Naging mabilis ang pag lipas ng araw.. Tapos na ang bakasyon. Naglalabasan na ang mga school supplies. Busy na lahat ng mommy dahil pasukan na naman ng mga kids. Kaya eto ako super busy. Nag kasabay kasing malapit ng matapos yung botique sa pag aayos ng damit at displays so dapat andun ako para i-manage lahat pero dahil kailangan ko ring maging fulltime mom andito ako't inaalagaan ang anak ko para sa first day of class nya.
"Mag-behave Jensen okay? Mommy wouldn't buy you toys..." pag papaalala ko pa dito habang isinusuot ang polo. Wala na naman syang gana at mukang antok pa talaga. Pagkatapos nun pinababa ko na sya at sabihin sa housekeeper na ipaghanda sya ng breakfast.
Naka lipat na pala kami. Si daddy naman akala ko hindi na sya magiging busy pero may aayusin pa din daw sya.
Nag madali akong naligo as in madali dahil ako pa ang maghahatid sa anak ko then diretso na 'ko sa botique ko. Di ko maiwasang mapangiti. Sa wakas may sarili akong business at the same time passion.
I put light make up at nag bihis na at bumaba. Sakto namang tapos na sya at nilalagyan na sya ng medyas.
"Ma'am kain na po." bati sakin ng dalaga kong katulong. Dalaga pa ito kaya minsan nakaka kwentuhan ko kahit saglit lang.
"No thanks. Baka ma-late na anak ko eh. Ikaw na muna bahala dito okay?"
"Yes ma'am. Di naman po ako nag iisa dito." dalawa kasi ang housekeeper dahil medyo may kalakihan 'tong bahay tapos may driver.
"Okay.. Ano baby are you ready?"
"Yes ma..." dinala ko ang bag nya at bumaba. Pinaupo ko sya sa frontseat at nilagyan ng seatbelt. Ayoko syang ikuha ng school service di ako kampante eh. Ngayun ako maghahatid at sundo dahil first day di ko naman maiiwasan na hindi ko sya masundo minsan kaya naman may driver din kami.
Ilang minuto pa at nakarating na kami. Sinuri ng mabuti ni Vincent ang private school na 'to at talagang mas naglaan sya ng atensyon kesa sakin. Nakakatuwa nga eh. Talo pa 'ko, sabi ko naman kasi na kahit saan basta private. Ayaw nya kasi may mga private daw na hindi ganun ka-ganda ang serbisyo at pasilidad. Nakakatuwa sya dahil pinaparamdam nyang mahala si Jensen sa kanya despite the fact na di naman sakanya ito.
"Ihahatid pa ba kita?" umiling sya. "Sure?" pag aalangan ko. Kasi ayaw nya talaga. Bigboy na daw sya.
"Yes mommy. I can manage." inayos ko buhok nya at ngumiti. Sakto namang nag bell at nagsi-pasok na lahat ng students. Alam na rin naman nya assigned room nya eh. Kahit medyo malako kaya yan ng anak ko.
I kissed his forehead.
"Pasok na. Have a nice day baby!"
"You too mommy." he kissed my cheek at pumasok na. I smiled while looking at his back. Pumasok na ako sa kotse at dumiretso na sa botique.
Pagdating ko nag uumpisa pa lang sila. Marami akong kinuhang tutulong na mag ayos because maybe other day mag-open na 'to. Malinis na pero di pa organized lahat. Medyo magulo pa lalo na sa room ko. Lahat ng nanditong design ay gawa ko karamihan ay business suits at magagarang damit sa iba't ibang occasions and accessories. Siguro by tomorrow tapos na 'to kung mamadaliin namin pero alam ko namang hindi dahil pagod na rin lahat. Ayus na rin naman lahat ng kelangan dito sa botique even the business permit.
It was a tiring day pero di ko naman nakakalimutan na sunduin ang anak ko so I did.
"How was your first day?" tanong ko habang nag d-drive pauwi.
"It's okay mom. A little bit pagod po. We play and sing all day. First day pa lang daw po eh." tumango naman ako. Natuwa ako kasi muka namang di sya nahihirapan mag adjust makisama. Sabagay mga english speaking rin karamihan sa school nila. Pagkadating namin nakita kong nanudun si daddy at Vincent. Nag beso ako sa kanila at ipinahatid ko si Jensen sa taas kasama si Tanya.
"Anong problema ba't andito kayo?" sabay tingin ko kay Vincent.
"Grabe naman yung welcome mo Chloe.. Bisita mo kaya ako." he joked. Uminom naman si dad ng kape at bahagyang tumawa.
"Haha! No what I mean, himala hindi yata busy?" napa hawak sya sa batok nya. Cool.
"Yun nga eh...... Yayayain sana kitang... kumain sa labas... Hmm. Dinner."
"Ahh.. Ok, aakyat lang ako para mag-palit." tumango sya.
"Magpa ganda ka hija. Date ang tinutukoy nya." hindi ko na lang pinansin si papa kasi tumawa sya ng malakas. Parang nangaasar eh. Siguro nga kung bata pa 'ko kinilig na 'ko.
Tulad ng sinabi ko inayos ko ang sarili dahil nanlaagkit na 'ko. Tapos bukas same routine baka nga di ko na maihatid ang anak ko, baka kasi mag tampo! Bumaba ako pero bago iyon dinaanan ko si Jensen sa kwarto nya na hindi naman nya tinutulugan minsan kasi sakin sya tumatabi. Pag bukas ko nakita ko si dad na nilalaro ito habang nasa tapat ng study table. Hays. Maglalaro muna bago mag aral, pero nakaka tuwa sila.
"Mommy where are you going po?"
"Mommy were have some dinner date with tito Vincent eh. Ayos lang ba?" tumango naman ito. I smiled and patted his head sabay gulo ng buhok. Bigla ko syang kiniliti tawa naman sya ng tawa. Tinigil ko na rin baka kasi di sya maka hinga sa sobrang pag tawa. Inayos ko ulit yung damit ko at nagpaalam pag talikod ko naka sandal pala dun si Vin at naka crossed arms at naka ngiti.
"Let's go?" aya nya. I nodded.
"Bye mommy!...." sabi nya pa. "Bye baby." I answered. Patalikod na sana kami ng nagsalita pa sya. "Bye tito Vincent. Take care with mommy.."
"Bye.. Yes I will." Vin smiled at my son proudly.
Nang maka-baba kami di nya maiwasang isingit sa usapan si Jensen.
"Mukang nagiging bibo na si Jensen ah?"
"Oo nga eh. Di na sya gan'on ka-sungit. Improving! Haha." dati kasi hindi sya ganoon kay Vin basta tumatango lang sya.
"Syempre magaling kang mommy eh." binuksan nya yung sasakyan.
"Nakaka-hiya naman.. Mukang ikaw pa nga ang mas concerned sa school na papasukan ng anak ko eh." natawa sya.
"Maliit na bagay. Basta, hanga ako sayo. Napalaki mo sya mag-isa..." natahimik ako pero pinilit kong ngumiti the he drove off.
Nag dinner kami sa isang restaurant. Wala gano'ng tao or should I say couple. Pasukan kasi busy ata ang lahat? Masaya kaming nag-kwentuhan at nag tawanan dahil wala naman ganoong tao nga. Kahit na medyo nawalan ako ng gana dahil sa sinabi nya kanina nagawa nya parin akong patawanin. I know there was no offense meant pero di ko maiiwasan yun buti na lang may sense of humor syang tao.
I... like being with him. And... I think I am totally falling for him.
BINABASA MO ANG
P.A. ng Artista *editing*
RomanceI started to be his P.A. Will I end up being his P.A.? P.A. ng Artista © 2014 by WantedGirlWriter