44
Simula ng gabing iyon umiiwas na 'ko sakanya, everytime na pumupunta sya sa bahay. I don't want to give him a false hope na may chance pa na maging kami ulit hindi dahil sa galit ako sakanya kundi takot ako sa mga posibilidad na mangyari ulit yung mga bagay na nangyari saming dalawa. I know it was part of that thing called love. Sabi nga ng iba love is about risking your feelings about the consequences. Na pag nagmahal ka dapat handa kang masaktan.
Dati, oo, naisip ko iyun so I risked. Pero hindi ko alam na ganun pala kasakit iyun. I've done enough and overcome on that phase of my life. It's the time of letting it go, I'm over. I really moved on. Ito na 'yung time na dapat maging masaya na kami pareho sa kung anong meron kami ngayun.
'Yung tungkol naman sa pagtatapat ko ng katotohanan sa anak ko hindi ko parin masabi-sabi. Mamaya siguro. Kukuha lang ako ng sapat na lakas. Pag ipinagtapat ko na kasi yun, hindi na sya buong buo sakin.
Bukas na nga pala babalik si Vincent. Nasabi ko na noon pa sakan'ya ang tungkol kay Mark, tungkol sa totoong papa ni Jensen. Dahil sya yung unang taong pinagsabihan ko noon at nasa tabi ko nung kailangan kong i-voice out lahat ng sakit na nararamdaman ko dahil hindi ko na kaya. Mabuti syang tao at isa sya sa dahilan kung bakit andito ako ngayun, nakapagsimula ulit ng panibago. He gave me a hope that I can stand again on my own feet.
"Ma'am... pwede na po ba kaming umalis?" napa-balik ako sa ulirat ko ng pumasok yung secretary ko. Mukang kanina pa sila nag-iintay sakin, ganun na ba kalalim ang iniisip ko tungkol sakan'ya?
"O-okay sige ingat.."
"Thank you ma'am. Bye."
"Ok. Bye." isinara nya 'yung pinto atsaka ako napa buntong hininga at napa-sandal sa swivel chair.
10 pm. Actually maaga nagsasara ang botique ko minsan. Ilang sandali lang e napag desisyunan ko na ring tumayo. Nag unat unat ako at ipinaikot ko ang leeg ko dahil sa ngalay. Nakaka pagod, pero ang nakaka tuwa kahit anong pagod mo, pag uwi ko, anak ko agad ang sasalubong sa'kin tapos yayakapin ka parang lahat ng pagod mo hindi mo na maiisip, pero malamang tulog na si Jensen nang ganitong oras kaya hindi na 'ko nag abalang bumili ng pasalubong.
Inayos ko na 'yung gamit ko at ini-lock 'yung pintuan ng office ko at lumabas dahil isinarado na pala nila yung botique. Dumiretso na 'ko sa parking lot at doon ko hinanap yung susi ng sasakyan ko.
"Asan na ba 'yun??" patuloy na paghahanap ko.
"Oh my gosh!!" Napa-iktad ako sa gulat at napaharap ako ng naramdaman ko ang paghawak ng isang tao sa hips ko.
"Mark??" nakatungo sya but he looks so tipsy. Hindi sya umiimik.
"Why do you keep on ignoring me?" Pagtatanong nya at marahan nyang hinaplos ang braso ko, na nag-bigay ng kilabot o ano mang matatawag doon.
"Mark stop it, you're drunk!"
"Chloe please, tell me. You're killing me."
"What are you---" hindi ko na naituloy yung sasabihin dahil bigla syang lumuhod sa harap ko at niyakap yung tuhod ko na parang nag mamaka awa. My gosh buti wala masyadong tao. Pinilit ko syang itayo, binitiwan ko na rin yung bag na hawak ko pero ako yung napa upo dahil sa pag hawak nya sa magkabilang pisngi ko and he gently touch it at nakaramdam ako ng kakaibang kuryente na dumaloy sa mga ugat ko na ngayun ko na lang ulit naramdaman at sya lang nanaman ang nagbibigay ng ganoong sensasyon sakin.
Tinititigan nya 'ko pero hindi ko sya magawang titigan, hindi ako mapakali, hindi ako kumportable na kaharap sya. Ngayun na lang ulit 'to nangyari, hindi ko alam kung pano kontrolin ang ganitong sitwasyon.
BINABASA MO ANG
P.A. ng Artista *editing*
RomanceI started to be his P.A. Will I end up being his P.A.? P.A. ng Artista © 2014 by WantedGirlWriter