Apat napu't isa

1.4K 12 0
                                    

Chloe's POV

"Ma'am? Excuse me po."

"Y-yes?"

"Eto na po yung rate ng sales for this month."

"O-okay. Just put it on my table."

May inilapag yung assisstant ko na folder while I was sitting here on my couch thinking about what happened last day. Accidentally I encountered manang Linda. Y-yung... yung.. ughhh. Yung nag alaga kay Mark and I can't believe what she told to me. Na magpa hanggang ngayun di parin maalis alis sa isipan ko.

Habang papunta na 'ko sa botique nasiraan ako ng sasakyan so I decided na iwan na lang yung sasakyan kung saan man yun naka hinto then naglakad ako sa pinaka malapit na abangan ng taxi. Pero nung time na iyon naka salubong ko si manang and she told me na nagbakasyon lang sya dito at may dinalaw na kamag-anak at papa-uwi na rin sa knilang probinsya.

"Naku Chloe muntikan na kitang hindi makilala." ngumiti ako ng huminto kami sa isang fast food chain para makapag kwentuhan. Halata na dito na may edad na talaga pero malakas pa rin. May kasama syang dalagitang babae na parang 14 years of old.

"Manang Linda hindi naman po." naka-ngiti kong sabi at masaya akong nakita sya. Kung kanina ay hindi maganda ang pakiramdam ko dahil nasiraan pa 'ko ng sasakyan pero nawala dahil isa sya sa malalapit na tao sakin noon.

"Kamusta na Chloe?"

"Okay lang manang, may business akong hinahawakan dito.. Ikaw po?" magalang kong tanong habang kumakain yung apo nya daw.

"Naku muka ngang asensado ka na! Okay lang naman ako, umuwi na rin ng probinsya dahil di na kaya ng katawan ko ang gumawa pa ng gawaing bahay.. abala na lang ako sa aking mga apo. Hahaha."

"Talaga po?"

"Oo.... Ah. Hija?"

"Yes manang Linda?"

"Ahh. Nagkita ba naman kayo ni Mark?" noong marinig ko ang pangalang iyon otomatikong naalarma ang buong sistema ko. "Bakit ka nga nawala noon? Alam mo bang...." napailing si manang na parang ayaw ng ideretso yung sasabihin.

"A-ano po yun?"

"Alam kong hindi ko na dapat itong sabihin pa pero.... alam mo ba nung nawala ka? Hindi ko ito makalimutan dahil matagal ko ng inalagaan iyong si Mark pero halos kitilin ng batang iyon ang buhay nya noong nawala ka. Sobrang nakaka awa kaya sana kung ano man ang nangyari sa inyo... sana balang araw magka ayos kayo kahit na may pamilya ka na.. Hindi ko magawang magalala noon dahil parang anak na rin ang turing ko sakanya kaya sana... magkapatawaran kayong dalawa." speechless. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko dahil bakas ang pagaalala nya na parang awang awa na parang kelan lang ito nangyari. Matapos noong pag uusap naming iyon nagpaalam na rin sila dahil baka maiwan daw sila ng bus. Nagawa ko silang ihatid. Hindi narin naman nya inopen yung topic dahil alam kong bakas sakin ang hindi mapakali o hindi ako komportable at hindi ako makapag isip ng tama. Dapat ba akong makonsensya dahil doon? Parang may hindi tama.

I shook my head and instead na mag-isip ng mga posibilidad noon sumakay na 'ko ng taxi.

I looked at my wrist watch at nakita kong 3:45pm na. Malapit na ang uwian ni Jensen. Balak kong ako na ang susundo kasi nitong mga nakaraang linggo driver namin ang hatid-sundo sa anak ko dahil busy ako sa botique. Ayos na rin naman yung kotse ko kanina lang. Umalis na 'ko kahit maaga pa, I already text our driver na ako na lang ang mag-susundo. So I droved off, kesa mag-isip ng kung ano ano na hindi na dapat pang isipin dahil sa totoo lang sumasakit ang ulo ko.

P.A. ng Artista *editing*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon