Pang labing pito

885 12 0
                                    

Trisha's POV

I can't believe this. Si Mark na pihikan sa babae may gusto sa P.A. nyang mahirap pa sa daga?! Gold digger talaga ang mga probinsyana! Nakahanap lang ng malaking isda hindi na pinakawalan.

Noon hindi pa ako nangingi alam kasi alam ko naman na hindi sya magugustuhan ni Mark. Pero dahil kay Mark na mismo nanggaling iritang irita na ako sa babaeng yon! Matagal na kaming sikat na tambalan at kahit kailan hindi ko naramdaman na gusto ako ni Mark pero ang babaeng yon! Nakakagigil.

Ayaw na ng manager nyang maging PA yung Chloe... ewww yak! Yung bruha na yun! Pero si Mark? Nasigawan nya ang manager namin na wag daw pakialaman ang buhay nya at kung sino ang gusto nyang maging PA. Ano bang napakain nung babaeng yon kay Mark at ganun na lang kung ipagtanggol?

Pero bilang isang Trisha hindi ako papayag no! Andami ko ng isinugal para lang hindi mapalitan ang tambalan namin! At hindi ako papayag na isang probinsyana lang ang aagaw sakanya! Gagawa ako ng paraan. Masyado na akong naging kampante alam ko naman na ako ang gusto ni Mark inaagaw lang nong baaeng yon.

Matapos ang napakahabang araw napag desisyunan ko ng umpisahan na kunin ang loob ni Mark. Mag oover night ako sa bahay nya.

Matagal na akong nag oovernight sa kanila pero pagmay mga kasama kaming kapwa artista. But by this time ako lang magisa. This is exciting. Ipapakita ko sa babaeng yon na napaka ambisosya nya!

Nag door bell ako at ang nag bukas ng gate ay yung gaurd tapos dumating yung matandang babae na halos matagal ng nagttrabaho kay Mark.

"Si Mark po?" mabait kong tanong. Syempre kailangan igalang ang matatanda.

"Nasa loob. Pasok hija." malamang alangan naman na dito lang ako?! Pumasok ako at nakita ko si Mark na nanunuod sa sala. Wala yung babaeng yon? Ang tamad talaga. Ambisosya na nga mahadera pa.

"Mark! Pwede mag sleep over dito?"

"What brought you here?"

"Nothing. Boring kasi sa house. Yung pet ko naman pinaagamot ko pa."

"Ah. I see. Kumain ka na ba?"

"I'm on a diet. Gusto ko lang naman mag libang."

"Hm. Wala din namang ibang ginagawa dito eh"

"Bar?"

"Ayoko muna uminom"

"Hindi naman tayo iinom. Hang out with friends?"

"Tinatamad ako." naupo ako sa tabi nya.

"Ok. Dito na lang tayo. Nalulungkot lang kasi ako sa bahay. Ikaw hindi?"

"Di naman" malamang may malandi kang kasama eh.

"Ahwkay!" nanuod lang kami pero hindi pa nagiisang oras na bo-bored na ko.

"Pwedeng mag swim na lang tayo?" nakita kong bumaba ang bruhilda.

"Hello Chloe!" bati ko sakanya. Eeeewww! Eeewww! Yaaaakk!

"Hello ma'am Trisha!" plastic. Dumiretso ito sa kusina

"Ano Mark? Na mi-miss ko na ang bonding natin eh"

"Ok. Just wait. I-akyat mo na muna yang gamit mo."

"OK! Thank you!" nag madali akong umakyat ganun din sya. Mag bibihis siguro. Yes! Balak ko syang lasingin and then booom! Ok lang na ma laos ako atleast sakin na si Mark! Hihihi

Chloe's POV

Hindi. Hindi pwede. Hindi ako makapaniwala. Totoo ba yung sinabi nya o nag iilusyon lang ako? Waaaahh! Kanina pa akong nandito sa kwarto at hindi ko alam kung makakalabas pa ako! Nakaka hiya! Nakaka intimidate na magpakita kay Mark lalo na dahil sa mga sinabi nya.

Ako ba yung pinaparinggan ni Trisha kanina? Hindi. Ayoko. Natatakot ako. Anong isasagot ko? Na gusto ko rin sya? Parang sobrang bilis naman ata? Anong sasabihin ko? Gusto ko rin sya? Anong sasabihin ng iba pag nalaman nila? Waaaahh! Galit kaya sya? Tinakbuhan ko kasi matapos nyang sabihin sakin yon.

Dumating kami na halos mag gagabi na at parang frustrated sya na hindi ko maintindihan. Pag pasok na pag pasok namin sa pinto. Hinawakan nya ako sa magkabilang braso at hinalikan. Pero saglit lang tapos sabi nya...

"Chloe. I like you. That's why I don't want you to leave me."

Pagtapos nun natulala ako at biglang dumating si manang at napatakbo ako sa kwarto.

Bakit nya sakin sinabi yon? Bumaba ako at napag desisyunang kausapin sya pero nakita ko si Trisha na katabi nya. Pero umakyat din agad sila. Kaya nagbago na ang isip ko.

"Hey Chloe. Pwede ipaghanda mo kami ng maiinom? Wine please? Pahatid na lang sa pool" utos sakin ni Trisha at kasunid nito si Mark. Gabing gabi na mag sswimming pa? Hmp! Sinunod ko naman yung inuutos nila. Nagseselos ba ako? :(

Hindi ko alam pero napabagsak ata yung pagbibigay ko ng wine kaya napalingon sila.

"He-hello. Eto na po yung wine nyo." sarkastiko kong sabi saka umalis ng nag ngingitngit.

P.A. ng Artista *editing*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon