Chloe's POV
Tapos na silang mag inuman sa tabi ng swimming pool. Hindi ko alam na balak lang naman pala nilang mag inuman bakit kailangan sa tabi pa ng pool? Dahil naka two piece? Mukang marami na silang naiimom. Si Trisha doon ulit matutulog sa kwarto ko kaya pagkahatid ko ng wine umakyat ako para palitan ang bed sheet.
Ilang oras na nakalipas di pa rin sila tapos? Nanunuod lang ako at si manang kaka pasok lang sa kwarto nya. May binilin pa.
"Chloe, bantayan mo ang amo natin. Ikaw na bahala. Inaantok na ko. Iba na talaga pag tumatanda."
Bantayan? Bakit bata ba sya? Pero bakit gising parin ako? Huh! Hindi ako makatulog eh. Kinuha ko yung remote at naghahanap ng channel ng biglang.
"Chloe tulungan mo ko." nakita kong akay akay nya si Trisha na mukang lasing na lasing. Ano ba yan. Tinulungan ko naman itong iakyat. Kaming dalawa ang nagbuhat papasok sa kwarto ko at inihiga sa kama. Lumabas na si sir Mark at ako kinumutan ko si Trisha dahil naka two piece suit pa. Mukang napasarap ang inom. Kinatok ko si Mark para sabihin na ok na si Trisha.
"Sir. Ok na si Trisha nakahiga--- Aaahhmm" pagpasok ko hindi ko sya nakita pero nagulat ako ng may humigit sakin galing sa likod ng pintuan at........ at...
Hinalikan ako. Itinulak nya ako sa pader. Nanlaki ang mata ko sa ginawa nya dahil sa sobrang dali ng pangyayari. He is now kissing me passionately na parang hindi alam ang ginagawa. Pero ako parang nagugustuhan ko ang ginagawa nya pero hindi ito tama. He is kissing my neck and my collar bone habang nakataas ang dalawang kamay ko sa pader at mariin itong tinutulak. Magsasalita sana ako ng ibalik nya sa labi ko ang paghalik nya. Diniinan nya ang paghalik hanggang sya na mismo ang bumitaw dahil hindi ako tumugon sa mga halik nyang yon.
He cussed at naupo sa kama nya habang nakahawak ang dalawa nyang kamay sa kanyang ulo.
"Sorry Chloe. I'm sorry. Ok lang na hindi mo.... hindi mo kayang ibalik yung nararamdaman ko para sayo. Ako lang naman tong tanga na nahulog agad sayo. Inamin ko kaagad kasi baka magsawa ka sa ugali ko at umalis ka na lang bigla."
"Totoo ba yang sinasabi mo?" hindi sya umimik. Kinuha ko yung muka nya at iniharap sakin. Tumawa ako. Isang artista magkaka gusto sakin? Di ako makapaniwala. Pero lasing sya dapat ba akong maniwala?
Sa sobrang tuwa ko hinalikan ko sya na ikinagulat nya. Anong magagawa ko eh gusto ko rin sya eh. Hindi naman ako hypocrite para magpakipot at itanggi na gusto ko sya. Kaya lang naman natagalan eh dahil sa ugali nya. Baka kung hindi nya nga ako naging PA baka nagkakandarapa din ako sa kanya ngayun. Hays. Ang swerte ko pala. Hihihi.
"Wala naman akong sinasabi na hindi kita gusto ah? Masyado mo naman akong inuunahan." medyo nagliwanag yung muka nya.
"Nakakatuwa naman. Ang artistang tumulong sakin noon na akala ko mabait eh sobrang sikat na artista pala. Kaso mayabang pero mabait naman pala kaso sya yung taong pag umuulan eh takot sa kulog at hmmm." inaasar ko lang sana sya pero madali pala syang mapikon nalimutan ko. Pinigilan ko sya sa paghalik.
"Teka. Kotang kota ka na ah? Nakaka ilang halik kana eh wala ka pa namang tinatanong."
"Will you be my girlfriend?"
"Agad? Sabi nga ni mama magpaligaw daw muna ako eh."
"Eh ang alam nga nila tayo na eh."
"Bahala ka kung ayaw mo."
"Biro lang. Sige bukas na bukas magsisimula na 'ko."
"Pano yung mga taga hanga mo pag nalaman nila?"
"Ok lang ba sayo na itago muna natin?"
"Okay lang. Nanliligaw ka pa lang naman eh." nakita kong medyo nalungkot sya. Pinisil ko yung pisngi nya.
"Biro lang. Sige okay lang alam ko naman na mahirap maging artista." ngumiti ako.
"Salamat Chloe."
"Nga pala bakit andito si Trisha?"
"I don't know?"
"Sus!"
"Selos ka?"
"Ako? Di ah! Sige na matutulog na ko" tatayo na sana ako para bumaba.
"San ka pupunta?"
"Sa baba matutulog?"
"Dito ka na lang."
"Eh?"
"Wala naman tayong ibang gagawin eh. Please samahan mo na muna ako?" he looks so tipsy pero maaliwalas parin muka nya? Ewan.
"Sigurado ka?"
"Bakit? Ano ba iniisip mo?"
"Wala! Sige na nga wag ka mangaasar ha?"
"Bakit? Dahil alam mo nang talo ka?" hindi ako sumagot.
Ilang sandali lang nakatulog na sya. Matulog na lang din kaya ako? Baka pag gising ko panaginip lang pala to umasa pa ako. Goodnight! :)

BINABASA MO ANG
P.A. ng Artista *editing*
RomantikI started to be his P.A. Will I end up being his P.A.? P.A. ng Artista © 2014 by WantedGirlWriter