Berting's POV
(Father of Chloe)
"Tao poo!" nagbabasa ako ng dyaryo ng biglang may kumatok sa amimg pintuan.
"Erlinda buksan mo yung pintuan may tao!"
"Sandali ito na." binuksan ng aking asawa at nakita kong may lalaki ang nagpaabot ng sulat. Sulat? Sino naman kaya ito? May telepono kami pero si Chloe lang ang nakaka alam non.
"Berting may sulat..." narinig ko ang lungkot sa boses ni Erlinda at napatigil ako sa pagbabasa.
"Kanino nanggaling?" iniabot nya sakin ang sobre at nakita ko ang pangalan ng Villegas ang nakalagay. May galit na nabuo sa puso ko pero pinilit kong buksan iyon upang malaman ang pakay nila.
"Mr. Bernardo and Mrs. Erlinda Dela Cruz.
Ako nga pala si Marcelo Villegas. Alam ko hong ayaw nyong makita pa ako matapos ang nangyari sa inyong anak noon pero nabalitaan ko pong may anak ako sakanya. Sana payagan nyo akong makasama ang anak ko para mapunan ang pagkukulang ko sa kanya at makabawi sa kasalanan na nagawa ko sa inyong anak.
Muli ako po'y humihingi ng kapatawaran matapos ang napakahabang taon tsaka ko lang iyon nalaman. Nais ko pong pumunta dyan sa lalong madaling panahon sana ako po ay inyong ayagan. Maraming araming salamat."
Yoon ang nakapaloob at laman ng sulat pero agad ko itong isinara dahil sa nararamdaman kong galit sa kanya.
"Berting ayos ka lang ba?" kinuha ni Erlinda ang liham at binasa.
"Hindi ito maaari Berting. Baka kunin nya satin si Chloe. Hindi ako papayag." madamdaming pahayag ng aking asawa.
Lumipas ang ilang araw ng may dumating na nakasasakyan at inaasahan kong iyon ang nakabuntis sa aking anak noon pero hindi, apo ko pala ito.
Apo ko si Chloe sa nagiisa kong anak. Ngunit sa kasamaang palad pagkapanganak nya dito sya ay pumanaw at kami na ang tumayong magulang para sakanya. Maagang nabuntis ang anak ko dahil maaga syang nagmahal na hindi namin napigilan pero ng bumalik sya dito ng buntis ang kalagayn at nalamang si Marcelo ang ama ng bata pero hindi daw ito pwedeng malaman dahil ikakasal na ito sa iba.
Puno ng galit ang puso ko noon pero ng isilang si Chloe lahat ng yoon ay kinalimutan na namin pero bilang tatay na rin ni Chloe ang lakas ng loob nyang magpakita pa pagkatapos ng napakahabang panahon na inabando nya ang mag ina kahit kailan hindi ko kayang gawin iyon kaya ipinangako ko na walang sino man ang makaka alam na apo namin si Chloe. Sya na lang ang natitirang ala ala samin ng kanyang ina. Ang anak ko dahil halos mag kamukhang magkamukha sila.
Nang dumating dito ang apo ko kinabahan ako na baka magkasabay ang pagpunta dito ni Marcelo ngunit hindi. Pumayag akong sumama muli si Chloe sa kanyang nobyo sapagkat ayaw kong makita sya ng kanyang ama at baka pagdating ng panahon ay kunin nya rin ito. Hindi namin kaya.
Kaya nang dumating ang araw na aalis ang apo ko natuwa na rin ako kahit na labag sa kalooban namin ng asawa ko. Dahil mas hindi namin kakayanin kung tuluyan itong mawala at ilayo saamin.
Isang linggo ang lumipas at inaasahan namin ang pagdating ni Marcelo. Dumating ito at may kasamang abogado ata. Ito na nga ang ikinatatakot namin. Alam kong mali na hindi namin ipinaalam kay Chloe, pero para saan pa? Para malamang walang kwenta yung tatay nya dahil sa agiwan sa kanila?!
"Mang Bernardo nakikiusap ako sainyo ng iyong asawa. Gusto ko lang makita at makasama ang anak ko kahit na sandaling panahon. Gusto kong bumawi sa lahat ng pagkukulang ko sa inyong anak at sa inyong apo nakikiusap ho ako." halos lumuhod na ito sa harap namin sa pagmamakaawa pero wala kamimg sasabihin. Ramdam ko na naaawa na si Erlinda pero ako ang magdi desiayon kung ano ba ang tama.
"Para ano?! Para ilayo sya sa amin? Hindi kami makakapayag! At isa pa, wala kang karapatan sa apo namin dahil wala kang kwentang ama. Ni hindi ka nga naging ama ng apo ko dahil hindi naman kayo kasal ng aking anak sa halip puro pasakit pa ang ibinigay mo dito!"
"Pakiusap ho. Ako ang ama ng bata. Konting panahon lang naman ang hinihingi ko eh. Yung nangyari saamin ng anak nyo totoong mahal ko sya pero wala po akong nagawa dahil iyon ang gusto ng mga magulang ko. Kaya ngayun gusto ko pong iparamdam sa anak ko kung gaano ako nagsisisi sa ginawa kong pagiwan sa kanila..." ramdam namin ang pagsisisi sa kanya. Bilang isang lalaki ramdam ko iyon dahil hindi birong umiyak sa harap namin. Gusto kong pumayag pero may kundisyon...
"Sige papayag kami..... Pero paghihirapan mong mahanap sya. At pagnahanap mo sya,sya mismo ang tanungin mo kung nais nyang sumama sa iyo at ibabalik mo sya saamin. Malaki na ang apo namin kaya, kaya na nyang mag desisyon para sa sarili nya." nakita ko ang konting saya sa muka nya.
"Maraming salamat ho. Maraming maraming salamat."
"Sige maaari ka ng umalis."
Pagkatapos ng pang yayaring iyon madalas na may pumupunta ditong tauhan nya para alamin kung andito ba si Chloe. Pero hindi pa dito bumibisita si Chloe. Pero hindi ko tutulutan na mag kita sila dahil sinabi ko sa aking apo na sabihin nya kumg balak nyang pumunta dito,para kung magkataon na andito ang ama nya maaari ko pa syang pigilan. Pasensya na apo, ayoko na magulo pa ang buhay mo katulad ng nanay mo.

BINABASA MO ANG
P.A. ng Artista *editing*
RomansaI started to be his P.A. Will I end up being his P.A.? P.A. ng Artista © 2014 by WantedGirlWriter