Apat napu't tatlo

1K 8 0
                                    

Chloe's POV

Pinagmasdan ko ang anak kong natutulog. Ang himbing ng tulog nya ngayun at masaya syang nakatulog dahil binasahan sya ng bedtime story ni Mark. Maghapon silang magkasamang naglalaro at hindi ko sila inistorbo dahil marami akong papers na inasikaso. I look at the clock and it's 9pm, although masyado pang maaga kaya eto ako pinagmamasdan ang anak ko ng biglang may pumasok sa kwarto ni Jensen, si dad, I just smiled at ibinalik ko ang tingin ko kay Jensen.

"How's your day anak?"

"I'm okay dad." tipid kong sagot.

"Good." hindi ako umimik, natahimik lang si daddy at naupo sa tabi ko at parehas na pinagmasdan si Jensen. "May problema ba?" dugtong nya, nanibago siguro sya kaya nya naitaning pero tama si papa, may problema ako. "I'm just here Chloe...."

Silence.

Natatakot akong sabihin kay daddy o sa magiging reaksyon nya pero kailangan kong humingi ng payo sakanya dahil isa sya sa nakaka alam ng dapat kong gawin when it comes to my son.

"Dad...."

"Hmm?"

"Nagkita kami ng totoong ama ni Jensen." nakita ko lang pagtango nya so I keep going dahil alam kong nagaabang sya sa susunod kong sasabihin.

"Gusto nyang... ipakilala ko syang ama ni Jensen... He ask for a chance dad."

"So what's the problem with that?"

"Dad I'm afraid."

"For what?"

"Na... na baka mag iba ang tingin ni Jensen sakin dahil  matagal na nyang  hinahanap sakin ang daddy nya. Na baka ma-out of place ako at isipin nyang nagsinungaling ako na wala na syang ama. Tapos hindi ko kaagad sinabi." sabi ko dahil yun naman ang totoo.

"I see. Pero yun lang ba talaga?"

"What d'you mean dad?"

"O baka natatakot ka na mahulog ulit sakanya?" that sentence hit me that caught me off gaurd. Pero wala naman dapat ako ikabahala dahil ginagawa ko dahil kay Jensen.

"That would never happen again dad...." may diin sa tono ko.

"Okay then... kung ako lang din ang tatanungin I will gived him a second chance... Hindi ko alam ang totoong nangyari sainyo at hindi kita pipilitin na sabihin lahat iyon sakin, pero humingi sya ng second chance eh so that means he cares, a lot, for a man. Just like me, naipit lang ako sa sitwasyon at siguro yun ang naka-tadhana pero kung maibabalik ang buhay ng mama mo I will ask the same... a second chance, kaso hindi pwedeng ibalik right? Kaya habang maaga pa, give him what he wishing for, at isa pa para sa apo ko yun alam kong sasaya sya kasi makukumpleto ang pamilya na hinihiling nya. Take the risk. At isa pa, hindi mangyayari yang iniisip mo. Trust me anak, mabait ang apo dahil ikaw ang nagpalaki." ngumiti sya na parang sinasabing maniwala ako sa sinasabi nya. I smiled back.

"Sino ba 'yan?" mapanukso nyang tanong pero alam kong nagbibiro lang sya.

"Bukas dad pupunta sya dito."

"Really? So, we're going to church with him tomorrow?"

"Yes dad."

"Okay then. Good night Chloe, wag ka masyadong mag isip okay?"

"Okay dad. Good night." he kissed my forehead at nanatili lang akong naka upo at pinagmamasdan ang anak ko.

Pumasok na rin ako sa kwarto then I took a shower at pagtapos nun saktong tumawag si Vincent.

P.A. ng Artista *editing*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon