CHAPTER 80

67 6 1
                                    

THIRD PERSON POINT OF VIEW

DAHAN-DAHAN na naglakad pabalik sa bahay si Chloe habang iniinda ang sakit sa dibdib, mas lalong sumakit iyun nang malaman niya ang totoo kung bakit nagkaganun ang binata.. Niloko niya ko? Niloko niya ko habang nasa hospital pako? Nagpakasaya siya habang ako nasa hospital. Nasa hospital ako habang siya nakikipag― niloko niya ko.

Ibig sabihin, may namamagitan sa dalawa nang bumisita si Trix sa condo nito. Kumuyom ang kamao niya na nasa dibdib niya at sapong-sapong iyun dahil sa sobrang pait at sakit.

Ang tanga niya dahil hindi niya napansin iyun. Pero ano yung mga pinapakita sa kaniya ng binata, lahat ng mga magandang pinapakita nito sa kaniya. Ang pag-alok nito ng kasal sa kaniya. Ano yun? Para pagtakpan ang kasalanan nito sa kaniya, ganun ba yun. Ang sakit lang isipin.

"Chloe.. I'm sorry kung ngayon lang namin sinabi nito." rinig niyang sabi ni Steve. Napahinto ang dalaga sa paglalakad at tiningnan si Steve, she weakly smile at him.

"W-wala lang k-kasalanan.." pagkatapos nun ay tumalikod ulit ang dalaga nang lumabo ang paningin nito at bigla na lang ito nahimatay sa gitna ng daan.

Agad naman itong nilapitan nila Steve at hinawakan ang magkabilang pisngi.

"HEY Chloe.. Fuck! Chloe, wake up!"  pero hindi gumising ang dalaga.

"Dalhin natin siya hospital, baka ano nang nangyari sa kaniya." suhestiyon ni Jeanne na bakas sa boses ang pag-alala sa pinsan.

Binuhat ni Steve ang dalaga at dinala sa sasakyan nito, pinahiga niya ito sa backseat.. Doon umupo si Jeanne sa likod para suportahan ang katawan ng pinsan habang si Steve naman ang magmamaneho ng kotse.

NAKAPIKIT na lang si Kyle habang ninanamnam ang malamig na tubig sa shower na dumadaloy sa katawan  nito. This day is so fucked up. I'm fucked up.

"Fuck! What have I done?" napasabunot na lang ang binata sa sariling buhok at napasandal sa glass wall ng banyo.

Labag sa kalooban niya na paalisin ang dalaga, she wants to stop her from leaving, he needs her  to be there for him.. He needs her comfort. He needs her arms and hugs. He needs her. But iniisip niya pa lang na may malaki siyang nagawang kasalanan ay nandidiri na siya sa sarili at ayaw niyang palapitin ang dalaga sa kaniya dahil napakarumi niya para sa isang katulad ni Chloe.

Kaya tinaboy niya ito. He shouted at her, para lang umalis ang dalaga..

Hindi na niya alam ang gagawin. Una ay kaya niyang pagtakpan ang nangyari sa kanila ni Trix.. But now, I can't hide it anymore. Fuck!

Masaya na sila ni Chloe. Okay na sana ang lahat. Everything was perfect. Naging okay na silang dalawa, kunting tiis na lang ay magsasama na sila.. But why is that?! Ayaw ba talaga ng mundo na magsama sila? Bakit palaging may pumipigil sa kanilang dalawa.

How can I tell her about this?! Tapos gusto niya pang makita ulit si Trix, for what? Fuck!

Sinara niya ang shower at kinuha ang tuwalya at pinulupot sa katawan niya. Pagkalabas niya sa banyo ay nakita niya ang ina na abala sa kakalinis ng mga bubog at gamit na nagkalat sa sahig.

Rinig niya ang hikbi ng ina habang naglilinis.. Dun pa lang ay sumikip na ang dibdib niya. Pano na lang kaya kung si Chloe ang nasa harapan niya at umiiyak ito habang sinusumbat sa kaniya ang kasalanang nagawa niya. That will be a heartache for him.

"Ma.. Stop that, baka masugatan ka pa." aniya.

Nilapitan niya ito at inagaw ang basag na vase na nasa kamay nito. Napaupo na lang si Anne at doon umiiyak. Niyakap niya ito at hinalikan sa noo.

My Best friend, My Love [C O M P L E T E D]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon