag peace sign pa ako at pilit na ngumiti. Labas lahat ng ngipin at singkit na mata.

"Yun naman pala eh" ngumiti sya at nagmaneho ulit. Hindi na ako umimik pa at nakatulog na lang sa sobrang nahihiya ako. Halos di nga ako gumalaw eh. Ayoko na nga. Ngayun palang suko na ako. I surrender. Tanong pa lang yun nanginginig na ko pano pa kaya pag tinotoo nya?

Buong byahe natulog lang ako. I mean tulog-tulogan. Nagpapatugtog lang sya sa radyo para hindi nakakabingi ang katahimikan. Huminto rin kami kanina para bumili ng pasalubong kay manang.

Madaling araw na kami ng makarating. Grabe sya mag drive ang bilis. Alam kong pagod sya. Ako ngang naka upo lang ansakit sa balakang sya pa kaya?

Tinulungan kami nung gaurd na ipasok yung mga gamit namin na doon lang din namin binili pero hindi na nya pinasok yung sasakyan nya dahil mamaya aalis din ulit kami. Dire-direcho syang pumasok at umakyat sa kwarto nya.

"Salamat sir Mark. Goodnight." sinabi ko yan bago sya tuluyang pumasok. Hindi naman sya umimik. Suplado, parang kanina game pa syang makipag biruan e.

Natutuwa naman ako kahit papano. Ginawa nya ba yun dahil sakin o bored lang talaga sya?

Well, kahit ano mang dahilan... I still owe him, dahil nakita ko ulit ang parents ko sa kabila ng mga ginawa nyang kalokohan.

Hays sir Mark.. Bipolar? Simula kasi nung biniro ko sya, sumeryoso na.

----

"Ready ka na?"

"Yes. Sir!"

"Manang alis na po kami!"

"Osige mag ingat po kayo sir Mark at Chloe."

Pupunta kasi kami sa studio nila kakausapin sya ng manager nya dahil may mga issue 'daw' na kumakalat.

"Miss Chloe iwan mo muna kami," Sabi sakin nung manager nya na medyo masama ang tingin matapos namin pumasok sa isang kung saan andun si Mark and Trisha pinalabas muna ako at doon lang ako sa may pinto.

"Mark alam mong hindi yon pwede! Masisira and image at carrer mo. Pati ang love team nyo ni Trisha."

Sigaw nito na naririnig ko kahit papa-ano dito sa labas. Grabe, nakaka-takot.

"Hindi naman ako nangingialam sa gusto mo. Ikaw lang naman ang inaalala ko. Ang kailangan nyo lang humarap sa press na kayo ng sa ganon mawala na ang usap usapan. Deal with that, pinasok mo ang ganito career, deal with the consequences!"

Dire-diretsong pahayag nito. Mahirap talaga maging public figure, lahat papakailaman sayo hanggang maaari. Tsk.

Wala na akong narinig matapos non. Wala din akong naririnig ni katiting na boses ni Mark. Lumabas sila at nakapulupot ang kamay ni Trisha kay Mark at marami ang sumalubong sa knilang press.

"Maaari ka ba naming makunan ng pahayag tungkol sa kumakalat na balita?"

Tanong ng press kay Mark.

"Oh. Sure." Preskong sabi nito pero halatang napipilitan. Kahit kasi di ko sila makita dahil maraming naka paligid sa kanila ay rinig ko pa rin sya.

"Totoo ba ang balitang kumakalat na ang isang Mark Alcantara ay may girlfriend na?"

"Oh Come on. Alam naman natin na pihikan si Mark pagdating sa mga babae. Maybe marami lang ambisosya dyan ang nagkakalat at nag fe-feeling na sila ang girlfriend ni Mark."

Sabat ni Trisha sa tanong para kay Mark. Psh grabe sya makasalita, kung para kanino man yun.

Nagtanong pa yung mga reporters o mga paparazzi.

"Miss Trisha. Ano ba ang relasyon nyo ni Mark at ikaw ang sumasagot sa halos lahat ng aming katanungan?"

Papansin kasi sya. Bulong ko.

"We're dating. Pero syempre focus pa rin kami sa work. Right Mark?" hindi ko narinig na sumagot si Mark, marahil tumango lang ito.

"Ahh. Kung ganun maaari ba naming malaman kung sino ang babaeng iyon na parati daw kasama ni Mark?"

"Hindi namin alam kung sino sya pero malamang ilan lang yon sa tagahanga ni Mark na madalas naming kasama,"

"So ano naman po ang nais nyong sabihin sa inyong mga fans?!"

"Keep on supporting our love team guys! We love you sooo much! Mwaaah!"

"Ahh--" magtatanong pa sana ang mga reporters pero umalis na sila

"Sorry guys we have to go"

Sumunod naman ako dala ang mga gamit ni Mark dahil may guesting ata sila. Sino kaya yung babaeng tinutukoy nila? Hm. Bakit di ko kilala eh halos araw-araw naman kasama ko si Mark ah?


Thanks for reading!

Keep on supporting P.A. ng Artista!

Comment, Vote and Follow! ♥

P.A. ng Artista *editing*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon