Pang sampu

983 18 0
                                    

P.A. ng Artista by WantedGirlWriter

Pang-sampu

Pagkalipas ng ilang araw umuwi rin kami. I am so tan, pero parang bumagay naman sakin. Nuong una mamula-mula pa ako e. Pero sure babalik din yung pagka-puti ko. Ganito kasi talaga ako e, hindi nagtatagal ang pagka-morena kapag nababad sa araw.

Nitong mga nakaraang araw naman medyo naaasar na ako kay Trisha. Hindi ko alam pero kasi parang nananadya na. Minsan kasi sisingit pag kausap ko si Mark. I mean sir Mark. Nangbabara. Yung tipong iisipin mo talaga mapapahiya ka pero dedma lang ako pero syempre wala akong galit. Asar lang. Kung may problema sya sakin, problema nya na yon. Kaso wala ba syang GMRC? Buti pa si mama laging pinapaalala sakin yun! Mabait kasi ako.

Oo nga pala busy kami. Oo. Kasi pagkatapos ng mga photo shoot nya bilang cover ng isang magazine. Eto sya kinarir naman ang pagkanta! Akalain mo yun? Meron syang album! At ngayun puyat ako dahil sa pagpipirma ng mga albums nya na gagamitin sa promos. Waah! Kawawa naman yung mga bibili. Bukod sa naka auto tune yung boses nya, peke pa yung pirma!

Pero in all fairness, may kagandahan din naman yung boses nya mas gumanda lang. Yung cover issue naman sa isang magazine, silang dalawa pala ni Trisha. Bagay talaga silang dalawa kaya di na ako magtataka kung bakit ang daming nahuhumaling sa tambalan nilang dalawa.

Nga pala. Di ba dapat uuwi na 'ko? Ilang buwan na akong nagta-trabaho kay Mark. At nung araw na ina-anticipate ko ang sweldo ko.

"Hello sir Mark!" masigla ko pang bati sakanya

"Oh bakit?" eto na yung oras ng sweldo ko at kanina ko pa nahanda yung mga gamit ko.

"Ah. Sir Mark diba sabi mo.. May sweldo.. Ahm. Yung sweldo ko sir!" ayan kinapalan ko na ang muka ko. Tutal aalis narin naman ako eh.

"Ahh! Yun ba??" sabay kamot ng ulo nya " Ibinili kita ng mga damit. Akala ko kasi kelangan mo nun, kasi sabi ni manang wala ka ng damit.."

"Po? Pero... Sir sabi mo.. Waaah! Please sir kelangan ko ng pera," kelangan makatakas ako dito pero wala naman akong pera.

"Ganun ba? Pano yan. Ang mamahal pa naman nun. Hindi pa naman yung pwedeng ibalik"

"Di bale na nga sir. Baka naman next month may sweldo ulit ako"

"Yung mga damit mo katumbas ng two months. Ang mamahal kaya non"

"Two.. Two months?!"

At ayun. Dalawang magulong buwan nanaman ang kailangan kong intayin. At malapit na yun! Wahaha! Pero gabing gabi na wala parin si Mark at halos kalahati pa lang ng albums nya ang napipirmahan ko. Andito ako sa kwarto nya at pursigido akong matapos na 'to ngayun.

*Booogggssshh!

"Ay kabayong kinalmot!" wahhh ano yun mukang may nabasag sa ibaba. Nagmadali akong bumaba kasi hindi pa ako inaantok. Lumaklak ako ng kape kaya keri lang 'to. Agad kong nadatnan si sir Mark na nakahapay sa may kitchen at basag na yung pitsel agad akong lumapit at kinuha ang kamay nya para alalayan.

"Sir Mark!" hindi ko alam kung may nagising ba pero ok na yun.

"Hey Chloe" Aww goosebumbs. First time nya ko tawagin sa pangalan ko... sa napaka-sexy-ng boses. Inakay ko sya pataas ng kwarto nya.

"Sir bakit naman po kayo uminom di ba sabi ko sainyo masama yun tsaka bukas na yung launching ng album mo" Yes minsan kasi matino sya kausap kaya minsan napapayuhan ko rin sya. Sa tagal ko na rin amo to no. Pero hindi ko nababasa ang ugali nya. Masyadong paiba iba. Minsan mabait,masungit pag may kinakausap ako kung asan man kami laging may iniuutos. Medyo rin naman nabawasan yung pagkamayabang nya.

"Si Trisha kasi nilasing ako. Sabi ko nga hindi na ko iinom kasi sinabi mo, kaso pinilit nya ko. Tsaka.. hindi pa 'ko lashing no!" bigla ko syang binitawan at humapay sya.

"Hindi pala ah" Pero agad ko rin itong inalalayan.

"Ansarap mo umalalay tapos bigla mo akong bibitawan. Masyado lang akong nabigla ayan tuloy nahulog ako. At masakit." Ano daw. Tsk. Lasing na talaga. Kung ano ano pinagsasasabi eh.

"Kabisado ko na pirma mo. Matatapos ko na rin pirmahan lahat ng album mo. Hays nakakapagod sir. Pwede bukas ko na lang tapusin?" Medyo sa nagmamakaawang tono ko at sa wakas nakarating din kami sa room nya.

Inihatid ko sya sa kama nya. At binitawan para tapusin yung nasimulan ko na

"Tatapusin ko lang yung---" hinawakan nya yung fist ko na ikinagulat ko naman.

"Bakit sir may iuutos ka ba? Parang awa mo na marami pa akong dapat tapusi---" tumayo sya sa pagkaka upo and then he grabbed my face. The next thing he did caused me to shut up.

Dahan dahang lumapit ang muka nya sakin. Parang otomatik na sumara yung mga mata ko. At nang magkadikit ang aming labi hindi ko alam ang susunod kong gagawin. He kissed me.... passionately.

Yung maninipis at mamula-mula nyang labi na noon ko lang tinititigan, dumampi na sa labi. Sobrang lambot. Ganito pala ang pakiramdam.

Napakapit na lang ako savlikod nya dahil hinapit nya ako at nagkadikit ang mga katawan namin.

Pakiramdam ko tumigil ang mundo ko sa pag-ikot. This is my first kiss at pakiramdam ko ang galing kong humalik o sadyang magaling lang talaga sya?

Naalala ko yung halikan nila ni Trisha. Gusto ko syang itulak pero iba ang sinasabi ng katawan ko.

Ang halik na ito. Yung halik nya... Pakiramdam ko nakalutang ako at walang paki-alam ang kaawan ko sa mga bagay na nakapaligid samin.

Kahit anong pilit ng utak kong paninira kay Mark hindi ko parin magawang bumitaw.

Why?

Thanks for reading!

Keep on supporting P.A. ng Artista!

Comment, Vote and Follow! ♥


P.A. ng Artista *editing*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon