Pangalawa

2.1K 21 6
                                    

P.A. ng Artista by WantedGirlWriter

Pangalawa

Bagay talaga sakanya ang propesyon nya hindi dahil sa gwapo sya, marami naman kasing artista din na hindi muka ang puhunan di ba?

Bagay sakanya dahil ang galing nyang magpanggap at mag ibaiba ng emosyon. Kanina ang tingin ko sa kanya isang halimaw na walang puso't kaluluwa, pero sa inaarte nya ngayun isa syang probinsyanong nakakilala ng mayamang babae tapos nag kainlaban tapos lumayo yung lalaki dahil ikakasal na sa iba yung babae pero tumakas ang babae at hinanap nung babae yung probinsyano at ayun na nga yung nabasa nyong scene kanina, at ngayun yung last kung saan last part na kung saan magkaka pamilya na sila.

Paulit-ulit na lang ang mga palabas, nakaka-sawa. Pinagloloko na lang nila ang mga tao. Pare-parehas lang naman kasi kung tutuusin, yun nga lang depende siguro sa gaganap. Masasabi ko namang bagay sila at may chemistry sa isa't isa kaso hindi ko magawang kiligin dahil sa katambal ni Trisha o Precious sa palabas.

Hindi ba sila naiilang o nahihiya man lang dahil nakikipaghalikan sya sa harap ng maraming tao? Kahit na trabaho yun diba dapat kayo lang ang nakaka alam ng mga ganong bagay? Psh. That was an act of intimacy, mga artista nga naman, pero ba't ba 'ko nangingialam kung tutuusin tuwang tuwa sya dahil may panibagong labi na nanaman syang mahahalikan.

Jusme kahit ilang linggo pa lang akong nag ta-trabaho dito pakiramdam ko binugbog ako, di ba sya napapagod? Pero mas nakakapagod ata yung tumayo na lang dito magdamag.

Sila kasi a-arte lang, though alam ko ring mahirap dahil misang paulit-ulit lalo na kapag may mali pero tingin ko mas mahirap ginagawa nung mga camera man o yung iba pang staff, bukod kasi sa puyatan madalas yung iba talagang nagbubuhat pa ng malalaking bagay tulad ng ilaw para sa kanila tapos naka-tayo lang, samantalang sila puyat lang tapos may advantage pa, bukod sa famous ka mas malaki pa ang kita.

Back to the scene. Natapos ang eksena at lumipas ang maraming taon nagkaroon ng anak si Dindo at Precious natanggap din ng parents ng babae ang desisyon nyang ito kaya ang ending they lived happily ever after! At dito na rin daw nag tatapos ang walang kwentang kwento ng buhay ko kasama ang artistang 'to.

"Hoy!"

"Ay kalabaw!" Di ko namalayan na nasa gilid ko pala sya. Sino pa ba? Edi si Mark! Nakita ko naman syang nag chuckle pati yung ibang tao.

"Tulala ka nanaman, naiinggit ka sa halikan namin 'no?"

What?! Saan naman daw nanggaling yun? Di ko nga pinansin, tapos na pala ang palabas di ko namalayan at eto sya mang aasar nanaman. Madalas syang ganyan yabang diba? Huh! Asa naman sya, ayokong madampiam ang labi ko ng lalaking mayabang. Preserve yan sa magiging first and last boyfriend ko!

"Nga pala yung laway mo tumutulo," Tinitigan nya ako pababa sa mga labi ko.

Agad naman akong naalarma at agad na hinawakan ang gilid ng labi ko pero wala naman tapos bigla nya akong tinawanan as in tawang halimaw sabay umiling-iling pa! Buti onti na lang tao dito dahil anong oras na, alas quatro na ng umaga, at kung ang iba gigising palang para pumasok o magtrabaho eto kami pauwi palang.

Sabi ko pa naman nung nakaraan matutulog ako ng maaga, hindi maaga, pero eto, walang magawa.

"Manong pakilagay nga po nung iba kong gamit na naiwan don."

Utos nya sa driver at pumasok sa loob ngsasakyan nya ako naman tinulungan si manong magbuhat dahil alam kong wala nanaman akong ganti! Kaasar. Pagpasok ko ng sasakyan doon ako naupo sa front seat katabi ng driver at napansin kong tulog na si Mark mukha syang anghel pag tulog pero pag gising, wala kang masasabi.. wala kang masasabing maganda tungkol sa kanya!

P.A. ng Artista *editing*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon