Pang-apat

1.5K 18 0
                                    

P.A. ng Artista by WantedGirlWriter

Pang-apat

"Oh bakit parang namumutla ka dyan?"

"Hm-- Huh?! Wa-wala. Bakit napano daw anak ni manong?" Lagot na talaga ako. Pero naaawa ako kay manong.

"Ewan ko eh. Basta binigyan ko ng pera kawawa naman,"

Hindi ko alam kung nagyayabang ba sya o ano. Talaga sigurong nature na nya at naka kabit na sa ugat nya na dumadaloy sa dugo nya ang salitang mayabang.

"Ahhhhh," Yun na lang ang nasabi ko. Naghanda ako ng pagkain ko pero sya ayaw nya. Diet daw kailangan nya daw mag pa sexy dahil next month daw mag co-cover sya sa isang magazine kaya puro prutas at gulay ang inihahanda ko sa kanya tapos nilabhan ko nanaman yung mga bed SHEET na sinukahan nya! Pero nung hapon na pagkatapos ko maglaba, linis at sampay. Nagpasalamat sya. Himala! Pero parang natanggal lahat ng pagod ko.. hindi dahil sa 'salamat nya' dahil bibigyan nya daw ako ng sweldo next week! See? Kung magkataon first time kong makakahawak ng sweldo ko kahit na may katagalan na ko sa kanya nag ta-trabaho. Mga isang buwan at ilang linggo siguro pero syempre libre naman lahat.

"Oyy!"

"Ay kalamares!" Nagulat ako sa pagkalabit nya habang nagpapahinga ako dahil sa pagod. Ngayung araw ang uwi ni manang ayaw ko naman may maiwang kalat o labahin tutal bayad naman ni Mark ang one week na paghihirap ko!

"Uy masarap yun ah? Yun ang lutuin mo mamayang gabi ah?" Teka ilang oras palang pagtapos naming kumain tapos pagkain nanaman nasa isip ny-- humarap ako kasi wala na nga palang mga groceries at nagulat o natulala ako dahil...

"Ano macho ko na ba?" Super hot nya... Ay erase erase ano ba yang iniisip mo Chloe?! Hindi sya hot! Pawis lang sya galing sa pag e-exercise sa gym room nya! Erase!

"Arrrrrraaaaaaaaaayyy!" Pinitik ba naman ako sa noo.

"I know that I'm sexy and handsome. You don't need to drool..." Umiwas ako at nag alibi. Syempre hindi sasabihin kahit totoo, para ko naring pinalaki yung ego nya at baka lalo pang yumabang.

"Asa!.... Wala nang mga stocks na foods sa ref..." Nag kunwari akong inaayos yung unan sa sofa tapos nakita ng peripheral vision ko na umiinom sya ng tubig. Medyo napalingon ako pero agad ko ding binawi dahil palapit na uli sya. Kahit sa pag-inom para parin syang nag mo-model ng produkto! Nakaka-inggit! Bakit may mga ganoong tao?!

"Anong gagawin ko? Edi mamili ka na, malapit na magdilim baka si manang pa ang pabilihin mo,"

"Pambili" Inilahad ko yung kamay ko. Kahit pagod pa 'ko wala akong ibang gagawin kundi sundin sya.. Tumitig lang sya.. ako.. bumaba ang tingin... Ay walanjo! Sa muka ang tingin Chloe!

Dinaanan lang nya yung kamay ko at dumeretso sya dun sa may flatscreen nyang TV kung saan lang nakalagay yung wallet nya. Burara kasi kaya nananakawan eh. Hays. Ganun lang ang posisyon ko hanggang makarating ulit sya sa harap ko at kumuha ng pera na tigiisang libo ng hindi tumitingin sa pera. Yabang.

"Oh ayan bumili ka luho mo," Pang-asar nya at utos nya na punong puno ng sarcasm.

Matapos nun agad agad akong naligo. Walang mag da-drive para sakin dahil wala si mang Isko. Alangan naman gawin kong driver si Mark? Asa pa 'ko. Naglista muna ako ng mga kulang at tinanong ko rin sya kung ano gusto nya ipabili. Binabagalan pa nga nyang sabihin dahil nagbubuhat sya ng barbel. Nagyayabang nanaman o nangaasar lang talaga. Pero hindi naman ako ganoon ka-attract sa kanya kaya hindi ako na-distract!

Nasa mall ako at halos malaglag na ang lahat pagkain. Hindi ko magawang kumuha ng panibagong lalagyan. At sino naman mag tutulak nun? Kaya eto ako parang nag jogging sa sobrang pagod sa pagtulak sa mga pagkaing 'to. Kasama na dito yung request nyang 'Kalamares'. Nagaabang ako ng taxi para makaalis na kasi sobrang dilim agad pero six pm pa lang naman. Parang uulan. Di naman ako pwedeng mag commute. Ang dami ng dala ko e.

P.A. ng Artista *editing*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon