P.A. ng Artista by WantedGirlWriter
Pangatlo
"O-oooy! Aaaaaaaahh!" Hinarangan ko yung dibdib ko ng kamay ko baka sakaling masalo ko at maiwasang masaktan ako.
"Mark! A-anong nangyari-- Aray ko! Tumayo ka nga! Ang baho mooo!"
Ano ba 'to ang bigat naman ng taong 'to, iinom inom di naman pala kaya yung sarili.
"Ha-hanong shabi mo? Hik! Akohh mabahhhhhoo? Gwapoh nahhmaahhn! Hikhikhik!"
Sobrang lapit ng muka nya sa muka ko tapos bawat salita nya hininga nya yung naamoy ko na amoy alak nananadya talaga, tapos lasing na nga ang yabang parin! I saw his eyes squints dahil sa kalasingan, naiilang tuloy ako.
Agad ko naman syang tinulak pero di ko talaga kaya, kaya napunta sya sa gilid saka ako tumayo at umakyat ng padabog! Hahayaan ko syang matulog dyan sa malamig na sahig, yabang! Tsk. Naisarado ko na rin naman yung pintuan.
Naakyat ko na ang hagdan ng halos kalahati ng bigla syang umubo ng napakalakas na parang kahit lungs nya matatanggal sa sobrang lakas, biglang parang may bumulong sakin na balikan ko sya kaya napahinto ako at bumaba ulit. Nakaka-konsensya rin naman kasi, hindi naman ako tulad nya.
"Tumayo ka na nga dyan!" Asik ko sa kanya kahit na alam ko namang hindi sya kaagad makaka-tayo.
Nakatayo lang ako sa harap nya sya naman nakatihaya at parang wala ng buhay tapos umubo na naman sya. Nakakaawa din naman. Umupo ako at iniakbay ang kamay nya sa balikat ko at inakay nanaman pataas papunta sa kwarto nya. Mabigat sya at parang lalo pa syang nagpapa-bigat.
Nakarating kami sa kwarto nya tapos itinulak ko sya pahiga sa kama nya bahala na sya, matutulog na nga lang ako e-extra pa rin sya? Umubo nanaman sya tapos sumuka sya tapos para syang nanghihina. Jusko ano ba naman 'to! Kakapalit ko pa lang ng bed sheet nasukahan na naman nya?!
"Aaaarrgghh!" Nilapitan ko sya, ano bang gagawin ko sa taong 'to? Nakapameywang ako habang nagiisip kung anong magandang gawin sakanya.
A. Hayaan na lang at matulog ng puro suka ang damit at kama nya?
B. Palitan sya ng damit at punasan ang nagkalat na... eeeww.
C. Hubaran ng damit at wag ng palitan pa? Pagkakataon ko na 'to para mahawakan ang macho nyang katawan, kuhanan ng litrato at ibenta sa ganong paraan yayaman na ako at makakaalis sa mokong na 'to.
Teka! Parang ang pangit nung pangatlo, pero pwede na rin.
"Iinom inom kasi hindi naman pala kaya tapos ngayun magsusuka ka dyan! Tapos paglalabahin mo nanaman ako bukas?!"
Sinasabi ko yan ng may diin sa bawat salita habang tinatanggal yung coat nya.
Medyo nagising pa nga sya dahil sa marahas ng pagtanggal ko sa coat nya. Ikinagulat ko naman ang sunod nyang ginawa, bigla syang tumayo at walang kaabog abog na tinanggal lahat ng suot nya.. Para syang isang modelo sa isang magazine matapos kong makita ang katawan nya. Wala syang suot except dun sa brief nya tapos yung t-shirt nya inigahis pa sa muka ko tapos bigla uli syang nakahiga at naiwan akong nakatulala. Iniisa isa ang nangyaring kaganapan. Teka bakit ang init?!
Kaya pala, hindi pa bukas yung aircon, umalis ako at binuksan iyon at naka full.
Para mahimasmasan ako umalis ako ng kwarto nya at kumuha ng maligamgam na tubig para punasan sya. Teka kaya ko ba 'to? Inihanda ko ang sarili ko nasa harap nako ng kwarto nya.
"Kaya mo yan Chloe! Pupunasan mo lang yung amo mo! Gumising ka nga! Bakit ka ba kinakabahan?!"
Sinampal sampal ko pa yung sarili ko gamit ang isang kamay at bumuntong hininga, pumasok ako at ganun parin ang itsura nya.
BINABASA MO ANG
P.A. ng Artista *editing*
RomansaI started to be his P.A. Will I end up being his P.A.? P.A. ng Artista © 2014 by WantedGirlWriter