Third person's POV
Masaya si Chloe na pinayagan si Mark na pumunta sa silebrasyong iyon. Naisip nya... sino ba sya? Oo, sya ang girlfriend at may karapatan pero hindi ganoong tao si Chloe. Masaya naman sya at inaamin nya na bawing bawi na si Mark sa mga nakita nya noon dahil parang ipinaramdam narin ng lalaki kung gaano nya ito pinagsisisihan sa kabila ng hindi naman alam ni Mark na nakita sya ni Chloe na nakikipaghalikan. Hindi narin nya inungkat pa iyun dahil sa nakalipas na linggo bumawi sya kaya ngayung gabi matsaga nyang hinintay ang nobyo nya.
Sa totoo hindi sya maka-tulog, hindi nya alam kung bakit kaya napag desisyunan nyang manuod at baka maabutan nya pa ang nobyo nito at alalayan at alagaan dahil baka lasing ito. Lumipas ang oras at tumingin sya sa orasan. Alas dos na pala mg madaling araw napag desisyunan nyang patayin ang TV pero lumabas ang kasambahay at nagulat ito pero sinabi nyang matutulog narin sya pero tumunog ang cellphone nya na nasa sofa at nag madaling kinuha. Inaasahan nya na si Mark ang nag text o mga katrabaho para ipasundo kung sakaling lasing na ito kaya kahit antok na ay naka-ngiti nyang kinuha ang telepono nya at tinignan ang mensahe ngunit laking gulat nito sa nakita nya... hindi sya naniniwala pero napakaraming litrato nito at tiyak na si Mark nga iyun dahil ito ang suot nya bago umalis.
Sunod sunod ang katanungang pumapasok sa utak nya na halos di nya kinaya at nagpahina sa mga kalamnan nya at nabitawan ang cellphone.. Saktong lumabas ang kasambahay sa banyo at nagalala itong tinanong kung ayos lang ba ito pero hindi nya nasagot at wala sa sariling umakyat sa itaas at hindi na nagawa pang kunin ang cellphone nya dahil wala rin syang lakas para tignan pa ang mga iyun.
Pagka-pasok nya sa kwarto agad nya itong ini-lock at wala sa sariling naglakad patungo sa kama nya. Masakit para sa dalagang makita ang nobyo nya na may kasamang iba. Sino ba ang hindi masasaktan? Pero mas masakit isipin na magkasama ang dalawa na makita sa litrato na papasok sa isang hotel. Hindi nya maiwasang hindi magisip ng mga bagay na posibleng mangyari kaya hinayaan nyang dumaloy ang mga luhang nag-uunahang dumaloy sa mga mata nya. Niyakap nya lang ang unan nya upang maibsan ang kalungkutan. Umiyak sya pero pigil ang mga hikbi upang walang makarinig dahil sa oras na hinayaan nya ito ay tiyak na lalakas ang pag iyak nya.
Sa muling pagkakataon hinayaan nyang mang galing kay Mark ang mga eksplinasyon na gusto nyang marinig dahil ayaw nya mag isip ng mga bagay bagay na maaring ikasira ng relasyon nila dahil masyado nya itong iniingatan at dahil mahal narin nya si Mark... ng sobra... na handa syang magpaka-tanga at maniwala ano man ang sasabihin nito.
Sumapit ang umaga at nagising sya na masakit at mugto ang mata sa kaiiyak. Naalala na naman nya ang mga litrato. Pansamantala syang tumayo at tinignan si Mark sa kanyang kwarto at nag bakasakali na makita nya ito kaya bigo sya. Maaga pa kaya naisipan nyang mag kulong na lang dahil wala din syang gana sa anu mang bagay na maaaring gawin. Wala syang gana kumain kahit alam nyang nanghihina na sya. Naisipan nyang silipin ang orasan at nakita nyang alas dies na ngunit wala parin syang naririnig na andyan na ba si Mark. Halos naka ilang balik na nga ang matandang kasam-bahay dahil sa pag aalala samantalang nag-aalala ba ang nobyo nya? Napabuntong hininga sya sa naisip at kinalimutan dahil baka ganun din naman ito. Ilang sandali lang ay naka-tulog na naman sya ngunit nagising din ng may kumatok sa pinto nito at narinig nya ang boses ni Mark na puno ng pag-susumamo.
Boses pa lang ng nobyo ay gusto na nyang patawarin ito kahit na hindi nya alam kung may kasalanan ba talaga ito. Pero bilang isang boyfriend dapat ay may limitasyon. Tumayo ito ng walang gana upang buksan ang pinto pero pipihitin nya pa lang ay bumukas na at nakita si Mark at nasa likod nito ay ang matandang kasam-bahay.
Agad na niyakap ni Mark ang nobya dahil sa pag-aalala dahil bakas sa muka nito ang walang buhay na nobya at mugto ang mga mata. Nagpaalam ang matandang kasam-bahay at bumaba pero nanatili parin ang yakap nya habang walang kibo si Chloe. Bumitaw sya sa pagkakayakap at tinitigan ito sa mata. Sa nakikita ng Chloe sa mga mata ni Mark ay alam nyang hindi na nya kailangan pa ng eksplinasyon dahil sa nangungusap na mata ng lalaki at dahil bakas din sa muka nito ang pag-aalala.
"Mahal ko..." panimula ni Mark pero doon pa lang ay nanghina na ang mga tuhod nya. Hindi umimik si Chloe dahil kahit na maraming salita ang gusto nyang sabihin ay wala syang lakas ng loob.
Naramdaman ni Mark na hindi pa handang pag-usapan nila ng nobya ang tungkol sa mga pictures kaya inakay nya ito sa kama. Pina-upo at nayakap. Hinigpitan nya ang yakap habang ang muka ng babae ay nasa kanyang dibdib. Tuluyang bumagsak ang luha ni Chloe dahil doon. Hindi nya malaman dahil pakiramdam nya panatag sya sa kabila ng mga nakita nyang mga larawan.
"Sorry Chloe for making you cry.... Tahan na mahal ko.." sa salitang iyun ay naramdaman agad nya ang unti-unting pag-gaan ng pakiramdam nya hanggang hikbi na lang ang matira dito. Iniharap nya ang dalaga at pinunasan ang mga luha at ngumiti na bakas pa rin ang pag aalala dahil hinayaan nyang umiyak at mag isip ng kung ano ano ang nobya sa mga litratong hindi naman nya gusto dahil sa kapabayaan nya.
"Listen Chloe... Those pictures... Fvck!! Hindi ko alam kung sino ang nag-padala nyan. Inaamin ko, ako yun pero... walang nangyari... I slept together with Vanessa because I was drunk... Kasalanan ko but trust me, walang nngyari... Hindi ko papayagan. Hinding-hindi." niyakap nya muli ang nobya at hinalikan ng saglit sa labi. Kahit papaano ay ngumiti rin ito sakanya. Ramdam ni Chloe na nagsasabi ito ng totoo. Hinayaan lang nyang makatulog ulit ang nobya sa bisig nya at kahit na alam nyang hindi pa ito tuluyang naniniwala masaya sya dahil hindi nito ginawa ang kinatatakutan nya.... na baka umalis na lang ito at iwan sya. Napailing sya sa isiping iyun at ipinangako sa sarili na hinding-hindi iyon mangyayari hanggat alam nyang mahal na mahal nila ang isa't isa. Naka-tulog din sya dahil sumakit din ang ulo nya... marami nga pala itong nainom pero mas naramdaman nya ang konsesya kesa hang over pag gising nya kaninang umaga.
Nauna syang nagising at tanghali na ng mapatingin sya sa orasan. Tulog parin ang kasintahan pero tinitigan lang nya ito. Hindi nya maisip na mapapa-ibig sya ng ganito sa ibang babae muli. Alam nya sa sarili nya na si Chloe ang mahal nya kaso naguguluhan sya sa pag dating ni Vanessa at sa pinapakita nito sakanya. Hindi nya inaasahan na ganun sya maki-tungo kay Mark paglipas ng ilang taon at ngayun ibang iba na ito. Hindi naman nya makuhang magalit at tuluyang layuan dahil magka-trabaho ito at alam naman nya na wala syamg gagawing masama pero tuwing maiisip nya si Chloe na masaktan hindi sya nag aatubili na layuan ang dating kaibigan pero mukang mahirap.
Naramdaman nyang gumalaw ang nobya sa pagkakayakap nya, napalingon ito sakanya at bahagyang ngumiti. Ito lang naman ang gusto ng dalaga.
"Mark..." pagsisimula ni Chloe na medyo garalgal pa ang boses dahil sa pagpipigil ng iyak.
"Ummm? Bakit mahal ko?" ani Mark habang hinahaplos ang braso ni Chloe
"Sorry. I'm being paranoid---" diretsahamg sagot pero hindi nito natapos ang sasabihin.
"Hushhh. No.. Kasalanan ko dahil hinayaan kitang mag-isip ng ganon. Basta tandaan mo.. Hindi mangyayari yon.... Ayos na ba tayo?" bahagyang tumango ang dalaga at niyakap nya ito.
Kailangan ko pang gumawa ng paraan... Alam kong unti-unti nababawasan at nasisira ang tiwala nya sakin. Isip-isip ng binata dahil ramdam nya ito. At alam nyang pag nasira ito ng tuluyan mahirap ng ibalik pa, lalong lalo na kay Chloe, hindi sya tipikal na babae, may paninindigan sa bawat desisyong gagawin nya ano man ang kalabasan nito.
Totoo ang naiisip ng binata dahil kahit mahal nito si Mark, kung lubos na syang nasasaktan baka posibleng layasan rin sya nito, pero nakaka-pagtiis pa ang dalaga. Tulad na lang ng pag alis nya sa poder ng magulang dahil sa pilit syang ipinapakasal.. Pero kahit ayaw nyang mahiwalay sa magulang nya, umalis ito.
Hindi umalis ang binata at nangako na sasamahan ang knyang nobya kaya naman panatag ang loob nya.. Pero hindi rin nito maipapangako na hindi na ito mauulit pero pipilitin nyang umiwas...

BINABASA MO ANG
P.A. ng Artista *editing*
RomanceI started to be his P.A. Will I end up being his P.A.? P.A. ng Artista © 2014 by WantedGirlWriter