CHAPTER 64

79 2 0
                                    

CHLOE'S POINT OF VIEW

1 month later...

Nagdaan ang isang araw, na naging linggo, na naging isang buwan, nakapagtapos na rin ako ng pag-aaral. Lahat ng pagod, puyat at pagdurusa ko sa college, napalitan na ng saya at ngiti sa aking labi.

Sa hotel ako nila Steve nag OJT, siya mismo ang nag recommend sakin para doon mag training. Challenging pero kakayanin, syempre konektado ang bituka namin ni Lorraine kaya kasama din siya sa hotel nila Steve na kagaya ko ay nag OJT rin.

Pagkatapos ng gabing yun, hindi na naulit pa ang pag-uusap namin ni Kyle, pero nakikita ko siya sa school kasama sila Ken. Oo, nandun parin yung sakit at selos. Sakit, kasi hindi na talaga kami babalik sa dati, hanggang doon na lang talaga kami, wala na kaminh pag-asa na magkabalikan pa kaming dalawa. At selos, kasi palagi ko silang nakikita ni Jeanne na magkasama, sa tuwing uwian, si Jeanne mismo ang susundo sa kaniya, walang araw na hindi ko sila nakikitang magkasama, at yun ang mas masakit sakin. Ang makita siyang may kasama iba, na dapat sana ako yun.

Nakaplano na sa isip namin na magtatapos kami ng sabay, sabay naming ico-congratulate ang isa't-isa. Sabay naming ice-celebrate ang pagtatapos namin― kaso, hanggang plano na lang yun.

Pero sa kabila ng sakit, nakaramdam din naman ako ng saya dahil okay na kami ni papa. Pagkatapos ng dramahan namin, napatawad na namin ang isa't-isa. Totoo nga ang sinabi niya, bumawi siya sa lahat ng nagawa niyang kasalanan sakin. At kaya pala hindi pa siya bumabalik sa States dahil hinihintay niya ang pagtatapos ko. Iyun na ata ang pinakamasayang araw sa buhay ko, ang kompleto si mama at papa sa pagtatapos ko. Noon kasi, tanging si mama lang ang umaatend ng graduation, wala si papa kasi puro trabaho ang inaatupag niya. Pero ngayon, nandito siya.

"Congratulation sating dalawa frenny! Sa wakas, natapos din ang kalbaryo natin sa college!" masayang sabi ni Lorraine.

Para kaming tangang nagyayakapan habang nagtatalon sa tuwa.

"Congrats sating dalawa Raine!" masayang sambit ko.

Kumalas kami sa aming yakapan at sabay na nagtawanan.

"Congratulations,"

Napatingin kami kay Steve na nasa harapan na pala namin na may dala-dalang bulaklak. Hindi namin siya namalayan dahil siguro sa tuwa.

"Flowers for you, Miss chef." mahina akong natawa at tinanggap ang dala niyang bulaklak.

"Salamat Steve, thank you talaga." ngitingi sambit ko sa kaniya.

"Ay! Kay frenny lang, wala sakin? Kahit santan man lang o di kaya flower pot, wala talaga Steve?" sabat ni Lorraine na ikinatawa namin ni Steve.

Napakamot na lang si Steve sa ulo at nakangiwi kay Lorraine.

"Sorry, si Chloe lang kasi ang iniisip ko while buying those flowers. Sorry Lorraine." parang batang sagot ni Steve na parang nahihiya pa.

"Tsk! Di mo kasi ako love, di mo'ko love?" natawa ako sa inakto ni Lorraine. Nagpapabebe pa ang bruha.

Nang lumapit si Steve kay Lorraine at hinalikan niya si Lorraine sa pisngi. Ang bruha, daig pa ang kamatis sa pula ng mukha.

"I hope that's enough. Sorry talaga." yun lang ang sinagot ni Steve.

"Ene be? Ekey leng, heheheh pwede esha pe?" mahina kong binatukan si Lorraine.

"Ang landi mo talaga." kantiyaw ko sa kaniya.

"Friend ang damot, ah? Pa esha lang naman." busangot niya.

My Best friend, My Love [C O M P L E T E D]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon