Pang labing tatlo

938 14 0
                                    

P.A. ng Artista by WantedGirlWriter

Pang labing-tatlo


Mark's POV

Ginising ko sya dahil tumila na ang ulan at marami na ring nagsisi alisan. Pero ang babaeng to natulog parin hindi nagpatinag nung ginising ko sya para umalis na. Napansin kong nakabaluktot sya na parang nilalamig kaya tinanggal ko yung jacket ko at ipinatong sa katawan nya. Medyo gumalaw sya. Nag maneho lang ako hanggang makarating kami sa probinsya nila nung nasa bayan kami ginising ko na sya dahil hindi ko alam ang eksaktong address nila. Bakas naman sa muka nya ang tuwa. Isa pa sa nakakatuwang bagay sa kanya andali nyang pangitiin kahit na simpleng bagay. Pero madalas syang masungit pero gusto ko rin yung ganun.

She's unpredictable.

Nakarating kami ilang saglit lang. Maraming naglabasan na tao at tinitigan yung sasakyan ko na parang tinitignan kung sino yung dumating. Agad na bumaba si Chloe at sinalubong ang dalawang hindi katandaan at niyakap agad din naman ito ng makita. Magulang nya siguro, bakit parang matanda na ang mga to para maging nanay at tatay ni Chloe? Siguro menupause baby sya? Kaya pala masungit.. Na intimidate naman akong lumapit. Ano ba, parang ang dating ko ako yung boyfriend nya. Pero napapangiti ako pag naiisip ko yun.

"Sir? Yohooo!" nasa harapan ko na si Chloe at winawagayway nya yung kamay nya sa muka ko.

"A-ano yun?"

"Ipapakilala kita sa magulang ko" sumunod ako at ipinakilala nya ako.

"Ma, Pa si Mark Alcantara po---"

"Boyfriend ni Chloe"

Scanning....

Loading....

Buffering....

Teka! Tama ba yung nasabi ko? Nakita ko yung muka ni Chloe na halatang gulat pero yung itsura ng mga magulang nya parang tuwang tuwa na.

Mas okay na siguro yun dahil bakit nga naman pupunta si Chloe dito at kasama pa ako kung wala naman palang namamagitan saming dalawa?

"Talaga hijo? Sinabi ko na sayo Berting may boyfriend na ang anak natin kaya ayaw nyang magpakasal kay Juan! Sa wakas may sinagot din ang anak ko." Sabi pa ng nanay nito.

"Hijo. Halika dito. Kumain ka na ba?" inakay ako ng papa nya sa loob ng bahay nila at marami syang kinuwento. Si Chloe naman tulala parin. Oo tulala.

"Hijo.. Hijo?"

"P-po?"

"Kanina ka pa tulala sa anak ko. Ano bang nagustuhan mo sakanya?" naalarma ako. Ano nga ba? Hindi ko alam pero parang andaming katangian nya ang gusto ko. Gagampanan ko na ang pagiging boyfriend nya, kahit sa harap lang ng magulang nya.

"Alam mo bang ang balak namin pag bumalik sya pipilitin na namin syang magpakasal pero dahil may nobyo pala sya... At gwapo pang tulad ko.. Nagbago na isip ko" napatawa lang ako sa sinabi ni ... Mang Berting? Medyo may similarities kami sa ugali ah. Mukang magkakasundo kami.

Napansin ko lang.. Tinitigan ko ang mama't papa ni Chloe pero... parang hindi nya kamuka. Pero may hawig hawig din.. Siguro ganun talaga. Wala syang kapatid? O nagiisang anak lang sya?

Kung itatanong ko naman sa magulang nya ay baka magtaka lang ang mga ito kung bakit wala akong alam sa anak nila.

Nakita ko naman si Chloe na pinapaypayan sya ng mama nya habang umiinom ng tubig. Patay. Lagot ako neto mamaya. Lalabas nanaman ang kasungitan nya.

Nung makahanap sya ng tsempo dahil ang mama't papa nya nagtatalo sa labas hinigit nya yung kamay ko at hinatak sa loob ng kwarto.

"Bakit?" painosente kong tanong dahil alam kong galit na sya.

"Alam mo ba yung ginawa mo kanina?"

"Oo. Bakit? Wag mong sabihin na hindi mo alam--" napasapo sya sa muka nya.

"Hindi yon! Bakit mo sinabing nobyo kita samantalang hindi naman?!"

"Bakit ayaw mo? Ayaw mo non ligtas ka na sa pagpapakasal?" napasapo ulit sya.

"Yun na nga eh! Alam mo bang sinabi ko dati na pag nagka nobyo ako sya na yung taong pakakasalan ko?!"

"Ahhhh. Gets ko na... Gusto mong magpakasal na tayo? Lika na" hinigit ko sya pero nagpapigil sya. Pero syempre nang-aasar lang ako.

"Bawiin mo yung sinabi mo" mahinahon nyang sabi.

"Ano ka ba. Hindi ka ba masaya kasi kita mo? Ang saya nila nung nalaman na may boyfriend ka na? Pasalamat ka nga ako pa. Ang gwapo ko kaya... At isa pa. Dito lang naman no. Pagblik natin ng Manila wala na," napatahimik sya.

"Ano OK ka na?" nagisip isip sya at natahimik ilang sandli nagsalita na din sya.

"Pero.. WAG na WAG mong gagawin sakin yung mga pang TOTOONG mag boyfriend at girlfriend ha?!"

"Tulad ng?"

"Alam mo na yun!"

"Hindi ko alam." syempre kunwari di ko alam gusto ko sakanya manggaling. Ang sarap nya kaya asarin.

"Yu-yung.. Ki-kiss! Basta mga ganun!" napangiti ako.

"Hindi ko nga iniisip yon eh. Ikaw lang naman tong nagiisip ng ganyan." napa smirk ako. So iniisip nya pala yun ha? Kala mo ah. Gusto kong tawanan yung naging reaksyon nya. Tapos nun lumabas na ako. Alam kong asar nanaman sya at walang bawi.

I'm get to used mocking Chloe. It... it's enlighten my mood when I see her reaction, she was totally pissed.

Napailing na lang ako at malawak na ang ngiti sa labi.




Thanks for reading!

Keep on supporting P.A. ng Artista!

Comment, Vote and Follow! ♥

P.A. ng Artista *editing*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon