CHAPTER 52

142 2 0
                                    

CHLOE'S POINT OF VIEW

Nakaharap ako ngayon sa salamin habang nagsisipilyo, kakatapos ko lang maligo at pagkatapos nito ay matutulog nako. Di ko maiwasang mapangiti at kiligin habang inaalala ang mga nangyari kanina, parang kailan lang at pinangarap ko yun at napanaginipan ko yun tapos ngayon nagkatotoo na nga. Ang sarap lang sa pakiramdam, walang kumokontra samin ni Kyle, nagagawa namin lahat ang gusto namin. Humagikhik ako na parang tanga at nagmumog.

Pagkatapos ay tinuyo ko narin ang buhok ako gamit ang tuwalya at lumabas sa banyo, napatigil ako sa kinatatayuan ko nang makita ko si Kyle na prenteng nakaupo sa kama habang nakasandal ang likod niya sa headrest ng kama at nakaunan ang kamay niya sa ulo niya habang nakapikit ang mata niya. Anong ginagawa ng lalaking to dito? Dapat natutulog nato ngayon.

Naglakad ako papalapit sa kama at umupo sa paanan ng kama at mataman siyang pinagmasdan habang abala ang kamay ko sa pagtutuyo ng buhok ko. Napagod siguro to sa ginawa namin kanina -- alam mo yun, yung nagpicnic kami, yung naligo kami. Basta yun na yun!

Ang gwapo talaga ng lalaking to, kahit na nakapikit lang ang gwapo parin.

Nagulat pako nang bigla niyang minulat ang mata niya at nahuli niya akong nakatingin sa kaniya. Hindi nako nakaiwas kasi nahuli naman niya ako. Ano pang saysay nun.

"Hey,"

"Hi. Okay ka lang?" tanong ko sa kaniya. Tumango siya at ngumiti.

"Come here, stay beside me." hindi ako nagdalawang-isip at lumapit sa kaniya at tumabi sa kaniya. Hiniga niya ang ulo niya sa balikat ko at pansin ko ang pagbuntong-hininga niya. Hindi ako sigurado pero parang may problema siya.

"May problema ba Kyle? Pwede mong sabihin yan sakin, baka may maitulong ako." pinulupot niya lang ang braso sa bewang ko at siniksik ang ulo niya sa leeg ko. Kung hindi lang to problemado, iisipin kong nagpapabebe lang to at gustong magpalambing. "Kyle.."

"Just let me. Pagod lang talaga ako, and I have to recharge."

"So charger na pala ako ngayon?" sarkasmo kong tanong. Natawa siya nang mahina dahilan para tumindig ang balahibo ko dahil tumatama ang hininga niya sa balat ko. Ano ba to? Parang may mali sa nararamdaman ko. Hindi ko ma-explain.

"Yeah. I'm the phone, and you're my charger. I felt weak and empty without you, wife." mahina kong pinitik ang ilong niya. Napaka talaga ng lalaking to. Umuusbong na naman ang pagkacorny.

Pero kinilig ka! Aminin.

"Chumachansing ka lang eh, naghahanap ka pa ng alibi." mahina siyang natawa.

"Sort of, but I'm really tired wife." bumuntong-hininga ulit siya. "Just a minute and I'll be fine." hinayaan ko na lang. Inabot ko ang buhok niya at marahan iyung hinaplos. "Now, that's much better. Keep doing that wife." napangiti ako at pinagpatuloy ang paghaplos sa buhok niya. "Nag-enjoy ka ba kanina?" tanong niya. Ngumiti ako at tumango.

"Oo naman. Hanggang ngayon, feel ko parin ang saya. Salamat ah? Hindi ko yun mararanasan kung wala ka. Thank you hubby."

"Of course. That's my duty to make my wife happy, and I'm thankful na napasaya kita because that's my main reason why I took you here." hinalikan ko ang buhok niya at doon namalagi ang labi ko. Hindi ko alam kung nagpapaka-trying hard lang tong lalaki nato para kiligin ako, pero kinilig ako at ang saya ng puso ko. Thanks to him, nawala ang pag-aalala ko at problema ko.

Halos umabot ng kalahating oras at ganun parin ang posisyon namin. Inaantok narin ako pero hindi ko parin tinigil ang paghaplos sa buhok ni Kyle. Napatigil ako nang may sumagi sa isip ko.

My Best friend, My Love [C O M P L E T E D]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon