P.A. ng Artista by WantedGirlWriter
Pang labing-apat
Chloe's POV
Nakaka asar! Nakaka asar syang tao! Hindi na talaga magbabago ang taong yon! Nagawa nya pang pagmukain akong masama at... waaaahh! Nakaka asar talaga sya!
Tapos itong si papa tuwang tuwa kay Mark. Nahihiya ako kanina pag labas namin ng kwarto nakasalubong namin si mama't papa.
"Hello ma! Kanina pa po kayo dyan?" bati ko kay mama dahil mukang nakikinig sya samin. Narinig nya kaya lahat? Pero ok na yon pa ligtas na ko. Kaso baka pingutin nya ko tapos kurutin sa singit.
"A-anong kiss?" sabi ni mama na may pagtataka.
"Ano ka ba Erlinda! Ganyan na talaga ang kabataan. Isa pa malaki na ang anak natin. Mas masaya nga kung may apo na tayo diba? Naalala ko tuloy nung kabataan natin." inakay ni papa palabas si mama at itong lalaking katabi ko.. ang laki ng ngiti sa muka!
"Anong ngini-ngiti ngiti mo dyan?"
"Gusto na daw nila ng apo. Ano gawa na tayo?" Ang kapal ng muka! Sobrang pula ko na siguro dahil sa sobrang galit. Umuusok na ulo ko. Ugh. Gusto ko syang paglabasan ng frustrations ko, at lahat yun ay dahil di sakanya nag mula!
"Gumawa ka mag-isa!" padabog akong lumabas at nagpahangin para naman ma relax ako! Nakaka asar sya! Ilang beses ko bang nasabi ang salitang nakaka asar? Malamang pinagtatawanan nya na ako ngayun! Nakaka asaaaaar!!
"Chloe? Nais mo ba kaming samahan sa ating munting lupain para naman maipasyal mo ang nobyo mo?" nung tinignan ko si Mark nagmadali syang umiwas at nag kunwaring nagtitingin tingin sa paligid. Mga palusot! Hindi sana ako papayag pero pinagtulakan ako ni mama. Di ba hindi pa rin sila nagbabago pero ayoko na rin sumuway kaya andito kami ngayun sa bukid. Wala namang ibang ispesyal dito, maraming prutas tulad din ng ibang bukirin.
"Papa kamusta na nga pala yung--- Araaaay!" muntik na akong matapilok pero may sumalo sakin. Si papa siguro. Nauuna kasi akong maglakad dun sa dalawa tapos medyo malubak dahil sa bato.
"Ayiieee! Ang anak ko sinasadya ang matapilok! Buti na lang alerto si Mark at nasalo ka agad kung hindi! Bagay talaga kayo ng anak ko!" pagkasbi nun ni papa alam ko na na hindi sya ang nakasalo sakin kaya agad akong tumayo dahil ang lapit ng muka nya sa muka ko. Ang bango nya... Ako kaya? Hays bahala sya.
"Sa-salamat! Papa yung puno na inaalagaan ko buhay pa ba?" pagiiba ko ng usapan. Iniwan ko sya at nauna ulit ako maglakad kapantay si papa.
"Ayos naman. Marami nga nagbabantay don eh. Pero ngayun sobrang dami na nya mag bunga! Ang sasarap pa! Halika at mamitas tayo, ipatikim mo sa nobyo mo yung bunga ng puno na matagal mo nang inalagaan.." nakakatuwa naman. May bagay pa pala na magpapangiti sakin! Puno nga pala ng mangga yon! Mahilig kasi ako sa mangga noong bata pako. Hindi ko alam na namumunga na sya!
"Ano anak ipapa akyat ba natin?"
"Haha. Oo naman pa! Nangangasim na po ako e," hindi ko alam kung sino ang kukuha non pero nakita ko si Juan at sya ang umakyat at ibinigay sakin ang isang basket na puno ng mangga.
"Chloe oh." kinuha ko naman iyon. Si Juan, nahihiya ako sakanya. Para sa isang lalaki masakit yung ginawa ko. Masakit ma reject pero ayoko talaga eh. Hindi naman panget si Juan. Ang totoo matipuno sya at maraming babae ang may gusto sakanya kaya nga gusto ni papa kami na lang ang magpakasal. Napansin kong lumapit si Mark sa tabi ko at kinuha yung basket sakin. Nabasa ko sa mga mata ni Juan na nagtatanong na 'sino yan?' kaya naisipan kong ipakilala si Mark kahit na alam kong masakit para sakanya.
"Ahhmm. Mark sya nga pala si Juan... kaibigan ko. Juan sya naman si Mark---"
"Boyfriend ni Chloe" napansin ko ang paglungkot sa muka ni Juan pero nung nakita nya ang smirk sa muka ni Mark napangiti din ito. Bahala kayo! Hindi ko alam kung ano mga iniisip nyo basta ako kakain lang ng mangga.
Napag desisyunan ko ng umalis at sumunod naman si Mark. Nagpasalamat ako kay Juan sa pagpitas. Kumuha ako ng pambalat at bagoong.
Sumapit ang gabi at andito kami sa tabing dagat at nag bonfire. Nag ku-kwentuhan at si papa naman tanong ng tanong kay Mark tungkol samin na wala naman talaga at ewan ko kung saan nya nakukuha yung mga ganong sagot sa tanong ni papa.
"Hijo eh saan mo ba nakilala ang anak namin? Ang natatandaan ko lang eh naglayas yan at iniwan kami," nalungkot ako sa pagkakasabi noon ni papa.
"Dito ko po sya nakilala. Nagkataon lang po na dito yung trabaho ko at kailangan daw po nya ng tulong" totoo naman yon. Pero hindi nya sinabing artista sya.
"Eh ano bang trabaho mo? Kung magkataon ba na magkaanak kayo may ipapakain kana? Sabagay muka ka namang mayaman! Haha,"
"Papa!"
"Pasensya na. Pero mga anak. Kung dadating man yon hayaan nyo lang andito kami para gabayan kayo. Oh tagay tayo Mark,"
"Hoy Berting tama na nga yan kung ano ano na ang pinagsasabi mo! Naglasing ka nanaman at dinamay mo pa ang nobyo ng anak natin! Naku! Pasaway talaga ang tatay mo Chloe kahit kailan, dito ka talaga nag mana!" litanya ni mama habang inaakay na si papa. Napatawa si Mark habang umiinom ng alak. Pero hindi ganon karami.
"Mama talaga"
"Osya dyan na kayo at aasikasuhin ko lang tong papa mo. Umuwi din agad ah?!"
"Opo." kinuha ko yung alak kay Mark at tinapon sa buhanginan.
"Bakit tinapon mo? Sayang!"
"Masama sa kalusugan." natahimik sya kaya nilingon ko. Nakatitig sya.
"Bakit?!"
"Gusto mo totohanin na natin to?"
"Alin na naman?"
"Yung pagpapanggap. Masyado mo nang ginagamit ang ka gwapuham ko at di ako papayag. Panagutan mo to" binatukan ko nga. Hindi ko muna sya amo ngayun. Hmp!
"Kasalanan ko ba?! Ha?!"
"Eto naman. Chill! Alam mo tinititigan kita kanina pero bakit parang hindi mo kamuka ang parents mo?" wow! So ibig sabihin tinitignan nya ako ng matagal? Di ako makapaniwala na magkakaroon ako ng amo na artista tapos tulad nung mga nababasa ko magkakatuluyan at boom happy ending. Pero sana nga ganun ang buhay. Kaso hindi eh.
Ayokong ma stock sa imahinasyon dahil nasa mundo kami ng realidad.
"Marami ngang nagsasabi eh. Pero hindi naman porket di ko sila kamuka di ko sila magulang no!" tumawa ako at nag enjoy ako sa company nya. Nag jo-joke pa nga sya at hindi ko alam kung bakit ako tawang tawa kahit na parang corny naman tulad ng...
"Knock! Knock!" sabi pa nya na medyo tipsy na.
"Come in?" sagot ko naman kasi diba pag may kumatok papasukin? Sabi iyon ni mama kasi GMRC nga.
"Mali! Dapat 'Who's there?'!"
"Ah. Ok ok. Who's there?"
"Mirror."
"Mirror who?"
"I got the eye of a tiger. A fighter, dancing through the fire. Cause I am a champion and you're gonna hear MIRROR!"
Humagalpak sya ng katatawa dahil medyo lasing na sya at half open na lang yung mata nya. Inakay ko na rin sya para maka-uwi, baka pagalitan pa ako ni mama e.
Thanks for reading!
Keep on supporting P.A. ng Artista!
Comment, Vote and Follow! ♥
BINABASA MO ANG
P.A. ng Artista *editing*
Roman d'amourI started to be his P.A. Will I end up being his P.A.? P.A. ng Artista © 2014 by WantedGirlWriter