Naging mabilis ang paglipas ng araw at isang linggo na silang nag te-taping. Madalas akong sumasama lalo pa at alam kong nakaka pagod ang taping nila. Sa nakikita ko magaling talagang artista itong si Vanessa dahil parang totoo lahat ng inaarte nya na maiisip mong sya talaga yung character doon sa palabas. Minsan nag kakatawanan pag may mali at inuulit pero madalang iyon mangyari.
Hindi ko naman maiwasan mapatitig sa kanila at mag selos. Natutuwa nga ako at ipinaalam ni Mark na ako ang girlfriend nya kahit na ito pa lang ang nakaka alam. Hays. May pagkakataon na may kissing scene tapos hindi ko alam kung sinasadya kasi madalas nakaka ilang ulit. Alam kong sinasadya yoon ni Vanessa. Pero dapat sanay na sya diba?
Nitong mga nakaraang linggo madalas na kaming hindi maka uwi dahil minsan out of town at talaga namang puyatan at dahil action at romance itong movie nila hindi talaga maiwasan ang pag punta sa iba't ibang lugar. Feeling ko nga minsan mahihimatay na lang ako. Ganito pala pag artista. Pinaghahandaan nila ng mabuti dahil big projects daw ito.
Ngyun ang araw ng maka balik kami dito sa Manila at halos dalawang linggo na lang natitira para sa kanilang taping at ngayun papunta ako kay Mark dahil dala ko ang paborito nyang kainin ang kalamares at konting sabaw ng tinola na sapat lang sa kanya. Excited ako kahit nasa sasakyan pa lang ako. Ano kayang masasabi nya sa luto ko?
"Andito na po tayo miss Chloe.."
"Salamat manong!" sabi ko dito na may malawak na ngiti at agad na bumaba. Medyo kailangan ko pang maglakad bago makarating doon sa mismong venue dahil puno ng mga fans at maraming staff ang kailangan. Alam ko kasing tuwing ganitong oras break nila kahit saglit lang kaya ito na ang time para naman mapagsilbihan ko ang amo ko. Hihi
"Ang sweet talaga nila Vanessa at Mark kahit off cam no?"
"Sinabi mo pa girl! Grabe! Support ko talaga itong movie nila to the highest level! Sana sila na lang in real life! Kilig much! Lika na kain muna tayo!"
Usapan yan nung dalawang babaeng malamang fans nila Mark at di ko maiwasang mag selos. Halos matulog na kasi sila dito or hindi sila natutulog para lang mapadali itong movie kaya madalas natutulog ako mag isa na dapat naiintindihan ko kasi ito naman talaga ang trabaho nya eh. Sino ba ako? Eh dati lang naman nya akong alalay slash PA. Pero hindi ko na inisip yun at nag isip ng mga positive.
Inikot ko ang tingin sa venue dahil marami talagang tao at dahil break time kalat kalat. Sinilip ko ang isa sa mga room at may narinig akong nag uusap. Alam kong boses iyon ni Trisha. Isa rin sya sa mga cast pero hindi sya kasama sa mga bida iyon ang pagkaka alam ko eh. Hindi ko gustong makinig pero parang may nagdikta saking makinig.
"KC ano ka ba. Wag kang umasa na seseryosohin ni Mark yung muchacha nya! See? Kahit na selos na selos na ako dun sa Vanessa na yun at bumalik pa eh ayos na rin atleast hindi dun sa Chloe na yun! Ewww ha!"
"Eh ano ba namang ayaw mo dun sa PA nya? Maganda naman ah? Ayaw mo lang ipagpalit sa muchacha eh!"
"Exactly! Yakk hah! Muchacha ang ipapalit pero alam ko namang na-challenge lang yun si Mark kasi siguro virgin pa pero kita mo hindi nya pina paalam yung relationship nila?"
"Tama ka sis! Uy pero wag ka maingay baka may makarinig satin!"
"Hay nako busy silang lahat! Sooner or later mawawala din yang Chloe na yan kasi nakuha na ni Mark ang gusto nya at isa pa malamang pera lang ang ang habol nun!"
"Pano mo naman nasabi?"
"Basta... I'll make a way para lang malaman ni Mark na mukang pera ang babaeng yun!"
Matapos kong marinig iyon hindi ko alam ang susunid na gagawin dahil kusang lumakad ang mga paa ko at napunta sa isang lugar na mas lalong nakapag pagalit sa puso ko at di tuluyang naka galaw. Pinili kong ipikit at imulat uli ang mga mata ko kung totoo ba yung nakikita ko. Hinawakn ki rin yung mga bibig ko habang hawak ng isa kong kamay yung pagkaing dapat sana kay Mark na dapat ay iso-surprise ko pero mukang ako ata ang na surprise.
Naghahalikan si Mark at Vanessa sa likod ng isang tent at halata mong nagugustuhan ni Mark ang nangyayari. Umiling ako at nagtago dahil masyadong masasakit yung narinig kong salita mula kay Trisha pero mas masakit na mapatunayan iyon at makita ng dalawang mata ko.
Nag madali akong tumakbo at hawak ko parin ang pagkain. Hindi ko na sila kayang panuorin o kung matatapos a iyon dahil halata namang gustong gusto nila. Bumalik ako sa sasakyan at nagtaka si manong kung bakit ako nagmamadaling bumalik. Pinilit kong hindi umiyak sa mga nakita ko. Nakarating ako sa bahay at sinalubong ako ni Manang pero hindi ko ito sinagot dahil alam kong alam nya na hindi maganda ang nangyari sakin.
Nung makarating ako sa kwarto ko doon biglang bumuhos ang luha ko at nag unahan sa pag agos. Hindi ako nagalit kay Mark dahil maghihintay ako ng explination mula kay Mark. Nakatulog ako at alam kong namamaga yung mata ko sa kakaiyak. Nakita ko ang oras at alas diyes na ng gabi. Tumayo ako at nahilamos. Bumaba ako at nakaramdam ng gutom at kumain.
Pagkatapos ko napatingin ako sa oras pero naramdaman ko ang pagbukas ng pintuan. Nakita ko si Mark. Agad nanamang bumalik yung nararamdaman ko kanina at gusto kong umiyak peroinigilan ako at pilit na ngumiti.
"O-oh? Bakit napa uwi ka?"
"Bakit ayaw mo ba?"
"Hindi naman." hinalikan nya ako sa pisngi pero medyo iwas ako. "Mag pahinga ka na alam ko naman na pagod ka na.." dugtong ko.
"Oo nga eh... Na-miss kita mahal ko.." nanghina bigla yung tuhod ko pero alam ko namang pang bola nya lang yun dahil may kasalanan sya kaya ngumiti ulit ako ng pilit. Nag lakad ako paakyat. Naramdaman ko naman syang sumunod. Alam kong hindi ko dapat sya itrato ng ganito pero di ko talaga maiwasan. Dapat nga sinapak ko na to kaso pamamahay nya parin to at wala akong karapatan.
"May problema ba mahal ko? Sabi ni manang pumunta ka daw kanina bakit di kita nakita?" Kasi may kalandian kang iba!
"H-ha? Masama kasi pakiramdam ko kanina kaya umuwi na lang ako.."
"Ganun ba? Uminom ka na ba ng gamot? Gusto mo--"
"Hindi na wag ka mag alala.." papasok na sana ako dun sa kwarto ko pero pinigilan nya ako.
"Mahal ko..."
"Bakit?!"
"Please tabihan mo naman ako.. Na miss na talaga kita.. Gusto ko lang bumawi kasi alam kong magiging busy na naman ko at gusto kong bumawi.. Please.."
Pumayag ako at nag hintay ako mag paliwanang sya pero wala talaga. Nag I love you din sya pero hindi ko sya tinugon kasi parang lalo nya akong niloloko. Hindi naman ako maka tulog dahil kaka gising ko lang at ngayun tinititigan ko sya. Bakit ba hindi ko magawang magalit sayo? Sinubukan kong tumayo pero gumalaw sya at hinigpitan ang pagkaka yakap sakin.
Kaya kong palagpasin to.. Pero sa sunod na maulit to hindi ko na alam ang gagawin ko.. Masyadong masakit.
BINABASA MO ANG
P.A. ng Artista *editing*
RomanceI started to be his P.A. Will I end up being his P.A.? P.A. ng Artista © 2014 by WantedGirlWriter