Apat napu't lima

757 7 0
                                        

45

Saturday.

Agad na niyaya ako ng aking anak upang bumaba dahil excited s'ya na tawagan ang magiging daddy nya. Ganun na nga ata kadaling ipagtapat iyun lalo pa't si Mark talaga ang gusto nyang makilala nyang daddy.

Na hindi naman naging madali sa panig ko, gayun pa man, mas gugustuhin ko nang maging masaya ang anak ko.

Agad kaming bumaba pagkatapos na pagkatapos kong gawin ang ginagawa ko tuwing umaga, hindi narin ako nakapag-palit pa, dahil naka pantulog parin ako.

Hawak-hawak ni Jensen 'yung kamay ko habang pababa kami sa hagdan, masyado syang hyper umagang-umaga, which is ikinatuwa ko dahil masaya nyang sisimulan ang araw nya.

"Be careful baby..." bigla kasi syang tumalon ng matungtung nya ang second to the last na step ng hagdan at agad nyang kinuha yung telephone ang hindi nya alam andito yung daddy nya, pero hindi ko ito nakita sa sofa.

"Mommy, daddy's not answering his telepho--- Daddy! Daddy!" Nagulat ako ng bigla syang pumunta sa likod ko at nakita ko si Mark na naka-pantulog parin, yung binigay ko kagabi.

Agad itong sinalubong ni Jensen at kinarga naman n'ya ito. Ngayun ko lang na-figure out na ang cute naming tatlo lalo pa't lahat kami naka pantulog. Para kaming isang totoong pamilya.

Nakita ko ang pag ngiti ni Mark sa'kin. I smiled back, bigla namang lumabas yung housekeeper namin at inilabas ang pagkain sa lamesa.

"Ma'am! Sir! Jensen! Kain na po kayo....!" Masigla nitong sabi.

Pakiramdam ko ang gaan ng araw na 'to sa dibdib. Hindi pa man lubos na naiintindihan ni Jensen ang lahat pero masaya ako.

Lumapit sa'kin si Mark habang karga si Jensen at niyaya akong kumain, at kumain kaming masaya habang nag kukulitan silang dalawa.

Nang mahagip ng mata ko si Mark, he mouthed the word, thank you. I just smile at ipinagpatuloy ang pagkain. Pagkatapos noon naupo kami sa sala at nanuod ng cartoon na halos si Jensen lang ang nag e-enjoy. We also cherish the moment na maka-pag bonding sa isa't isa. Nasa gitna namin si Jensen, bigla namang nag vibrate yung phone ko.

Vincent's calling...

'Yan ang lumabas sa caller ID na nakapatong sa lamesa pagtingin ko. Hindi ko alam kung kinakabahan ba ako o natutuwa dahil malamang naka-uwi na sya. Sinagot ko naman agad ito at nagpunta sa labas para makausap sya.

"Hello Vin!" Masigla kong bati.

"Missed me?" Medyo pa-cool n'yang tanong.

"Hahaha! Yes of course, where are you?" Tanong ko pa.

"At the front of your gate." Diretso nyang sabi. Agad naman akong napatingin sa gate na hindi naman kalayuan at nakita ko s'yang naka ngiti at nasa tenga nya yung cellphone. Naka ngiti akong lumapit at pinag buksan sya.

"Hindi ka man lang nag door bell!" Pabiro ko syang hinampas. I give him a peck on the lips at niyakap.

"Mas maganda kasi kung ikaw yung magbubukas." Naka ngiti nyang sagot.

"Sus! Halika muna sa loob..." sabi ko at inaya ko sya pumasok ng bahay. "Hindi mo man lang ako tinawagan para nasundo kita!"

"No need, alam kong busy ka rin, by the way I came here to invite you to join me a lunch, is it okay?"

"Of course! Ba't naman ako tatanggi?" Nakarating kami sa sala at nakita ko ang pagtingin nya sa dalawang tao na naka upo sa sofa, rather, kay Mark.

"Later I'll explain." Nag beso ako at agad akong umakyat sa taas para mag bihis.

Kalahating oras lang na paghahanda tapos na ako. Ayoko namang pag intayin pa si Vincent. Paglabas ko ng CR nakita ko si Jensen na naka-dapa sa kama at hawak ang cellphone ko.

"Hey baby, what are you doing here?" Wala ba yung daddy nya? Hays, hindi pa rin ako sanay isipin na daddy na ang magiging tawag nya kay Mark.

"Daddy told me to go here."

"Why?"

"They were talking. Tito Vincent and Daddy." Napa-tango naman ako, sinilip ko sila sa may garden at nakita kong naka ngiti si Vin habang si Mark normal lang pero malayo ang tingin at walang emosyon na bakas sa muka nya. Hindi ko na lang din pinansin, alam kong mabait si Vincent, alam nya ang ginagawa nya. Nalaman ko iyun noon pa, masyado syang mattured mag isip, kahit na dalawang taon ang tanda nya sakin, palibhasa sya ang padre de pamilya sa pamilya nya.

Nagbihis na ako and put a light make up, mainit kasi baka mag muka akong haggard pag pinagpawisan.

"Mommy where are you going?"

"I'm going to have a lunch with your tito Vincent. Want to come?" Umiling lang ito. Lumapit ako sakanya dahil wala na naman syang imik.

"Why baby??"

"Ma.. how about the family day activity?" Naalala ko nga, kanina nag text ang teacher nya for the said event, yun nga pala yung pinoproblema nya.

"Hay ang bata pa ng anak ko pero parang andami mo nang problema.." pero malamang di nya naintindihan. Lumapit ako and then kiss his forehead.

"We will join next week with your Daddy... is it okay?"

"Sure mommy?" I just nodded. And again tumalon na naman sya sa tuwa. Bumaba na rin kami at sakto papasok din sila.

Nakita ko ang pagtapik ni Vincent sa braso ni Mark. I don't know, what was that for? Hindi naman sila mukhang magka galit a?

I kissed Jensen at kinausap na saglit lang ako mawawala at pumayag naman s'ya. Umalis kami ni Vincent at dumiretso sa isang restaurant.

"Hindi ka man lang nagsabi na dadating ka, para nasundo kita." Bungad ko. Gusto kong tanungin kung ano'ng pinagusapan nila ni Mark, pero mas pinili kong hindi na.

He chuckled. "Biglaan din kasi e, pero ayos lang ako. Ikaw? Si Jensen?

"Ayun.. Sa halos ilang linggo kang nawala maraming nangyari and then busy din ako sa boutique."

"So what's your plan?"

"Kay Jensen?" Tumango tango sya, tapos tinawag nya yung waiter for our order.

"I already did, yung matagal nang gusto ni Jensen. His daddy. Is it okay with you?"

"Yes of course. Sino ba naman ako diba? At isa pa masaya ako para sa anak mo, kahit ako ang tatanungin ayoko rin na walang kinikilalang ama." Tumango lang ako. Lahat na siguro ng katangian na hanap ko sa isang lalaki na kay Vincent na, napangiti na lang ako sa isiping nakilala ko sya at naging nobyo.

Dumating yung order namin at kumain at nagkwentuhan sa ibang bagay. Na pa g usapan namin yung pamilya nya, at iba pang bagay. Nakauwi ako nang hapon and I expected na wala na doon si Mark pero mali ako. Andoon parin sya pero iba na ang suot.

Nagpalit ako ng pambahay at kinausap si Mark para sa gaganaping family day next week sa school ni Jensen habang si Jensen ay tulog.

"Bukas ide-deliver yung t shirt na gagamitin natin sa monday so I expected you to come here."

"O--okay.


P.A. ng Artista *editing*Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon