CHAPTER 34

120 7 0
                                    

CHLOE'S POINT OF VIEW

Hindi ko maiwasang mapatingin kay Kyle habang kumakain. Ito naman kasing si Lorraine, panira ng appetite. Dahil sa tanong niya, nawala na tuloy ako ng gana.

Nanligaw na ba siya sayo?

Nanligaw na ba siya sayo?

Binalik ko ang tingin ko sa pagkain, kaso kahit anong gawin ko pumapasok parin ang pesteng tanong na'yun sa isip ko. Nawawalan na tuloy ako ng gana.

Napabuntong-hininga na lang ako, kahit ako rin naguguluhan. Hindi ko alam kung nililigawan ba niya ako, para din naman kasing napaka easy to get ko naman ata kung kami na agad, wala man nangyaring ligawan.

Na prangkahan tuloy ako ng babaeng yun kanina.

*FLASHBACK*

"Nanligaw na ba siya sayo?" tanong niya na ikinatahimik ko.

Doon lang sumagi sa isip ko ang salitang ligaw. Napatingin ako kay Lorraine na mukhang naghihintay sa sagot ko. Nililigawan nga ba ako ni Kyle? Eh, hindi naman niya ako tinanong after nung nagkaaminan kami.

"Ano? Nanligaw na ba siya?" dahan-dahan akong umiling.

"Ewan.. H-hindi ko alam." umakto pang na out balance siya habang nakatayo. Gulat niyang akong tiningnan.

"Ano?! Hindi mo alam?! Joke ba yan friend?" inirapan ko lang. Eh, hindi ko naman talaga alam.

"H-hindi nga.. H-hindi ko talaga alam." tiningnan niya ako na parang hindi siya makapaniwala sa sagot ko.

"Gusto ko talagang humagalpak sa tawa friend, but I can see it with your twinkle twinkle little eyes, na seryoso ka nga sa sagot mo."

"Kailan pa ba ako nagbibiro sa sagot ko, ha?"

Ayan na naman ang mapaghusga niyang tingin.

"Omg! Seryoso?! Hindi mo talaga alam? Like, hindi siya nagtanong sayo kung pwede ka bang ligawan, after the love confession under the rain with matching kiss?! Wala talaga?" umiling lang ako.

"Hindi ka naman nagtanong sa kaniya?" gulat parin yung mukha niya.

"Hindi. Nakakahiya kaya yun, ako pa ang unang magtatanong sa kaniya tungkol sa ligaw-ligaw na'yan." napahawak na lang si Lorraine sa ulo niya na parang nahihilo siya.

"Oh my gosh! I still can't believe it friend. Ano yun?! Nagkaaminan lang kayong dalawa, with 'I love you' tapos nagkatukaan na kayo sa isa't-isa, kayo na?! Wala man lang nangyaring ligawan?" napasimangot na lang ako. May point din naman siya. "Naku, baka isipan pa ni Kyle na easy to get ka lang frenny, hindi pwede yan. Hanep din naman tong si Kyle."

"Grabe ka naman Raine, hindi naman ako easy to get."

"Hindi naman sa ganun, pero parang yun na rin yun eh. Talagang lalabas na easy to get ka frenny, para magkaalaman na, tanungin mo siya kung nanliligaw ba siya sayo o hindi. Mahirap yang walang kasiguraduhan, mutual feelings nga kayo, pero walang label? Para naman kasing hindi counted yung pareha kayo ng feelings, it means kayo na. Mahirap yan frenny. So,  kung ako sayo tanungin mo siya."

*END OF FLASHBACK*

At dahil sa pinagsasabi ng babaeng yun sakin, para nakong ewan ngayon. Okay na sana eh, panira talaga ng araw ang bruhang yun.

My Best friend, My Love [C O M P L E T E D]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon