CHAPTER 24

127 12 0
                                    

CHLOE'S POINT OF VIEW

Uwian na naman, as usual kasama ko na naman si Kyle. Habang nasa loob kami ng kotse habang abala naman siya sa pagmamaneho, hindi parin maalis sa isip ko yung sinabi ni Lorraine.

Pakshet naman eh! Move-on na tayo dapat pero hindi ko alam, bumabalik parin sa isip ko yung sinabi niya kanina. Siguro nga, ang boring kong babae. Walang thrill sa buhay, kaya hindi niya ako magustuhan kasi ang boring ko. Ako ang pinakaboring na babae sa balat ng universe.

"Hey.. Ang seryoso mo ata?" sabat niya sakin, binalingan niya ako at takang tiningnan pero bumalik din anv tingin niya sa daan.

"Wala, ang panget kasi ng pagmumukha mo. Naaalibadbaran ako" pagsusungit ko sa kaniya. Tumawa lang ang tukmol.

"Wow! That's the best joke  I've heard in my entire life" sabi niya. Inirapan ko lang. Mas lalala ang inis ko sa bogok nato kung gagatungan ko pa.

Tinuon ko na lang ang attensiyon ko sa daan. Mas kakalma ang sistema ko pag sa labas ako nakatingin, baka magwala pato kung kay Kyle ako titingin.

"Seriously bans, are you really okay?" tanong na naman niya. Hindi ko siya nilingon. Ano bayan?! Tapos naman na ang dalaw ko ah! Ngayon pa ata umandar ang mood swing ko.

"Okay ako.. Okay!" rinig ko ang nakakainis niyang tawa. Nang-iinis talaga ang gagong to, kala mo naman kung sinong sincere. Tsk!

"By the way bans, have you talked to him? Ano, pumayag ba ang unggoy nayun na samama ako?"

Di ako nakatiis at nilingon siya at tiningnan siya nang masama. Ang sama talaga ng lalaking to, kung makatawag ng unggoy. Kala mo naman kung sinong gwapo. Well, gwapo naman. Pero kahit na! Gwapo naman si Harry ah! Napaka talaga ng lalaking to!

"May pangalan nga yung tao, wag mong tawaging unggoy" singhal ko sa kaniya. Tinawanan lang ako.

"Ohh, sorry about that. I prefer to call him monkey, it suits him better" gago talaga! "Ano na, nakausap mo na ba siya?"

"Oo! Nakausap ko na siya"

"And.. Pumayag ba siya, kung hindi, babangasan ko pagmumukha niya--"

"Kyle naman eh! Wag ka ngang magbiro"

"Who says I'm joking?" tiningnan niya ako ng seryoso. Seryoso siya?! Baliw din talaga tong lalaki nato. "I'm not bluffing Chloe, lalo na kung kasama ka sa bagay nayun" ayan na naman ang organ system ko. Nagwewelga na naman.

"E-ewan ko sayo, magmaneho ka na nga lang. Ang ingay mo, sarap mong itulak palabas" as usual, tinawanan na naman ako. Hindi talaga ako siniseryoso ng lalaking to.

"So, ano na? Pumayag ba"

"Oo, Pumayag siya. Pero--"

"Wait! Bakit may pero?!" napahilamos na lang ako. Di man lang ako pinatapos, nagrereact agad.

"Pwede ba?! Patapusin mo muna ako! Wag kang mag-react agad" ngumisi lang ang loko.

"Sorry then" tsk! Halata namang hindi seryoso sa pagso-sorry. Last na lang talaga ang makakalbo ko natong lalaki nato. "Please, continue"

"Okay! Pumayag siya na sasama ka, pero hanggang bantay lang ang gagawin mo--"

"Wait?!" heto na naman tayo!

"Ano na naman?!"

"Did I heard it wrong?"

"Na ano?!"

My Best friend, My Love [C O M P L E T E D]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon