P.A. ng Artista by WantedGirlWriter
Pang labing-isa
He kissed me passionately. Why I am responsing to all of those kisses? Why I can't resist it? Parang lumutang ako sa kawalan.
I can smell and taste the liquor inside his mouth. Parang nalalasing narin ako. Parang natataranta ako sa mga malalambot nyang labi at hindi alam ang gagawin. Pero natauhan ako at parang may dumaan na kung ano para magawa ko syang itulak sa kabila ng lahat.
Napahawak ako sa mga labi ko. Hala! Totoo ba yun? Ngayun nakasalampak na sya sa kama. Sinapok ko pa ang sarili ko. Ang tanga mo! Kelan ka pa natutong humalik Chloe? Pero kahit first ko yon bakit ganun? Parang nadala na lang ako sa nangyari kanina? Lasing ang amo mo! So ibig sabihin.... pinagsamantalahan ko ang sitwasyon nya?! Waaahhh. Grabe na 'to hindi ko kaya. May tuwa akong nararamdaman pero guilty ang nangibabaw nung patulog na ko.Hindi ko na pinagpatuloy yung ginagawa ko dahil baka magkamali pako. Pero hindi rin ako nakatulog ng gabing yon! Ano ba 'to. Bakit sobrang affected ako?
Bumalik na ako sa kwarto ko na tulala. Ni-hindi ko na natapos yung ginagawa ko.
Nagising ako ng maaga at naghanda ng umagahan kasama ko si manang Linda. Pero si sir Mark hindi nagising. Tanghali na nung gumising sya at mukang may hang over pa. Biglang naalala ko yung nangyari kagabi. Hala. Paano kung sabihin kong.... pinagsamantalahan ko pala sya? Baka palayasin ako nun! No way kelangan ko muna ng pera. So all you need to do Chloe is to shut your mouth. I nodded to my self with a lot of conviction.
"Good morning manang," bati ni sir sabay abot ni manang ng kape. Medyo hahapay-hapay pa sya habang nakatungo at kinukusot yung mata. Alam na alam na ni manang ang gagawin nya. Gaano na kaya sila katagal magkakilala?
"Magkape ka muna. Panigurado hating gabi ka na nakauwi"
"Oo nga po eh. Sino nga po pala ang naghatid sakin?" sabay higop nya ng kape. Ngayun naka sando na sya at short. So nagising pala sya kagabi? Hm.
"Hindi ko alam eh. Ikaw ba Chloe ang nag bukas ng pinto?" medyo naibuga ko yung kape ko at nataranta.
"Ha-ha? Ahh. O--- oo. Ay hindi ako. Kasi pagbaba ko andito na si sir. Ako lango yung u-umakay" parehas sila napa 'ah' pero si Mark medyo may ngiti sa labi pero agad ding nawala.
Ganun lang kami at pagsapit ng hapon umalis kami ni sir Mark at dala dala ko yung gamit nya.
"Akin na nga yan. Di ba sabi ko wag kang magbubuhat ng mabigat? Sakin mo ipabuhat sayang naman yung muscles ko" sabay kindat pa. Che! Pero nung kasama nya si Trisha kala mo tri athlete ako kung pagbuhatin ng gamit nila!
Pero, ano ba to parang nagwawala yung dibdib ko. Meron pa naman kaming history ng sakit sa puso. Hindi na nga ako kakain ng ma-cholesterol. Hindi ko na pinansin si Mark kasi ganun nga talaga sya. Mayabang.
"Sir san punta natin?"
"Hindi ko nga rin alam eh. Ikaw san mo ba gusto pumunta?" Anong nangyayari dito? Seryoso ba 'to. Muka namang hindi eh. Mangaaya tapos hindi alam kung saan pupunta?
"Sa probinsya namin sir" medyo nalulungkot pa ko. Dun naman talaga ang gusto kong puntahan kaso walang pagkakataon sana bigyan na nya ako ng pera para makalayas nako sa pang aalipin nya.. Baka sya pa ang maging dahilan ng pagkakasakit ko sa puso...
"Ok!" muka pa syang excited at nagsuot ng sun glass.
"Seryoso po?" titig na titig ako sa muka nya kahit naka tagilid. Ngayun ko lang na-appreciate yung kagwapuhan ng nilalang na to! Sana lagi syang naka sun glass.
"Yep! Bakit ayaw mo? Ayaw kong pumunta sa celebration party namin. Sawa na 'ko. I want more adventurous!" sabay kindat pa.
Ano daw? Ano tong nararamdaman ko sa tiyan ko? Parang nakikiliti ako. Pero pinigilan ko.
"Ta-talaga sir?" With puppy eyes.
"Wag na nga lang ang kulit mo eh" ililiko nya sana pero pinigilan ko. Sabik na sabik na kong makita ang mga magulang ko.
"Waaaag! Ok sir Mark tatahimik na po ako. Zip na po ang bibig ko!" kahit na medyo may kalayuan yun ok lang para sakin, ewan ko kay sir Mark.
Masaya ako habang nag bbyahe pero ilang oras lang nakatulog ako dahil sa tagal. Halos aabutin kami ng ilang oras. Panigurado gabi na kami makakarating doon.
"Pst! Oy babae gumising ka" may tumatapik sakin. Andito na ba kmi? Kinusot ko pa yung mata ko habang minumulat.
"Andito na po ba tayo?"
"Na stranded tayo" wala akong nakikita mula sa labas kundi mga malalaking patak lang ng ulan.
"Dilekado magbyahe ng ganito. Mag palipas muna tayo."
"Ok po." Matutulog na sana ulit ako pero pinigilan nya.
"Ano dito ka matutulog?!" Tumango ako at sumandal na lang ulit.
"Pano ako? Ang sakit na ng pwet ko kaka drive tapos ikaw kanina pa natutulog."
Medyo naawa naman ako dahil alam ko malayo talaga to at wala pa kaming dalang mga damit.
"Sino po ba kasi ang nagsabing pumunta tayo dito?""Ikaw."
"Ahh. Ako ba? Eh. Saan po tayo magpapalipas ng gabi nyan?"
"Dun. Dalian mo sumunod ka ah. Hayaan mo na yang mga gamit dyan. Aalis din tayo pagka tila ng ulan" sumugod sya sa ulanan at naiwan ako pero sumunod din ako nilock ang sasakyan.
Pagpasok namin halos punuan napkaraming tao. "Miss meron pa bang vacant? For two?" tanong ni sir Mark at nakita ko naman yung babae na pumungay ang mata.
"Sorry sir. Only one room are available now,"
"Ok. Kunin na namin"
"Teka! Magkasama tayo?" Gulat kong tanong.
"Wag ka ng maarte ilang beses na tayong nagkatabi ngayun ka pa aangal," nagbayad sya ng pera at nakita ko ang panghihinayang dun sa muka nung babae. Feeling ko nag blush ako. Iba kasi yung dating sa ibang makakarinig. Nakakahiyaaaa!
Umalis na sya matapos mag-bayad at kunin yung susi habang ako naiwang naka tulala, sa sinabi nya.
Nawala na yung antok ko. Hindi ko na kailangan pang matulog. No need.
Thanks for reading!
Keep ong supporting P.A. ng Artista!
Comment, Vote and Follow! ♥
BINABASA MO ANG
P.A. ng Artista *editing*
RomanceI started to be his P.A. Will I end up being his P.A.? P.A. ng Artista © 2014 by WantedGirlWriter