CHLOE'S POINT OF VIEW
"Kami na ni Tricia... Sinagot na niya ako" ngiting balita niya sakin, abot tenga ang ngiti niya habang sinasabi ang mga katagang yun sa akin. S-sila na?!
"H-ha?"
"We're officially couple bans"
Unti-unting nawala ang kaba sa katawan ko. Yung mga organ system nagulat din ata kagaya ng may-ari nagulat din. Para silang nadisapppint at bumalik sa dati nilang posisyon. Yung kamay at binti ko, hindi na nanginginig, tumitigas na. Yung pawis ko, bumalik ata sa kung saan man sila galing.
"K-kayo na..?" tumango lang siya at bigla niya akong niyakap.
Bakit ganito?! Parang may bandang masakit, dito sa dibdib ko?! Bakit ano na bang nangyayari sakin?! Dapat masaya ako kasi nakikita ko naman na masaya ang kaibigan ko. Pero bakit hindi ko kaya. At bakit... M A S A K I T sa dibdib?!!!
Humiwalay kami sa yakap namin. Kitang-kita ko parin ang saya sa mukha niya. Pero bakit ganun?! Hindi ko kayang maging masaya para sa kaniya.
Inlababo ka kasi, ganun yun!
"A-ang b-bilis naman a-ata, bans" pilit na ngiti àng ibinigay ko sa kanya.
"Even me, I was surprised. But she told me bakit pa namin patatagalin to kung sa huli ay sasagutin din naman niya ako.. And I think she's right"
Pakshet naman oh! Bakit ganito ako?! Bakit nasasaktan ako nang malaman ko na sila na?! Bakit ganito ako makareact?! Bakit hindi ko magawang suportahan siya?! Bakit di ko kayang sumaya para sa kanya?! Bakit ang sakit tanggapin na may iba na siya?! OA ko naman ata, wala namang kami. Iba na talaga to eh! Alien na ata ako.
"B-bans. Why are you crying?" biglang tanong niya, bumalik ata ako sa huwisyo. Hinawakan ko ang kanang pisngi ko, umiyak ako?! Bakit di ko naramdaman. Agad ko itong pinunasan. Hindi ko na talaga alam kung ano nang nagyayari sakin, hindi naman ako ganito ah?!
"A-are you okay?" alalang tanong niya at hinawakan ang magkabilang balikat ko. At ayan na naman ang kakaibang epekto niya sa katawan ko,
"W-wala to. T-tears of j-joy lang to" tawang sabi ko. Dapak! Bakit feeling ko may lalabas na naman na luha sa mata ko. "C-congrats bans, cr muna ako.. Natatae ako eh" hindi ko na siya hinintay na magsalita pa dahil kumaripas na ako ng takbo, at hindi ako nag nagkamali nagsilabasan ang mga luha na gustong kumawala kanina, ayokong makita niya akong umiiyak sa harapan niya.
Ba't ganito ako makareact. Iba na talaga to eh, Oo gusto ko siya pero sinusuportaha ko naman ang panliligaw niya sa babaeng nagugustuhan niya, eh wala naman akong magagawa kasi tagasuporta lang naman talaga ako sa kaniya, yun naman ang papel ko sa kaniya.. Pero ewan ko ba at pagdating kay Tricia, iba to eh.
Pagkapasok ko pa lang sa girls room ay mas doon lumabas ang lahat ng hinanakit na nararamdaman ko ngayon. Lumapit ako sa lababo at humawak doon. Napatingin na lang ako sa salamin at pinagmamasdan ang sariling repleksiyon habang umiiyak.
"OA Chloe ha, may natatae ka pang nalalaman diyan. Gaga ka talagang babae ka.. B-bat ka umiiyak diyan, feeling mo naman ang ganda-ganda mo pag umiiyak ka, assumera ka kasing palaka ka.. Tigil-tigilan mo yang kahibangan mo.. Nakakabaliw yan"
Agad kong pinunasan ang luha ko at parang tangang tumatawa habang naghihilamos.
Kahit sarili ko hindi ko na makilala kung sino, hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ako nagkakaganito, napansin ko na nagsimula to nang malaman ko na nililigawan ni Kyle si Tricia. Pero mas ako hindi ko alam kung bakit ganito ako kung makareact sa kanilang dalawa. Nakakalito to, plamis. Crush ko lang naman ang panget nayun! Pero bat ang OA ko naman ata magreact.
BINABASA MO ANG
My Best friend, My Love [C O M P L E T E D]
Novela JuvenilB E W A R E❗❗❗ Ginawa ko tong story nato way back 2016 kaya expect na may kajejehan, errors at mga grammars na wala sa lugar hahahaha.. If this isn't not your type of story to read, then, feel free to leave without judging my work. I'm still learni...