Dalawampu't isa

1.1K 12 0
                                        

Mark's POV

Hindi ko alam kung gaano ako kasaya ngayun kase halos lahat ng gusto kong gawin ay magagawa ko na rin sa wakas! Alam na ni Manang ang relasyon namin ni Chloe kahit nahihiya sya ako na ang nagsabi. Oo iisipin ng iba na baka pera lang ang habol sakin ni Chloe pero hindi naman sya ganong babae at mahal ko sya. Lumalalim na ang pagtingin ko sakanya habamg tumatagal.

Yung manager ko wala kasi expired na ang contract namin at isa pa pahinga muna ako sa pag arte dahil balak ko na talagang mag aral dahil guto ko talagang maging business man para mahawakan ko yung mga business ni mama. Speaking of mama naka usap ko na sya through phone at kahit ganon masasabi kong ang saya ko kasi tama si Chloe at nagsisisi si mommy sa ginawa nya sakin pero naiintindihan ko na ngayun kasi hindi na ako bata atleast ngayun alam ko na ang totoo at masaya ako nun kasi habang kausap ko si mama katabi ko si Chloe at hawak ko ang kamay nya para kumuha ng lakas ng loob at ngayun its my pahinga time!

Akala ko pag iniwan ko ang show business malulungkot ako pero hindi pala sa halip natuwa pa ako kasi I can spend quality time for my girlfriend. May mga ilang projects parin ang ino-offer sakin at tinatanggap ko naman iyon kahit paisa isa kaso hindi tulad noon na sobrang hindi ko na talaga kaya ang pagod para lang magawa lahat ng dapat gawin.

"Ayooooko nga Mark!"

"Babe, dali na tuturuan lang naman kita lumangoy eh."

"Sus! Mananatsing ka lang eh!"

"Hindi ah! Dali na. Para pag nag outing tayo kasama sila Trisha marunong kana lumangoy." nakita kong lumungkot ang muka nya. Sa tingim ko ayos na rin sila ni Trisha. Halos tatlong bwan na kami ni Chloe at wala ng ilangan. Isang bwan pa lang ako wala sa showbiz at iba na ang katambal ni Trisha.

"Nagseselos ka pa rin ba?" I grabbed her waist and pull closer to me. Andito kami sa kwarto ko at gabi na pero diba mas masarap mag swimming ng gabi? Kasi hindi masyadong malamig ang tubig.

"Hindi ah! Masyado na kasing gabi para mag swimming. At isa pa pag nag outing tayo hindi ako lalangoy." niyakap ko sya pagkatapos tinignan ko ang muka nya na halata namang irita.

"Paano mo ako mababantayan?" ngumiti ako at napatingin sya sakin. Ansarap nya talaga asarin.

"Ano ka bata? Tigilan mo nga ako!" naupo sya sa tabi ko. Eh gusto ko mag swimming eh. Ng nakaraang pagsasama namin.. naks. Puro kasi kami gala,kain sa labas. Hindi naman sa bored ako gusto ko lang maiba. Lumapit ako sa closet at kumuha ng towel.

"Osige. Matulog ka na lang muna. Hintayin mo ko maliligo lang ako sa baba." eh gusto ko talagang maligo eh. Ang aga aga pa 9 45? Psshh. Hindi naman ako nagtatampo. Naiintindihan ko sya baka antok na rin siguro. Pagkababa ko malinis ang tubig. Kakapalit lang siguro? Sakto! Tinamggal ko yung tshirt ko at nag dive at lumangoy hanggang duon sa dulo. Nag stay muna ako duon at tinignan ang langit. Ang sarap ng ganito nakaka relax tapos ang warm ng tubig. Tulog na kaya sya? Five mins aahon na rin ako baka magtampo pa yun.

Sumisid ulit ako pabalik at pagka ahon ko nakita ko si Chloe sa harap ko.

"Akala ko ba?" nagtatakang tanong ko tapos tinanggal nya yung top nya at lumusong sa tubig.

"O my gosh! Anlamig ng tubig Mark!" aahon sana ulit sya pero hinigit ko yung waist nya wala naman syamg nagawa kasi wala na sya sa hagdan kaya malalim na tong part ng swimming pool. Nag pumiglas pa sya pero wala syang magawa kundi kumapit sakin kasi malulunod sya. Bakit ba kasi kulang sya sa height?

"Mark! Subukan mo lang na bitawan ako malalagt ka sakin."

"Hinding hindi kita bibitawan." dobol meaning yun. Ninakawan ko sya ng saglit na halik at nakita ko syang nag blushed. Nakapulupot yung kamay nya sa leeg ko pati ang binti nya sa bewang ko. Lumakad ako dun sa dulong part para maturuan ko na syang lumangoy.

Noong una kinakabahan sya kasi kinakapitan ko lang sya sa baba nya para nakalutang yung muka pero hindi nya makuha. Nakalunok na nga sya ng tubig eh tapos tinawanan ko lang kaya napag desisyunan nyang umahon na lang at andito kami sa hagdan ng swimming pool nag iistar gazing habang nilalaro nya yung tubig.

"Hindi ka ba nilalamig?" tanong ko sakanya kasi naka ahm bra lang sya at short

"Nilalamig..." kinuha ko yung tshirt nya tsaka ibinigay sakanya. Tapos na rin ang pagpapraktis and unfortunately walang natutunan ang babe ko. Hay

"Hindi ko akalain na hindi ka pala marunong lumangoy." nalaman ko kasi nung nakaraang araw ng niyaya ko syang mag swimming na hindi natuloy kasi nga hindi daw sya marunong.

"Sige mangasar pa." magkatabi lang kami ng inuupuan at ako naka tingin lang sa mga bituin.

"Haha. Sana lagi tayong ganito no?" sabi ko sakanya. Napansin kong mapatingin sya sakin agad ko rin naman syang nilingon at nagkatitigan kami sabay tumawa.

"Hahaha! Ang drama naman ng boyfriend ko." lumapit sya sakin at kmandong mayos naman ako ng upo. "May balak ka pa bangmag artista?" pagdudugtong nya habamg inaayos yung buhok ko at pinaglalaruan.

"Depende. Siguro. Naging buhay ko na rin kasi ang showbiz. Kung may malaking offer tatanggapin ko."

"Ahh. Magpa gupit ka na kaya ang haba na ng hair mo oh." hindi ko pinansin yung sinabi sa halip kinuha ko yung kamay nya at tinanong siya.

"Hindi ka ba nalulungkot Chloe?"

"Hah?.... Hindi naman bakit?"

"Kasi magisa ka lang dito oh." ginamit ko ang kamay nya at inilagay ito sa puso ko. Napangiti sya at tumawa kaming pareho.

"Bolero ka talaga! Lika na nga akyat na tayo at magbanlaw." tatayo na sana sya pero pinigilan ko ulit

"Hala. Seryoso kaya ako dum sa sinabi ko!" nag pout ako kahit alam kong hindi bagay. Paawa epek

"Ah ganun ba? Sorry na po babe ko. O sige ang sagot ko po ay... Hindi po ako nalulungkot kahit na magisa lang ako sa puso mo kasi ganun ka din sa puso ko kaya kwits lang tayo! Ok na po ba yun?" ngumiti ako ng malawak sabay hinalikan ko sya ng matagal at puno ng pagmamahal.

P.A. ng Artista *editing*Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon