CHAPTER 45

110 10 0
                                    

A/N: Heto pa po 😁💞 Happy reading 💞 magsosorry na agad ako pag hindi niyo nagustuhan tong part nato. Expect ko na yun 😂💞 Kahit ako nga din eh 😁





CHLOE'S POINT OF VIEW

Pagkatapos naming kumain ni Steve, hinatid na niya ako pauwi sakin. Ayoko pa sana kasi gusto ko pang bantayan si Kyle at hintayin siyang magising kaso naalala ko ang sinabi sakin ni Tita Anne. Ayokong sundin ang sinabi niya dahil hindi ko talaga kaya ang pinapagawa niya sakin, ang lumayo kay Kyle.

Pero naiintindihan ko siya at nirerespito ko yun, pero hindi ibig sabihin nun ay lalayuan ko na si Kyle. Alam kong mapapatawad din ako ni Tita Anne at umaasa ako na sana bigyan niya pa ako ng isang pagkakataon na masilayan ko si Kyle.

Bago pa ako hinatid ni Steve pauwi. Lumabas muna kami saglit, pumunta kami sa park na palagi kong pinupuntahan. Wala lang, pampalamig ng ulo dahil parati natong sumasakit to dahil sa tambak-tambak na problema at pampakalma ng sistema. Hindi naman ako nakaramdam ng bagot dahil nandiyan naman si Steve para pangitiin ako kapag malungkot ako. Clown ata ang lalaking to at ang galing magbiro at talagang matatawa ka. Laking pasasalamat ko dahil nandiyan siya sa tabi ko, medyo naibsan ang lungkot na nararamdaman ko at pangungulila ko kay Kyle. Thanks to him.

"Salamat sa paghatid si Steve. Salamat din sa kanina, nag-enjoy ako." ngumiti siya.

"I'm glad to know that I made you happy. Halos natuyo na nga tong utak kakaisip ng joke. But, I'm happy na napatawa kita, though ang lame ng mga jokes ko." sabi niya at natawa sabay kamot sa ulo. Natawa ako.

"Hindi naman, havey na havey nga eh."

"What's havey na havey?" inosenteng tanong niya at may accent pa habang nakakunot pa ang noo. Natawa ako dahil sa reaksiyon ng mukha niya, ang inosente niya. Hindi niya alam ang salitang yun. Ang cute.

"Wala.. Ano, ekspresiyon yun ng mga bakla pag havey o nakakatawa yung jokes na binabato ng isang tao. Ganun." napatango naman siya na parang may bago na naman siyang nalalaman at natawa. "Gusto mong pumasok?" sabi ko sa kaniya.

"Yeah. Sure, why not?" ngiting sagot niya.

Naunan akong pumasok sa loob bago siya. Sumalubong samin si mama na kakagaling sa kusina.

"Oh, Steve hijo? Good to see you again?" bati ni mama at lumapit samin.

"Good afternoon po Tita." bati niya at humalik sa pisngi ni mama. "Hinatid ko lang po si Chloe pauwi."

"Thank you hijo. Are you hungry? Tamang-tama nagluto kami ng carbonara. Let's eat?" yaya ni mama. Tumingin si Steve sakin na parang nanghihingi pa ng permiso. Mahina akong natawa at tumango sa kaniya. Para siyang bata kung makahingi ng permiso sakin. Ang saya lang niyang tingnan.

Pumunta kaming tatlo sa dining room, nakita namin sila manang at mga ate na naghahanda ng pinggan. Pinaghain nila kami. Pinauna naming pinakain si Steve kung ano ang magiging reaksiyon niya sa carbonara na ginawa nila mama at manang. Specialty ni mama ang carbonara at paborito ko din yan.

"So, how's it?" ngiting tanong ni mama habang hinihintay ang sagot ni Steve.

Ngumiti si Steve at nag thumbs up kay mama. "This is the best carbonara I have ever tasted in my entire life." sabi nito.

"And that's the best compliment that I received in my entire life." panggagaya ni mama sa sinabi ni Steve. Nagkatinginan kaming tatlo at sabay na natawa.

My Best friend, My Love [C O M P L E T E D]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon