P.A. ng Artista by WantedGirlWriter
Pang labing-dalawa
Pumasok kami sa isang kwarto na may isang banyo na may isang kama na may isang kumot at may isang TV. Gosh, pano kami magkakasya dito e pang isang tao lang to?
Sino ba kasing nakaisip ng ideyang 'to?!
"Bakit lahat ng bagay dito isa lang?! San tayo matutulog? Kasya ba tayong dalawa dyan?" May kaliitan sya compare doon sa kama sa kwarto ko.
"Sa tingin mo? Kesa naman dun sa sasakyan! Kung ayaw mo, bumalik ka don o kaya dyan ka sa sahig basta ako dito matutulog" Pinagpag nya pa yung kama at nahiga. Sumunod naman ako. Pwede sana sa sasakyan na lang kung may kasama ako baka mamaya may masamang loob pa ang magtangka ng masama sakin lagot na pano na ang lahing Dela Cruz?
"Matutulog ka na?"
"Oo ano sa tingin mo? Pagod ako dahil ginawa mo akong driver samantalang ikaw tulog lang ng tulog" Nangongonsensya ba sya? Kase effective eh.
"Pasensya na po sir,"
"Ok lang. Pwedeng yakapin mo ko? Nilalamig kasi ako ang nipis nung kumot" Walang kaabog abog nyang sabi na parang walang malisya.
"H-ha?! Si-sige." Tulad nung inutos nya niyakap ko sya. Pakiramdam ko ang uto-uto ko talaga. Napapayag nya ako ng ganun ganun lang. Tama ba to? Kasi naman kawawa naman yung amo ko tapos ginawa ko nga syang driver para lang makauwi ako samin para mabisita ko ang parents ko. Lalo ko pang idinikit yung katawan ko. Nilalamig din kasi ako eh. Di ko naman akalain na uulan kaya ang suot ko lang short na hanggang tuhod at sando pero ang ganda. Ito yung mga bili nya gamit yung sweldo ko.
"Nilalamig ka pa sir Mark?"
"H-ha? Hindi na masyado. Dapat yata higpitan mo pa," Pakiramdam ko talaga inuuto nya lang ako pero mukang inaantok na yung tono ng pananalita nya..
"Ganon ba? Sige" ganun lang ang posisyon namin. Kawawa naman si Mark pag ganitong mga sitwasyon. Maiisip mo na nananatsing pero parang nakakaawa sya. Bilang isang PA swerte ko naman kasi may ganito akong amo, Artista pero dapat handa ako sa mga consequences. Hays! I feel so comfortable by his warmth.
PA ka lang Chloe. PA. Paalala ko sa sarili ko.
Mark's POV
Hindi ko alam bakit yun ang nasabi kong yakapin nya ako pero mas nagulat ako nung sundin nya. Sabi na nga ba gusto rin ako nito eh. Pero bakit ganito ang pakiramdam ko? Kahit magkadikit lang yung balat namin sobrang init na yung nararamdaman ko, pero pinipigilan ko lang matukso. Ngayun lang ako nagkaroon ng PA na katulad nya. Medyo tatanga-tanga pero natutuwa ako sa presensya nya. Matinong kausap kahit na ang maldita. Minsan nga iniisip ko kung mayaman ba to. Ang ganda.. I mean sige na nga. Alaga ang kutis. Hindi naman sya napapansin ng iba ang itsura nya kasi hindi sya palaayos di tulad ng ibang babae, basta kumportable sya ok na. Kung lahat ng probinsyana kasing ganda nya doon na lang siguro ako maninirahan. Mabait din sya at kasundo nya si Manang na para ko na ring nanay.
Naging PA ko sya because she ruined our taping nung malapit na kaming matapos at yung panahon na yon badtrip ako at walang PA kaya ayan pumayag siguro gusto nya kasi artista ako eh. Pero I can't believe na hindi nya ako kilala even Trisha. Sabi nya tinakasan nya yung kung ano man. Hindi ko na sya pinakinggan non kasi nakakaasar sya. Pero habang tumatagal nakakatuwa syang asarin at masayang kasama.
Ang totoo may celebration party kami somewhere in laguna dahil sa sobrang patok ang movie at tambalan namin ni Trisha pero nakakasawa kaya naisipan kong samahan si Chloe sa probinsya nya para na rin makasigurado akong babalik sya. Nakaka pagod pag walang PA! Baka kung anu-ano iniisip nyo ah!
Naramdaman kong mas nauna pang nakatulog si Chloe kesa sakin. Sinilip ko yung muka nya at tulog na nga. Pero dahil may pagka pilyo ako dahan dahan kong nilapitan yung muka nya at hinalikan sya sa labi. Ang malambot nyang mga labi at ito ang pangalawang beses na hinalikan ko sya. Wag na kayong mag selos. Hindi ko mapigilan sarili ko tuwing makikita ko ang mga labi nya eh.
Una ko syang nahalikan.... Teka kahapon lang yun ah? Pero hinahanap hanap ko na. Tsk! Kelangan kong kontrolin sarili ko. Baka ma-isyu pa ko neto. Pero pano kung di ko na mapigilan? Magtatapat ba ko? Hindi pwede nakakababa ng ego para sa isang artista! Pano yan? Tulong naman oh! Ayaw ko syang umalis pero ayokong tuluyang mahulog sa babaeng to.
Mukang hindi rin ata ako makakatulog pero sa yakap at init na binibigay nya parang nawala lahat ng pagod ko at ang saya ko. Hindi ko magawang gumalaw dahil ayoko syang magising. Siguro muka na akong gago dito na ngumi ngiti mag isa. Walang pakilaman. May mga kapwa artista nga ako na 'minamanyak' lang yung mga PA nila eh pero iba ako, kasi ayaw kong manloko ng babae lalo na ang magpaasa no kaya kay Trisha dumi distansya ako kasi ayaw kong ma misinterpret nya yung tambalan namin ON cam,pero minsan talaga mahina ako sa tukso, pero hindi na lalagpas sa paghahalikan ang namamagitsn samin ni Trish. Ang hirap talaga maging artista pero maybe next year hihinto muna ako sa pag-aartista at mag aaral. Syempre hindi habang buhay artista gusto ko talagang maging business man tulad ni daddy at para maging proud na rin ang mommy ko.
Susubukan ko na ring kausapin si mom baka tama ang sinabi ni Chloe..
Napabaling ulit ako sa kayakap ko. Niluwagan ko na yung yakap ko sa kanya.
Bakit ganito na lang epekto mo sakin Chloe? Paano pa kung tumagal ka sakin? Tsk.
Thanks for reading!
Keep on supporting P.A. ng Artista!
Comment, Vote and Follow! ♥

BINABASA MO ANG
P.A. ng Artista *editing*
RomanceI started to be his P.A. Will I end up being his P.A.? P.A. ng Artista © 2014 by WantedGirlWriter