Pang-anim

1.1K 20 0
                                    

P.A. ng Artista by WantedGirlWriter

Pang-anim

Ang lambot naman ng unan ko, kelan pa ba ako nagkaroon ng unan na ganito? Niyakap ko pa at naamoy ko ang bango hindi ko alam kung nananaginip ba ako, pero antok pa ko para bumangon at isa pa puyat ako. Nawalan uli ako ng malay at nakatulog ulit.

Mula sa pagkakayakap ko sa unan ko, unti unti kong minulat ang mata dahil parang sapat na yung tulog ko.

Pagmulat ko nakangiti yung unan kong yakap. Ang galing naman nung unan may muka..... Teka!!! Ano bang nangyari kagabi? Umulan. Dito tumuloy si Mark. Nalaman kong takot sya sa kulog pati yung reason nya. Nakatulog kami.... So sya.ba.yung.unan.ko?

Lumayo ako nang tuluyan kong makita kung sino ba talaga yung katabi ko at nakita kong si sir Mark.

"Te-teka! Ba---"

"Goodmorning sleepy head!"

"Ba't andito ka?"

"Nalimutan mo na ba yung nangyari kagabi? Ano ba yan makakalimutin. Pero ok na yun para ligtas na ako" Ano daw? Teka ano daw? Nangyari? May nangyari ba? Teka! Mali ata ako ng dinig.

"May nangya-- teka may nangyari?!"

"Yep! Ba't nalimutam mo na?"

"Anong nangyari? At anong ibig sabihin mong ligtas ka na?" Kakagising ko pa lang at di ma diggest ng isipan ko lahat ng sinasabi nya. Di pa nga ako nag to-tooth brush eh!

"Di ba nag kwentuhan tayo? Ibig sabihin ligtas na ako sa pangaasar mo kasi nakwento ko na yung reason ko. Tsk dyan ka na nga, ginawa mo pa akong unan kung makayap!" bigla syang tumayo. Medyo na relief naman ako. Akala ko meron na talaga... Wooosh!  Tumayo sya at umalis at lumabas ng kwarto ko.

Pagtingin ko sa bedside table nakita ko ang oras.

'11: 59' what? so tanghali na?! Gaano ko na kaya katagal sya niyayakap? Kanina pa ba sya gising?! Waah! Nakakahiya! Bakit hindi man lang sya nag reklamo? Sa tulad pa nyang sobrang sungit?

Matapos kong mahimasmasan nagmadali akong naghilamos,nag tooth brush at bumaba agad pagkatapos. Nakita ko sya na nagluluto. Seriously? Nagluluto pala sya? Di ako makapaniwala. Nahiya naman ako kasi ako yung naturingang PA na kasambahay na rin, ako pa 'tong late gumising. Lumapit ako para agawin sana yung ginagawa nya at ako na lang ang gagawa.

"Ako na dyan sir Mark!" Kukunin ko sana yung sanche kasi nag pi-prito sya ng meat loaf pero iniwas nya.

"No! Di mo ba alam? Cooking is my passion? Kung di siguro ako artista mag she-chef ako. Magluto ka na lang ng sarili mo," Sabay smirk pa nya sakin na parang pinagmamalaki o PINAGYAYABANG yung passion nya kuno. Sus parang meat loaf lang eh. Kahit elementary student kayang kaya yan. Tignan nga natin. Inintay ko sya matapos magluto,alangan dalawa kaming nandun? Ilang minuto lang tapos na sya sa pag prito kaya tumayo ako. Yung pinrito nya di ko nakita at hindi rin sya naimik.

May nakita akong bahaw o kaning lamig. Naisipan kong isangag. Ganyan talaga pag late na gumising! Deretso tanghalian o diba tipid? Back to cooking. Para mas maging masarap may nakita akong mga beans,carrots and bacon na naka stock lang sa ref. Sayang naman kaya sinama ko yun sa pagsangag at nagprito ng tuyo. Yeah. Kami lang ni manang nakain nito. Trip ko lang tapos sawsawan na suka with maraming garlic. Nag prito na rin ako ng meat loaf pero sapat lang.

Nang matapos ako nilapag ko lahat sa mesa tapos sya parang hindi pa nag uumpisa kumain. At parang may iniintay pa.

"O ba't di ka pa kumain?" Tanong ko sabay subo ng kanin na may tuyo sa ibabaw habang nakakamay. Mas ma-apreciate mo 'to pag naka kamay. Napatingin ako sa plato nya na may kanin na bagong saing at may napansin akong maitim.

"May dumi yung pagkain mo," Magkaharapan kasi kami sa lamesa kaya di ko masyadong kita kung ano ba talaga yun. Medyo maghaba kasi itong lamesa at nasa magkabilang dulo kami.

"Nang aasar ka ba?" Tanong nya pa. Nang aasar ba 'ko? Totoo naman na parang may itim sa plato nya eh.

"Meat loaf yan..... Natutung nga lang," Whaaaaat? Akala ko ba? Gusto ko matawa kaso yung mga tingin nya parang papatay na sinasabing 'pag tinawanan mo ako tulad kagabi. Humanda ka' look. Lumapit ako para tignan kung nagsasabi ba sya ng totoo. At nalaman kong.... totoo nga....... SILENCE.....

"Hahahaha! May pa 'It's my passion' ka pang nalalaman tapis tutung naman pala! Hahahaha!"

"Shut up! May sinabi na akong magaling ako mag luto?" Asar na yung muka nya, napansin ko.

"Hahaha. Buti na lang nag artista ka.." Humina na ang pagtawa ko. "Ipagluluto na lang kita pero magintay ka" sabi ko na medyo natatawa pa.

"Wag na. Penge na lang nung sayo gutom na 'ko eh." Kukunin nya sana yung plato na may lamang sinangag. Pinigilan ko sya. Favorite ko yun eh!

"Teka madali lang naman prituhin yung meat loaf wag yan!" Pigil ko pa

"Kanino ba 'to? Saka meron ka pa sa plato mo!" Sumubo na sya at ano pa ba? Wala nanaman akong nagawa. Pera nya yan eh. Binigay ko na rin yung meat loaf ko at inulam ko na lang ay tuyo.

Ang hirap talaga pag wala kang magawa kundi ang sumang ayon na lang sa gusto nya paminsan wala naman talaga akong magagawa di bali ilang linggo na lang siguro pag nabigyan nya ako ng sweldo balak ko nang umalis at babalik na ako sa probinsya namin.

Kakatapos ko lang magligpit ng pinagkainan nya nang biglang dumating si Manang ako ang unang nakakita kasi naman nag wo-work out nanaman yung amo ko.

"Manaaaaaang!" Bungad ko kay manang masyado kasing nakaka miss lalo na't yung amo mo lang ang nakasama mo parang kang puputukan ng litid, nakaramdam ako ng tuwa dahil may kadamay na 'ko!

"Hija, pasensya na at ngayun lang ako nakarating. Sobrang lakas ng ulan kaya ako'y na stranded. Nagalit ba si sir Mark?" Bakas sa kanyang muka na nangangamba.

"Naku manang akin na muna yang dala mo.... Manang hindi naman nag aalala nga kami sayo kagabi eh."

"Ahh. Eh kamusta si sir Mark kagabi? Nakatulog ba sya?" Di ako kaagad nakasagot pero kaagad din nyang binawi.

"Ay naku hija wag muna intindihin! Kumain kana ba mayroon akong dalang pasalubong pinadala ng anak ko,"

"Talaga po? Tuyo?"

"Ayy meron pero hapon na para mag tuyo tayo, pero sige samahan na kita kumain at medyo nagugutom na rin ako! Magbibihis muna ako hija."

"Sige po manang"

Hinintay ko si manang magbihis at nagluto para sabay na kaming kumain. ULIT. Takaw ko. Meryenda lang 'to. Magdamag namang nag wo-work out yung amo namin kaya ayos lang wala masyadong ginagawa.

Thanks for reading!

Keep on supporting P.A. ng Artista!

Comment, Vote and Follow! ♥

P.A. ng Artista *editing*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon