CHAPTER 28

133 9 1
                                    

A/N: Tingnan niyo po yung lyric video ng kantang Imahimasyon by baby TJ Monterde. Malalaman niyo bakit ko pinost ang kantang to. 😍😉💕

CHLOE'S POINT OF VIEW

Hindi ako mapakali habang nilalantakan ang cake na ginawa ni mama at ni Tita Anne. Sino ba naman ang hindi makakabahan kung mismong ina mo, nakita ka sa ibabaw ng isang lalaki sa mismong kwarto mo. Plus yung gulat sa mukha niya!

"Ang tahimik niyo naman ata" basag ni Tita Anne sa katahimikan.

"Kasi naman mare.." panimula ni mama at tumingin sakin. Pakshet na talaga to! Para akong inaakusuhan.

"Ting, can you explain please. What happened earlier? Baka atakihin ako sa kakaisip, kung anong ginagawa niyo kanina"

Ano naman kaya ang iniisip ni mama?

Di kaya-- Luhhh! Ang high naman ata mag-isip ni mama!

"Why? What happened?" takang tanong ni Tita Anne at tumingin saming dalawa ni Kyle since magkatabi lang naman kami. Ang gago enjoy na enjoy pa habang kumakain. Nakangisi pa!

"Well.. My daughter, is on top of your son--"

"W-what?!" gulat na tumingin si Tita kay Kyle. "Son?! Anong ibig sabihin nun? Answer me Kyle, anong ginawa mo sa inaanak ko?!" mahina lang na tumawa si Kyle at napailing. Sana all chill lang.

"Ma, wag OA.. Its nothing" sabi nito at bumalik sa pagkain, at nakangisi pa. Nasisiyahan pa ata ang gago.

"Nothing? Baka ginagapangan mo na si Chloe, without your Tita and Titos consent--"

"Tita! H-hindi po" pagputol ko sa sinasabi niya. Grabe naman ang gapang.

Pansin ko na mahinang tumawa ang gago. Ang saya naman ata tong katabi ko. Sarap busalan ang bibig, kasalanan niya to eh. Kung binigay na lang kasi niya ang phone ko, di mangyayari to. Kasi naman eh! Nakakainis!

"Gapang agad? Di pwedeng, dahan-dahan muna-- Awww!" inis kong inapakan ang paa ng bogok nato sa ilalim ng mesa. Rinig ko ang mahinang pagmura niya. Buti nga sayo!

Pakshet! Anong dahan-daan?! Gago talaga ang lalaking to! Bastos! Dahan-dahan..

Pwede rin hahaha!

"Ano ba talagang nangyari? Ba't nasa ibabaw ka ni Kyle Ting?" tanong ni mama.

"Kasi po.." tumingin ako kay Kyle at sinamaan siya ng tingin tapos balik nila Tita. "Ayaw niya po kasing ibigay ang phone ko, ayun pilit kong kinukuha sa kaniya. Naghabulan po kami sa loob ng kwarto, ayun napahiga kami sa kama.. Basta, hirap po i-explain" napakamot na lang ako ng ulo.

Dahan-dahan naman na tumango si Tita at si mama, si Kylene naman walang pakialam. Nasa cake ang attensiyon eh.

"Ohh.. Is that so" sabi ni mama. "I thought magkakaapo na ako"

"Ma!"

"Just kidding Ting" natatawang sabi ni mama. Pakshet! Di ko ata carry yun ah. Pakshet! Namumula ata ako. Imention ba naman ang apo!

"Why? Wala namang masama dun, panagutan lang ni Kyle ang--"

"Ma! Naririnig niyo ba ang sinasabi niyo?!" nagtawanan lang sila. Pati na rin tong katabi ko. Ang saya niya nga talaga. Peste!

"Ano?! Tama naman ako ah" depensa ni mama.

"Yeah. Your mom's right Ting, and I'm not against with--"

My Best friend, My Love [C O M P L E T E D]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon