Tatlumpu't tatlo

762 11 0
                                    

Chloe's POV

Akala ko minahal nya ako. Akala ko kailangan nya rin ako tulad ng nararamdaman ko sakaanya yun pala katawan ko lang yung gusto nya. Sa puntong 'to napuno na ako. Di ko na kailangan ng paliwanag o mga kasinungalingang lalason sa utak ko para paulit ulit na maging tanga. Ayaw ko sanang umiyak sa daan dahil muka akong kawawa pero tama si Trisha. I am pathetic. Nag padala ako sa mga salita at pangako nyang puno ng kasinungalingan!

Napaupo ako sa daan habang umiiyak. Mas gusto ko na lang ma-bunggo ng 10 wheeler truck kesa maramdaman 'to.

"Miss are you out of your mind?!" Oo! Yan ang gusto kong isagot.

Hindi ko sya pinansin. Umupo sya at inalalayan ako para tumayo. Hindi ko alam pero wala akong pakialam kung sino man sya kasi sa ngayun wala ako sa tamang pag iisip para analisahin ang mga tao sa paligid. Isinakay nya ako sa front seat ng sasakyan nya habang may tumutulong luha kasabay ang pag-agos ng tubig sa katawan ko.

"You look familiar......... Ow I see! You're the girlfriend of my cousin!! Gotcha. What are you doing with your self? Alam ba tow ni Mark?" nilingon ko ito at sya si Gelo. "Wait I'll call him.." kukunin na sana nya yung cellphone nya pero pinigilan ko sya.

"Wag.."

"Bakeyt?"

"Just.... don't..."

"Uhh. Well, where do you want me to drop you?"

"In a bus station....."

"Sure?" tumango ako.

"Owkay..."

Sinunod nya yung sinabi ko. Wala akong ibang matatakbuhan kundi sila lang... ang mga magulang ko na nag palaki sakin. Nang ma-ibaba nya ako hindi ko alam pero iniwan nya muna ako at pag balik ko may dala syang damit. Pinilit nya akong mag-palit dahil babad ako sa tubig at ginawa ko naman. Isinoli ko saknya yung license ni... Mark. Sinabi ko rin sakanya na wag nyang sasabihin kung saan nya ako hinatid at um-oo na lang sya.

"I don't know what's really happened between the two of you... Ummm. Take care Chloe right?" tumango ako.

May dala naman akong pera pamasahe papunta sa aming probinsya sa ngayun ito lang ang kaya kong gawin. Sumakay na ako ng bus at doon ko ipinahinga ang lahat. Natulog ako buong byahe. Alam ko namang matagal pa bago ako makarating doon siguro ay uumagahin na ako nito. Naiyak nanaman ako na maging yung katabi ko sa bus ay nagaalala na. Maalala ko pa lang kung natuloy yung ginagawa nila--- Hindi na sila nahiya.

Bakit parang gustong gusto ni Mark na ginawa iyon ni Vanessa sakanya?! Bakit hindi nya pinigilan? Ganoon ba talaga ako sakanya ka-walang halaga?! Sabagay Chloe para sakanya isa ka lang laruan... Bakit ba hindi ko ginamit ang utak ko?! Pero... Salamat na lang sa mga masasayang sinabi mo sakin kahit lahat ng iyon ay kasinungalingan. Napahagulgol na lang ako sa iyak. Hindi ko akalain na magagawa nya yon. Sa lahat ng pagkakataong sinasabihan nya ako ng magagandang salita hindi ko man lang nahalata na lahat ng iyon ay peke. Ganoon ba sya talaga sya ka-galing umarte? O sadyang tanga lang ako dahil nag pauto ako o nagpadala sa pesteng bugso nitong puso ko?!

"Miss....." naramdaman ko ang pag-tapik sakin at napa-mulat naman ako. Ramdam ko ang bigat ng katawan ko mula sa pag-kaka-higa. Napa-tingin ako kung sino yun at nakita ko ang babaeng katabi at parang wala ng ibang tao dito sa bus kundi pailan-ilan na lang.

"Andito na tayo sa terminal ng bus... Hindi kita maiwan baka ano pang mangyari sayo... Gusto mo bang ihatid ka namin?" hinawakan ko yung ulo kong medyo masakit at napa-iling.

"Hindi na po salamat....." tumayo ako at bumaba g bus. Medyo na-hilo pa nga ako kaya napakapit ako sa pinto ng bus.... Siguro dahil sa liwanang. Agad naman akong pumara ng tricycle upang mag-pahatid sa baryo namin. Hindi naman kalayuan mula dito sa terminal ng bus. Payapa naming tinungo ang aming bahay. Na-miss ko ang probinsya namin. Kung saan ako lumaki at nag trabaho na walang ibang iniisip kundi ang mag-trabaho pero masaya at simple lang ang buhay. Ito yung lugar kung saan nag-dalaga at iningatan ng mabuti ang aking pinaka-iingatan kasi sabi ko sa lalaking pakakasalan ko lang iyon ibibigay..... Pero nag kamali ako.

Tumulo na naman ang luha sa mga mata. Karma ba ang tawag dito? Kasi kung karma wala naman akong masamang ginawa sa iba para mag kaganito ako diba? Hindi naman ako nanloko ng sobra.. siguro nagawa kong iwan iyung ipinapakasal sakin pero hindi naman ko naman siguro kasalanan na hindi ko sya mahal diba? At ang masakit may mahal ako at ibinigay ko ang sarili ko pero yun pala.... Ang sakit isipin.....

Pinahid ko ang luha ko ng malapit na kami sa aming bahay... Natatanaw ko pero may isang sasakyang naka parada dito... Hindi ito kotse ni Mark... Kinabahan ako pero pinilit kong kalmahin ang sarili ko kahit panghinado pa ang katawan ko. Nag-bayad ako at bumaba... Lumapit ako at nakita kong may mga bodygaurds na nasa gilid ng sasakyan. Pag pasok ko nakita ko sila mama't papa at nagulat sila ng makita ako... siguro dahil sa itsura kong mugto ang mga mata. Napatayo sila kasabay ang isang lalaki na medyo kamuka ko pero wala akong pakialam dahil baka kamag-anak lang ito.

"Anak....." sabi ni mama at lumapit.

"Ma......" napayakap ako at humagulgol ng iyak habang tinatahan ako ni Mama.

"Sssshhh. Anong nangyari?" pero di ko ito sinagot.

Wala akong balak sabihin ang mga katangahan ko. Kung hindi siguro ako nag-layas hindi ko mapapala ang ganito. Naramdaman ni mama na wala akong balak sagutin iyon kaya inilakad nya ako papunta sa dati kong kwarto at doon ini-upo. Narinig ko pa ang pag-pigil ni papa doon sa lalaki dahil mukang papalapit ito. Umiyak lang ako ng umiyak. Kahit papaano parang nabawasan ang sama ng loob ko. Naramdaman ko na lang na humina ang hikbi ko at nakatulog.

Berting's POV

Mabuti na lang talaga at hindi pa naiisipang pumunta ng anak namin dito dahil halos tuwing linggo ay nandito ang totoo nyang ama. Bilang ama naramdaman ko naman na talagang nag-tsatsaga itong makita at mayakap ang apo ko at wala naman akong magagawa kung magkita sila. Kung tadhana na ba talaga ang gagawa ng pagkakataon ano pa bang magagawa ko?

Tumawag naman nung nakaraang ilang linggo si Chloe at halata sa tono nya ang lungkot pero sinabi nitong ayos lang sya. Mabilis na lumipas ang araw at kahit ilang buwan nang pabalik-balik dito ang ama nya ay ayos lang. Madalas din itong may dalang prutas sa amin.

"Mang Berting.... Nag punta po ako dito dahil.... gusto ko lang po sabihin na pupunta po ako ng states pero pansamantala lang po iyon at agad po akong babalik dito para mag-baka sakali na andito na sya. Hindi ako mawawalan ng pag-asa na makita ko ang anak ko..." tumango lang ako habang tahimik na nasa tabi ko si Erlinda dahil kung sya lang ang tatanungin ngali-ngali na nitong sabihin ang katotohanan.

Matagal na katahimikan ang bumalot pero ramdam ko na tatayo na sana ito pero nagulat ako maging ang asawa ko sa pag pasok ng apo namin na bakas ang lungkot na kahit anong oras ay iiyak ito. Napatayo si Erlinda at ganoon din ako.

"Anak....."

"Ma......"

Agad na yumakap ang aming apo at tuluyan itong umiyak. Napatayo si Marcelo dahil sa narinig nyang pag tawag ni Erlinda ng anak sa aming apo. Inakay ng asawa ko papasok ng dati nyang kwarto at nanatili doon. Napa lingon ako kay Marcelo na bakas ang tuwa at pananabik na mayakap ang anak. Ramdam ko ito kaya kinausap ko sya dahil hindi pa ito ang tamang pag kakataon para amini ang lahat. Alam kong may problema ang anak ko dahil ngayun ko pa lang ito nakitang umiyak ng ganito.

"Sya ba ang anak ko??? Napaka-ganda nya.... Para syang si---" pag putol ko sa sasabihin nito dahil baka maiyak ako kung pati ang pangalan ng anak ko ay marinig ko pa. Oo. Kamukha nga ng anak namin si Chloe.

"Oo sya nga... Kung maaari sana hayaan mong kami ang mag-paliwanag ng lahat. Magulo pa ang sitwasyon baka hindi matanggap ng apo namin kung bigla kang mag pakita.... Tatawagan ka na lang namin...." mag aapila pa sana ito pero pinutol ko na. "Wag ka mag alala. Hindi namin ilalayo ang anak mo" lumiwanag naman ang itsura nito at ma-luha luhang tumango.

"Naiintindihan ko po.... Maraming salamat..." tumayo ito at nagulat ako ng bigla ako nitong niyakap. Tinapik ko lang ang balikat nya at tumango. Maya maya at umalis narin ito. Malungkot ito pero nngingibabaw ang saya.

Ano mang maging desisyon ng apo ko...... Tutulutan ko. Alam ko naman kasi na mahirap mawalay sa isang anak. Napangiti ako pero sa ngayun kelangan kong malaman kung bakit umiiyak ang apo ko.....

P.A. ng Artista *editing*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon