Tatlumpu't pito

809 10 0
                                    

Chloe's POV

"Lolo! Lolo! Lolo!" salubong ni Jensen sa lolo nya pagka babang pagka-baba ng sasakyan. Lumundag ito dito para magpa karga.

"Aray apo.. You are so heavy na pala. Your lolo has a weak bones and arthritis pa naman. Hahaha!" pagbibiro ni papa. Oo nga at may kabigatan na ang anak ko pero mas gusto ni papa itong buhatin. Sumunod naman si mama at niyakap ito.

Ibinnaba ko yung gamit naming mag ina at tinulungan naman ako ni Vincent.

"Thank you Vincent sa pag leave sa trabaho masamahan lang kami." kahit tatlong araw lang sya dito nasamahan parin nya kami kahit may trabaho sya.

"No need to say thank you. Because I am doing this to take care the both of you, and I'm happy to be with you." ngumiti ito ng bahagya at ipinasok na ang gamit naming tatlo.

Hindi ko nga alam kung paano masusuklian lahat ng kabaitan nya samin. Kahit nung una ko sya ni-reject. Nahihiya ako. Nag pursige sya at doon naisip ko na wala naman sigurong masama dahil mabuting tao si Vincent si dad na rin mismo ang nagsabi. Well, tulad ko lumaki din sya sa hirap kaya di mo maalis sakanya ang pagka workaholic. Vincent Tamayo.. Sya yung taong sa anim na taon nyong magka kilala hindi ka magsasawang kasama araw araw kasi may sense of humor, matalino at joker na tao. Hindi nga lang halata minsan kasi may pagka tahimik minsan kaya maiintimidate ka lumapit. Hahaha.

Pumasok na ako sa loob at sinalubong sila mama't papa.

"Pa... Ma..." niyakap nila ako ng mahigpit.

"Mas lalo kang gumanda apo." maiyak iyak na sabi ni mama habang nakayakap sakin. Bihira naman kasi kming pumunta dito gada taon.

"Mama talaga. Salamat po." bumitaw ako sa yakap. "Ma.. okay lang po ba kayo?"

"Oo naman apo hindi naman kami pinapabayaan ng daddy mo na padalahan ng pangangailangan namin... Teka asan nga pala ang daddy mo?"

"Ma may kailangan pa po kasi syang asikasuhin sa US pero susunod din po agad yun.. di nun matitiis na hindi makita ang apo nya. Haha." totoo naman eh. Ganun ba talaga kapag apo?

"Haha. Ganun ba? Mabuti naman. Talaga namang nakaka miss ang apo..." ngumiti lang ako. Nakita ko namang naglalaro na si papa at Jensen sa labas.

"Nga pala Vincent.. Chloe nakahanda na ang pagkain sa may labas.. Mas masarap kumain doon dahil mahangin."

"Opo ma. Tayo na po." inakay ni Vincent si mama. Napamgiti naman ako sakanya. He's the ideal guy that every woman wishing for. Matalino, mabait, gentle man, gwapo at masipag.

"Mommy come here!" pagtawag sakin ng anak ko mula sa labas.

"What is it baby?" lumapit ako. Malapit sa may kubo.

"I want to eat na po eh. I'm starving. It all look so delicious mommy."

"Haha. Ganun ba? Okay mommy's going to used may kamay para subuan ka okay?"

"Yes mommy. Mas masarap pag ganun!"

"Hahaha. Manang mana sakin ang apo ko ah. Gwapo na mabait pa!" singit ni papa.

"Tigilan mo nga kami Berting.. Hala tayo'y kumain na."

Tumawa kaming lahat dahil sa pagsingit ni lola dahil sa pabirong pag tutol nito.

Kumain kami ng tahimik ng biglang nagsalita si papa habang sinusubuan ko si Jensen.

"Vincent... Malapit mo na bang hingin ang kamay ng apo naming si Chloe?" medyo pabirong sabi ni papa. "Aba eh Chloe napaka bait na batang to at gwapo parang ako! Talaga namang bagay kayo!" napansin kong tinapik ni mama si papa para patigilin. Masyado namang casual ang pag tanong ni papa para sa ganoong bagay pero ganon na talaga sya eh. Haha. Hindi naman ako lumingon at nag kunwaring busy sa pag subo sa anak ko.

"Malapit na po siguro Lo... Hihintayin ko lang si Chloe kung handa na sya sa ganoong bagay.." ngumiti lang ito.

"Aba'y tama yan! Napaka bait mo talagang bata.."

"Salamat po. Tsaka kung ganoon man po kailangan kong paghandaan lahat dahil maganda po kung malaki ang pamilya." pagbibiro nya.

"Hahahaha! Tama ka dyan hijo. Eh kung gusto lang talaga nitong si Erlinda eh mas gusto ko rin ng maraming anak!"

"O sige Berting.. basta ikaw sana ang mag aanak at mag iiri ha? Okay lang naman sakin." tumawa ulit kami. Si lola talaga, kaya walang laban si lolo eh.

Nagtanong lang ng nagtanong si lolo hanggang matapos ang pagkain namin. Tinanong nya ang apo nya kung ayos lang sa pagaaral. Sinabi kong ayus lang at mas natuwa sila sa binalita naming dito sa ito magaaral. Sa totoo lang wala silang ideya na dito na kami titira basta ang alam nila eh mag babakasyon lang kami dito.

Matapos nun nagpahinga muna kami at bandang hapon naligo sila sa dagat katulad ng hiling ng anak ko.

Kinagabihan.

Naglalakad lakad kami ni Vincent sa dalampasigan habang si Jensen nakikipaglaro sa lolo nya. Naupo kami at nag uusap tungkol sa iba't ibang bagay ng mapunta sa usapan yung kanina.

"Pasensya kana kanina. Nagbibiro lang naman ako.." ngumiti sya at ngumiti.

"Ayos lang 'yon ano ka ba........ Vincent.....?"

"Hmmm?"

"Hintayin mo ako hanggang okay na 'ko ah? Kailangan ko rin kasing i-consider yung nararamdaman ng anak ko... Alam mo naman."

"Haha. Oo naman. Walang problema.. basta wag lang yung tipong may uban na tayong dalawa."

"Hahaha. Hindi naman no! Grabe.... Basta salamat ha?"

"Alam mo mas maganda siguro kung kiss na lang sa bawat pasalamat mo." he smirked.

"Ikaw ah!!---"

"Hahaha. Biro lang.. Wag ka na kasi mag thank you. Gusto ko rin naman tong ginagawa ko." napatanaw sya sa dagat.

Tinitigan ko sya. May part ng pagkatao nya hindi ko pa ganun kilala. Pero magaan ang loob ko, siguro dahil matagal na kaming magkasama. Hahalikan ko sana sya sa pisngi kahit di nagsasabi pero sakto naman na humarap sya sakin kaya nagtama ang mga labi namin at laking gulat ko. Gumalaw ang labi nya at hinalikan ako pabalik. Nadala ako ng sensasyong iyon kaya napapikit na lang ako. Lumalim iyon at....

"Mommy?" agad akong napa bitaw ng marinig ko ang anak kong tinatawag ako sa di kalayuam. Nagmadali akong inayos ang sarili. Hindi ko alam kung gaano kami katagal na ganoon dahil pakiramdam ko naubusan ako ng hininga. Napatayo ako at lumingon sa anak ko.

"A-ahh. Vincent mag pahinga kana okay?" tumango lang sya na may ngiti sa labi.

"So-sorry sa nngyari.. Bye bukas na lang.." nag aalangan pa 'ko pero bineso ko sya at nagmadaling umalis.

Napahawak ako sa labi ko at nakita ko na si Jensen.

"Baby...."

"Mommy let's sleep na?"

"Sure baby... Tapos kana ba mag tooth brush?"

"Yes mommy sinamahan ako ni lola..."

"Good. Let's go."

Sa tent kami matutulog. Kinuwentuhan ko sya ng bedtime story at nakatulog na sya.

Hindi ko maiwasang di maisip yung nangyari kanina.

Kanina habang hinahalikan ko sya di ko magawang i kumpara sya kay... hindi... napa iling ako. Alam kong di ko naman sya malilimutan. Bigla syang sumagi sa isip ko... at di ko alam kung bakit kasi di ko naman sya iniisip.

Sya ang pangalawang lalaking nahalikan ko. Natatakot ako.

Tigang na pati labi ko.

Gusto kong matawa sa iniisip ko kaya naman natulog na lang ako.

Naiisip mo rin kaya ako? Di naman ako umaasa pero sana hindi na. Sana masaya kana din sa buhay mo ngayun.

P.A. ng Artista *editing*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon