CHAPTER 66

70 1 0
                                    

THIRD PERSON POINT OF VIEW

"FUCK! Ouch!! Shit!!"

"Aray! Mama!! Ahhhh!!"

Nahulog ang dalawa sa pangpang na may naglalakihang puno at mga patay na matutulis na kahoy, napapaligiran din ito ng mga nagraramihang damo at dahon ng nahuhulog sa mga puno.

Si Chloe lang dapat ang mahuhulog pero huli na dahil nahawakan nito ang kamay ng binata kaya napasama narin si Kyle sa paggulong. Masyadong mataas ang pangpang kaya't matagal din silang nagpagulong-gulong. Napangiwi na lang ang dalawa sa sakit na nararamdaman ng kanilang katawan dahil sa natamo nitong sugat at pasa sa braso at sa binti.

"Fuck this vacation!! Mapapatay talaga kita Jeanne― Fuck!!" sigaw ni Kyle na halatang galit na galit dahil sa nangyari.

Napasubsub na lamang siya sa damuhan. Hindi pa siya kaagad nakatayo dahil sa mga sugat na natamo niya mula sa kaniyang braso at sa kaniyang binti. Malutong siyang napamura at napapikit dahil sa sakit at galit.

Napahawak na lang siya sa ulo at sa braso nito na sumasakit dahil sa sugat na natamo nito at hapding nararamdaman. Dahan-dahang tumayo si Kyle, bahagyang nahilo ang binata kaya't nawalan siya ng balanse at napaupo ulit, isang malutong na mura na naman ang kumawala sa kaniyang bibig nang maramdaman nahihilo siya at parang lumilindol ang paningin niya. Pero pinilit niya paring makatayo at napamura ulit dahil sa mga nangyayaring hindi maganda sa kanya ngayon- Fuck! Si Chloe!

"Chloe― Chloe! Chloe! Where are you?! Chloe! Sumagot ka, Chloe!"

Doon mas naalarma ang kaba ng binata dahil walang sumagot na dalaga, tanging ihip ng hangin at mga huni ng ibon ang tanging naririnig niya. Nagsimula siyang lumakad para hanapin ang dalaga, kahit paika-ika pa siyang naglakad dahil may natamo siyang sugat sa kanyang magkabilang binti, pero nakakaya pa naman niyang maglakad kahit kumikirot, basta mahanap lamang niya ang dalaga.

"Chloe! Answer me!! Where are you?!! Chloe!! Fuck!!"

Napasabunit na lamang siya sa ulo dahil sa galit na may halong pag-aalala para sa dalaga, kailangan niyang makita si Chloe at baka may nangyaring masama sa kanya ngayon at ayaw niyang may mangyaring masama dito. Oo, galit parin siya sa dalaga pero hindi naman nito maiwasan na mag-alala.

Tanging mga matatayog na mga puno at patay na mga punong kahoy lang ang nakikita niya, may nakikita din siyang kabukiran na hindi kalayuan, hindi niya tuloy maaninag kung nasaan ang dalaga. Para siyang pulubi sa hitsura niya ngayon, nagkagutay-gutay ang suot niyang pantalon, at dahil nakasuot siya ng jacket, tanging ito lang ang nagusot at hindi ang damit niya.

Napalingon siya sa kaniyang bandang likuran nang may narinig siyang kaluskos. Napatingin siya sa kaniyang likuran at di kalayuan ay nakita niyang nakahandusay sa damuhan si Chloe. Nakadapa ang dalaga at nakasubsob ang mukha nito damuhan kaya't hindi niya makita ang mukha nito, but he's fucking sure that it's Chloe. Kaagad niyang nilapitan ng dalaga.

"Chloe, Chloe," hinawakan niya ang kamay ng dalaga. "Chloe, please gumising ka." inakay ni Kyle ang dalaga sa mga bisig niya. Hinawakan niya ang pisngi nito at marahan na tinapik.

Lumukob ang kaba at pag-alala ni Kyle kung anong nangyari kay Chloe baka mas malubha pa ang nangyari nito kesa sa kanya. May galos ang mukha nito at may kaunting dugo sa noo nito. Fuck!

"Chloe! please wake up."

Unti-unti namang minulat ng dalaga ang kanyang mga mata, bakas sa mukha ng dalaga ang sakit dahil sa natamo, may butil na luha na kumawala sa mga malamlam nitong mga mata, napakaputla narin ng labi nito.

My Best friend, My Love [C O M P L E T E D]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon