After six years
It's been a long six years since I decided to leave. The day that I saw my self agonizing from that painful phase of my life.
Hindi ako maka-paniwala na kaya ko pala. Oo nga't kulang ang halos dalawang taon para kalimutan ang lahat ng nangyari pero hindi naman pala ganoon kadali yon lalo pa hindi mo naman talaga mabubura yon. Lesson learned. Masyado pa ngang immature ang isang Chloe dela Cruz noon para mag-mahal ng sobra. Sa totoo gusto ko na lang tawanan ang sarili ko pero syempre parte yon ng buhay.
Ang mahalaga nakaya kong bumawi. Itayo ang sarili ko kasama angmga taong mahalaga sa buhay ko.
Hays. Nakaka-lungkot ang unang isang taon sa America. Lahat bago! Kelangan mag adjust, at dahil madalas wala si papa kaya puro housekeeper ang kasama ko. Pero nakayanan ko namn yon agad. Ako parin naman si Chloe walang nag iba.. naisip ko kasi bakit kelangan kong baguhin yung dating ako para lang sa isang taong naging parte ng buhay ko at ang masakit pa ay nanakit sayo?
Hanggat maaari ayoko ng balikan pa ang nakaraan, ni ayaw ko ng alalahanin pa 'to.
Naging hobby ko noon ang pag tingin tingin sa mga business suits ni papa noon at nagustuhan ko yun hanggang sa nakita ko na lang yung sarili kong gumuguhit ng isa sa mga ito. Nag aral ako at naging isang fashion designer at nag patayo ng sariling botique sa Pilipinas pero hindi pa ito nag bubukas dahil plano pa lang namin umuwi.
Naisilang ko ang isang gwapong anghel dito sa US at dito na pinalaki. Laking tuwa ni papa dahil lalaki at may taga pagmana na daw sya ng kompanya! Natawa naman ako noon dahil bata pa lang parang planado na lahat ni papa! Habang lumalaki sya hindi ko maitatanggi na kamuka sya ng ama nya, tanggap naman sya ni...
"Hey. Pre-occupied again? What's bothering you?" sabi ni Vincent habang nasa sasakyan kami papuntang airport papuntang Pilipinas, doon na kami titira dahil Pinoy naman itong si Vincent. Kami lang ata ang iba ang citizenship ng anak ko.
I met him sa company ni papa. Yun yung time na sinusubukan kong maka-limot. Dahil madalas wala si daddy, madalas nag dadala ako ng pagkain sakanya. Hindi naman ganoon kalawak ang business nila dito sa America sapat lang pero sa Pinas maituturing mong napaka-lawak ng sakop. So ayun, nalaman nyang anak pala ako ng mayari ng kompanya kaya noong una ay natakot sya pero nung naging close kami mas ikinatuwa ni dad dahil kung sakaling maging kami daw may mamamahala na ng business nya. Pinagkaka-tiwalaan kasi sya ni daddy. Naging official gf/bf kami two years ago dahil hindi ko pa kayang magmahal noon at dahil busy ako sa anak ko. Pinag isipan ko kasing mabuti ang desisyong iyon at ngayun masasabi kong sigurado at masaya na 'ko.
Ilang sandali lang nakarating na kami sa airport at ginising ang anak ko. Si dad susunod na lang dahil may kailangan pa sya ayusin and besides kailangan ko na ring ayusin yung pinapatayo kong pwesto para sa botique ko.
"Hey baby wake up. We're here." napa-mulat ang anak ko. Jensen Villegas. Parehas kami ng ginagamit na maiden and surename. Dela Cruz and Villegas. Isang gwapong anghel na nag bigay ng rason para maging masaya ulit. Balak ko na doon na sya mag-aral sa Pilipinas tutal marami rin namang magandang eskwelahan doon. Hopefully he's grade one. Medyo may topak lang 'to. Bihira ngumiti. Totoo siguro yung pag buntis ka naaapektuhan ng husto yung magiging anak mo.
Tumayo lang sya at kinusot ang mata. Parang walang emosyon ang muka nya at hindi man lang nag reklamo na uuwi na kami ng Pinas pero okay lang yun para makasama nya ang lolo't lola nya. Tinapunan nya mg tingin si Vincent. Ngumiti si Vincent pero wala syang naging sagot at lumabas na ito.
Alam ng anak ko na hindi si Vincent ang totoo nyang ama pero hindi naman ito galit sa desisyon ko, sabagay masyado pa syang bata pero minsan matured na mag isip. Palibhasa puro matanda na ang mga kasama.
BINABASA MO ANG
P.A. ng Artista *editing*
RomanceI started to be his P.A. Will I end up being his P.A.? P.A. ng Artista © 2014 by WantedGirlWriter