Tatlumpu't apat

795 9 0
                                    

Berting's POV

"Berting nababahala na talaga ako sa apo natin. Mag-iisang linggo na sya dito pero  malungkot at minsan ay umiiyak parin hanggng ngayun.... Minsan nga ay nahuli ko syang nag duduwal.." sabi ng asawa ko na bakas ang pag-aalala. Kahit sino naman ay mag aalala lalo pa't hindi lang sakit na nararamdaman nya kundi nag-aalangan kami na baka ito'y nag-dadalang tao rin.

"Ako na ang bahala. Mamaya kakausapin ko na rin sya tungkol sa tunay nyang ama." napa-buntong hininga ako at nag-iisip.

"Pero sa tingin mo ba makaka buti iyon?"

"Hindi ko alam... Pero iyon ang tama... Nag hihintay ang ama nya... Hindi ito natuloy papuntang ibang bansa para lang sa anak nya.." paraan na rin siguro ito para naman hindi nya maramdamang nag-iisa sya.

"Pero paano kung.... isama ni Marcelo ang apo natin?" alam kong may tsansa na iyon nga ang mangyari... kung magkagayun, mas ayos na siguro yon para maibsan ang lungkot na nadarama ng apo namin. Hay. Di ko naman maaatim na danasin ng apo namin ang nangyari sa nanay nya.. Hindi sa pangalawang pagkakataon.

"Si Chloe na ang mag de-desisyon para sa sarili nya. Ayaw ko mang payagan pero hindi naman siguro tuluyang ilalayo ang apo natin. Bigyan lang natin sila ng panahon makasama ang anak nya..." tumango si Erlinda. Ilang sandali lang ay pumasok ako sa kwarto ng apo ko. Kumatok ako pero wakang sumagot kaya dumiretso na ako.

Nakita ko syang naka-dungaw sa bintana at yakap-yakap ang binti habang naka-patong ang ulo nya sa tuhod habang umiiyak. Sa loob ng ilang araw nyang pamamalagi dito ganyan lang sya, paminsan ay walang gana sa pag-kain. Naupo ako sa gilid ng kama nya. Pinahid nya ang mga luha nya at napa-ayos ng upi at pilit na binigyan ako ng matabang na ngiti na ngayun ko lang nakita.

"Apo..."

"P-po?" sabi nya na medyo paos. Halos ganito din ang kahantungan ng nanay nya noon. Gusto ko na lang mapa-iling.

"May sasabihin sana ako sayo na dapat ay noon mo pa nalaman... Marahil ay hindi ito ang tamang pagkakataon dahil hindi mo pa man nasasabi lahat-lahat samin ang tungkol sa problema mo ay hindi ka namin pipilitin pero sana wag kang magagalit sa amin ng nanay Erlinda mo.." lumingon ako sa may pintuan at saktong pasok ng asawa ko.

"A-ano po 'yon pa?"

"Hindi ka namin totoong anak... apo ka namin Chloe. Ganun pa man mahal na mahal ka namin ng lola Erlinda mo dahil anak ka ng anak namin.."

"P-po?" bakas sa muka ng apo namin na naguguluhan ito at mukang di maka-paniwala.

"Hindi ka namin anak Chloe.." singit ni Erlinda at naupo sa tabi ni Chloe at hinaplos ang buhok nito. ".. anak ka ng yumao naming anak... Namatay ang nanay mo pag-katapos ka nyang isilang.. Masakit para sa amin na lumaki ka na walang kinikilalang totoong magulang kaya kami na ang nagpasya na maging totoo mong magulang.. Alam naming naguguluhan ka... sinasabi namin ito dahil.." nagka tinginan kami at ako na ang nag-tuloy. "Dahil... hinahanap ka ng totoo ming ama samin dahil gusto nyang bumawi sayo... hindi man namin alam ang lahat ng pangyayari at dahilan nya.. siguro ito ang tamang panahon para kausapin mo sya.. Sa lagay mo apo, kelangan mo ang totoo mong papa apo... basta tandaan mo.. mahal na mahal ka ng lolo't lola.. andito lang kami.. wag ka matakot mag sabi ng problema mo.."

Chloe's POV

Niyakap ko ng mahigpit ang lolo't lola ko matapos nilang sabihin ang lahat. Sa kabila noon hindi ako nagalit. Masaya ako kahit papaano dahil naramdaman kong may kakampi ako. Tungkol naman sa totoo kong ama, sinabi sa akin na ito daw yung lalaking naabutan ko noon ditong kausap nila. Mayaman daw ito pero hindi sinabi sakin ang rason kung bakit nya kami iniwan. Hayaan ko daw na ako ang mag tanong dito. Hindi naman ako namumuhi kasi may tumayong magulang sakin na mas ipinagpapa-salamat ko pa. Kailangan ko ring maging matatag kasi sa mga ikinikilos at nararamdaman ko nito nakaraang araw ay parang buntis ako. Napa-hawak ako sa tiyan ko kung sakali man... wag ka mag alala baby, mabubuhay tayo ng masaya kahit wala kang kinikilalang ama.

P.A. ng Artista *editing*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon