P.A. ng Artista by WantedGirlWriter
Pang-siyam
Ano nga bang kaganapan?
Ah! Ayun si Trisha dito daw matutulog kasi asap early in the morning mag ro-road trip daw kami kaya...
Eto ako sa sala natutulog kasi sa kwarto ko si Trisha. Nakahanda na rin yung mga gamit ko para bukas at hanggang ngayun hindi parin ako makatulog.
Eh kasi may narinig akong tumili kanina. Jusmi. Ano naman kayang ginagawa nila? Hindi kaya... Sa kwarto ko sila nag aano? Oh my gosssshh. Grabe ano ba tong naiisip ko. Pero kung ganun man. Hindi pala sound proof yung mga kwarto dito? Hays. Makatulog na nga.... mga artista nga naman.
Alas quatro ng umaga ng gisingin ako ni Mark. Teka alam nyo ba kung saan kami papunta? Di ko nga alam kaya nagtataka ako. Hays. Bahala na nga. Hindi naman siguro nila ako iiwanan sa gitna ng kawalan para lang magtanan no? Ano ba 'tong naiisip ko.
Nakasakay na kami sa kotse ni Mark at katabi nito si Trisha at andito ako sa likod kasama ang mga gamit. Takte! Ilang bwan ba sila doon at napakaraming dala nitong si Trisha na 'to? Ako nga isang bag na malaki lang. Yan na lahat ng damit ko wag na kayong maghanap pa!
Buong magdamag ng byahe na bo-boring ako. Pa'no ba naman silang dalawa lang ang nag kukwentuhan ng mga kalandian. Ay ano ba 'tong iniisip ko. Tinitignan ko lang yung tanawing nadadaanan namin habang nakikinig sa landian conversation nang dalawang nasa unahan ko.
At isa pa... Kelangan pa ba talaga nya ng personal assistant eh outing ata nila to. Celebration daw para sa tagumpay na movie nila. First day pa lang daw ang laki na ng kita kaya ayan. Minsan ang sarap din mag artista eh kaso magulo kaya ayoko mag artista eh.
Nakatulog ako at pagising ko andun na kami. Ang aga aga naman naming umalis eh ang lapit lang namn pala nito. Tapos sobrang lamig at mahamog at hindi ko alam kung saan to.
Pag kababa namin ako lahat ang nagbaba ng mga gamit nila. Hayop. Grabe ang macho ko naman. Leche napaka gentleman nung amo ko. Sabagay ako nga yung PA dito eh. Maraming tao ang sinalubong nila. Ano ba to Reunion? Bahay itong pinuntahan namin na may kalakihan. Pero kakasya kaya kami dito? Hm. Siguro uuwi rin tong mga to.
Pumunta na kami sa kanya kanyang kwarto. Kami lang naman pala yung bisita dito yung may mga bahay din kumbaga ito yung meeting place nila.
"Hey, excuse me, miss.."
May nag approach saking lalaki pagkalabas ko ng kwarto matapos ko ipasok yung gamit nila.
"Yes?" Magalang ko namang tanong.
"Who's with you?" Siguro nagtataka kung bakit mag-isa lang ako, baka isipin pa nito outsider ako, kung hindi lang ako babae.
"Ahh. P.A. po ako ni sir Mark." Sabi ko. Muka naman syang nagtatagalog e.
Tumango-tango sya.
"Ahh. You are too beautiful to be his P.A.... are you... sure?"
"Yea-yes sir." Nahihiya naman ako. Tumango na lang sya at iniwan ako.
May masaba ba kung maganda ang P.A. May batas na bang ipinagbabawal na bawal ang magagandang P.A. o kaya naman gwapong mga janitor?
Pero kahit ganon na flattered ako. Baka inisip nun isa din ako sa mga artista. Nangiti na lang ako sa isiping yun.
Yung amo ko naman umalis kasama yung mga kapwa artista nya at ako ang naiwan dito gabi na sila ng nakabalik at mga mukhang lasing. Sobrang board ako dito.
Kinabukasan, hindi ko akalain na may pupuntahan pa pala sila, sa boracay. Di ko akalain hanggang dito isasama nya ako. Medyo irita pa nga yung Trisha e. Hindi ko alam kung sakin ba at bakit."Pst Mark..."
"Oh?" sagot nya ng hindi tumitingin sakin habang umiinom ng alak ata yun. Nadadaplisan ng ilaw yung kaonting bahagya ng muka nya.
"Hindi mo to ibabawas sa sweldo ko ah? Kasi balak kong umuwi samin eh" medyo nag iba yung facial expression nya pero nakikita ko yung muka nya. Ngayun ko lang napansin yung buhok nya na medyo mahaba na parang si san guko pero hindi ganun basta ang cool. Tapos ang kinis ng balat. Tapos may hikaw sya sa kanan nyang tenga. Bigla syang lumingon at napaiwas naman ako.
Shemay ano ba 'to bakit kinakabahan ako bigla?
"Depende kung mabait ka bibigay ko yung sweldo mo"
"Pero di ba sabi---"
"Mark! You're here pala. Come on join us. Bakit andito ka?" biglang sumingit si Trisha kaya biglang napatayo si Mark. Aba bastusan na to ah?
Bakit ko ba sya kasama? Ako talaga yung mag isa tapos bigla na lang syang nasa tabi ko. Andito ako sa malayo sa mga party people. Nag eenjoy naman ako without the company of others! Oh em ji. Nahahawa ako sa mga englisan ng tao dito. Makaalis na nga.
Tatayo na sana ako pero...
"Hey miss. You're alone?" isang lalaki ang lumapit sakin na.. naka boxer lang teka bakit yun ba agad napansin ko. Shems.
"Uhm. Ye-yes. But I need to go now"
"Woooaaah! Pare wala ka pala eh" teka ano ba dapat kong sabihin? Totoo naman eh. May mga kasamahan sya sa likod. Andito nga ako sa medyo malayo kaya... kinakabahan ako kahit maraming tao dito. Yun na nga eh andaming tao nakakahiya kung papalag ako. Nakakatakot kasi yung approach nya para syang maniac.
"Excuse me dude. There's something wrong?" medyo napaatras yung lalaki nung makita nya si... si Mark.
"Nothing. I thought she needs some company." mukang may pang hihinayang dun sa mukha nung lalaki tapos alis na. Nakita ko naman nag smirk si Mark.
Nakahinga ako ng maluwag.
"Woooo! Akala ko talaga.... Salamat sir Mark."
"Wag ka kasing pupunta dito. Kung wala ka rin lang gagawin dun ka na lang sa kwarto mo."
"Eto na nga eh. Pasensya na ah. Wala kasi akong kasama," umalis na ko. Hmp Nakakaasar. Alam na wala nga akong kasama eh.
Bigang lumapit ang muka nya sakin na akala ko talaga magtatama ang mga labi namin.
"Gusto mo ng kasama?" pabiro nyang tanong ng mahigit nya ang kamay ko.
"I-i-ikaw talaga sir Mark mapagbiro! Ha-ha-ha!" Yan na lang ang mga nasabi ko dahil sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Waaahh! Para akong aatakihin! Yung puso ko gustong lumabas sa dibdib ko buti na lang naka-kulong sya sa ribcage ko.
Pumasok na ulit ako sa suite ko at nahiga sa single bed. Nakaka-pagtaka talaga dahil isinama pa ako dito pero syempre masaya ako.
Nag enjoy naman ako kahit papaano. Binilihan pa ako ni Mark ng short kinabukasan at sando na sakto lang sakin. Wala nga kasi akong masyadong damit. Puro pangbahay pa ang dala ko, nakaka-hiya naman kung yun ang suot ko tapos nasa boracay. Ano yun, parang naligaw lang ako.
Bumagay naman sakin. Kahit wala akong pero, provided lahat ni sir Mark. Napapansin ko nga ang pagtingin sakin nang mga lalaki dito kaya conscious ako.
Pumunta kasi kami sa isang bar. Kasama namin yung mga co-actors nya. Pakiramdam ko kasi parang out-of-place ako. Halata bang ako lang ang hindi artista sa kanila? Ayaw ko namang isipin na ang ganda para pagtinginan nila so I ignored na lang tapos si Trisha ang taray maka-tingin.
Lalo ko tuloy naramdaman na mahirap lang ako. I feel so down.
Alam ko naman e, P.A. lang ako.
P.A. ng Artista-ng kinababaliwan nyo.
Thank you for reading!
Keep on supporting P.A. ng Artista!
Comment, Vote and Follow! ♥
BINABASA MO ANG
P.A. ng Artista *editing*
RomansaI started to be his P.A. Will I end up being his P.A.? P.A. ng Artista © 2014 by WantedGirlWriter