Pang labing-lima

908 15 0
                                    

P.A. ng Artista by WantedGirlWriter

Pang labing-lima


Mark's POV

Pangatlong araw na akong wala at malamang pati manager ko hindi alam kung saan ako hahanapin. Marami na rin akong guestings na na-missed para sa launching ng album ko.

I'm not that bad in singing. Hobby ko lang pero sabi ng iba ang ganda daw ng boses ko. Kaya ayan may album ako. Kagabi pa ako tinatawagan ng manager ko at kung may balak pa daw akong magpakita. Malamang naputukan na yun ng ugat sa galit sakin.

Ito ang isa sa ayaw ko sa show business lalo na pag may manager. Didiktahan ka kahit alam mo sa sarili mo ang dapat mong gawin para lang sa image. Tulad ni Trisha, we're love team pero kung umasta sya akala mo one of my girlfriend. Well maganda sya kaso wala sya sa radar ko. At kung hindi nyo natatanong onti palang nagiging girlfriend ko at limot ko na yon dahil past is past kasi meron na akong ibang gusto isa pa, masyado pa akong bata noon to take relationship seriously.

*Kriiiing

"Hello," walang kabuhay-buhay kong sagot ng tumawag ang manager ko.

"Mark! Are you out of your mind? Nasan ka ba? Nung celebration natin dapat andun ka dahil kayo ang bida don ni Trisha pero ano? Naghintay lang dun si Trisha. Ngayun balak mo rin bang paghintayin lahat ng guestings mo?! Kung asan ka man umuwi ka na dito dahil yan ang ikasisira ng image mo! Marami na namang kakalat na balita nyan!"

"Ok. Ok. I'll be there tomorrow morning"

"What?! Ok. Ok. I'll hanged up. Ipapa-cancel ko muna yung iba mong sched." at ibinaba na nya. Andito lang ako sa balcony at nagpapahangin. Nag-rerelax pero tumawag tong manager ko. I massage my temple and composed my self not to think of it.

"Aalis ka na ba?" nakita kong umupo sa tabi ko si Chloe.

"Yes. Kelangan na kasi ako dun" pero hindi ako papayag na hindi ka kasama.

"Ahh. Halika na kumain muna tayo" hinawakam nya yung kamay ko at inakay sa kubo kung saan maraming pagkain ang naka hain at nakalagay sa dahon? Siguro naisip nya na namo-problema ako dahil sakanya. Atleast dahil sa ginawa nya nawala na.

Dahil lang sa simpleng hawak ng kamay at ngiti nya. Gosh Chloe, what you have to me feel this way?

"Hinanda namin yan dahil bisita ka dito. Kain na tayo!" masaya nyang sabi at naupo na ako. Nilagyan nya ako ng pagkain sa platong dahon at napakarami! Naghahanap ako ng spoon and fork pero wala.

"Ano ka ba hijo! Mas masarap pag naka-kamay kumain! Subukan mo"

"Teka maghugas ka muna. Maarte kasi tong si Mark mama" pinahiya pa ako. Naghugas naman ako dun sa maliit na planggana at sinubukan magkamay. Pero ang hirap pala kasi nalalaglag yung kanin at hindi ito makarating sa bibig ko ng buo. Mas madali pang umarte kesa kumain ng naka kamay.

"Hahaha! Hindi ganyan! Ipatong mo yung ulam sa ibabaw ng kanin tapos i-compress mo tulad nito. Say aaaahhh" pagka demo nya isusubo nya sakin yung ginawa nya. Kinain ko naman kasi baka sabihin ang arte ko. Kaso di ko naman talaga alam eh.

"Ayyyiiie. Ang anak ko sinusubukan ng maging maalaga! Tama yan tulad ka rin ng mama mo sakin noon. Maalaga! Kaso hindi ka malambing," pangaasar pa ng papa nya. Nakita ko naman na namumula si Chloe at di umimik. Napangiti ako at tumabi sakanya.

"Ang sarap naman. Mas masarap ata pag ikaw mag subo sakin ng pagkain ko."

"Ano ka bata?"

"Hija! Oo nga naman! Mas malambing pa ang nobyo mo kesa sayo. Hindi pwede yan! Dapat pantay ang pagmamahalan nyo"  Teka. Sabi kasi ng papa ni Chloe papa na lang din daw ang itawag ko sakanya. Palagi ko kasi syang kakwentuhan kaya close agad kami. Sino ba ang tatanggi sa gwapo kong to?

"Oh! Nga-nga!" maasar nga.

"Ano ba yan. Nakaka tampo. Bakit ba hindi mo magawang maglambing?" Pang aasar ko pa dito. Alam kong naaasar na yan nagtitimpi lang. Inirapan nya lang ako.

"Baby say aaahhh!" Gusto kong tumawa ng malakas. Punong-puno ng sarcasm yung boses nya, it looks like childish and at the same time cute.

"Hijo. Aalis ka na daw?" napatigil kami sa pagkain.

"Opo eh. Kailangan na sa trabaho."

"Wag ka mag alala. Andyan naman anak ko. Aalagaan ka nyan. Sabihin mo lang kung nagiging masungit sya dahil kung hindi.. Wala ata sa lahi namin ang hindi maalaga"

"Papa! Di ba sabi ko sainyo di na ko aalis?"

"Oo nga naman Berting! Aalis nanaman ba si Chloe?" nakita kong tinitigan ni papa si mama Erlinda, yung mama ni Chloe.

"Ah! Oo nga pala. Dadalawin nyo na lang kami dito ah? Basta magtext kayo para makapaghanda kami" Sabi na lang ni mama na para bang kinutchaba ni papa.

"Di ba magka trabaho kayo?"

"A-ah opo papa" hindi naman kasi nila alam dahil ayaw din ni Chloe. Pag nalaman daw nila na 'ALALAY' ko lang sya. Malamang daw na hindi na sya makaalis pa kahit kailan.

"Kelan naman ang alis ninyo?"

"Mamaya na po. Medyo mahaba pa po ang byahe eh,"

"Ganun ba? Aba'y magingat ah?"

"I will mama. Hindi ko kaya pag may nangyaring masama kay Chloe. Ikamamatay ko..." Madamdamin kong sabi. Kahit na alam nyang nagbibiro lang ako namumula parin sya. Nakakatuwa.

"Oh basta bago kami magka apo dapat kasal muna!" ma otoridad na sabi ng mama nito.

"Opo mama" Sagot ko pa at niyakap si Chloe gamit ang isa kong kamay.

Wala syang imik hanggang sa matapos kami sa panunuod napuno ng tawanan dahil nag kwento ako ng mga kapalpakan ni Chloe. Yung iba totoo pero hinaluan ko na kunwari ang sweet ni Chloe at mahal na mahal nya ako. Pero... she's getting into my nerves. At yon ang ayaw kong pigilan. Sana ganoon rin sya para hindi na ako mahirapan pa.

Kakayanin ko kayang mag-tapat?



Thanks for reading!

Keep on supporting P.A. ng Artista!

Comment, Vote and Follow!



P.A. ng Artista *editing*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon