CHLOE'S POINT OF VIEW
Nakamukmuk lang ako dito sa kama, maaga akong nagising, maaga lang talaga akong nagising pero ayaw gumalaw ng katawan ko, comatose na ata ako. Halos di na nga ako makatulog, pumapasok parin sa isip ko ang mga sinabi sakin ni Tita Anne, ang mga masasakita na salita na dahilan para mas sumikip patong dibdib ko. Namamaga patong mga mata ko dahil sa kakaiyak ko, hanggang sa naabutan ako ng madaling araw sa kakaiyak. Wala na talaga akong tulog nun. Para na'kong zombie apocalypse sa hitsurw ko ngayon.
Tapos si Kyle, ang paglipat niya. Mas lalong dumagdag payun sa isipan ko. Hindi ko man lang natanong kay Tita kung san lumipat si Kyle. Pero kahit na, hindi din naman sasabihin sakin ni Tita Anne kung nasan ngayon si Kyle. Okay lang kaya siya ngayon? Wala kayang nangyaring masama sa kaniya habang mag-isa siya? Nag-aalala tuloy ako sa kaniya. May kasama kaya siya?
Napasimangot na lang ako habang iniisip yun. Pano nga kung may kasama siya ngayon tapos mahilig pa naman ang lalaking yun na pumupunta sa bar. Pano kung may kasama ng ibang babae yun? Ganiyan naman ang mga lalaki pag galit, dinadaan sa alak tapos -- hindi naman siguro. Matino si Kyle, alam kong hindi siya gagawa ng kagaguhan sa buhay niya.
Napalingon ako sa pinto ng kwarto ko nang may kumatok. Kahit ayokong bumangon kasi tinatamad ang mga organ system ko sa katawan, pero pinilit ko parin. Nadatnan ko si mama na may dalang food tray. Ngumiti siya nang makita ako. Pino lang akong ngumiti kay mama.
"Good morning po, my."
"Morning din," ngiting bati niya sakin.
Niluwagan ko ang pagbukas ng pinto at pumasok si mama sa loob. Nilapag niya ang food tray sa bed side table at umupo sa gilid ng kama at tiningnan ako. Ngumiti siya then ini-stretch niya ang braso niya, umusog ako papalapit sa kaniya at yumakap sa kaniya. Medyo kailangan ko to ngayon.
"How's my Ting right now?" tanong niya habang hinihimas ang buhok ko na parang pinapatulog lang.
"Kung sasabihin ko po na okay na po ko? Maniniwala po kayo?"
"Hindi."
"Then, hindi po po ako okay." malungkot akong ngumiti. "Iniisip ko parin siya, my. Kamusta na kaya siya ngayon? Sabi kasi ni Tita Anne, lumipat na daw siya, hindi ko naman alam kung san siya lumipat. Baliw na po ata ako, my. Inisiip ko pa kung may kasama kaya siya ngayon?" humiwalay ako kay mama.
Bahagya niyang pinisil ang pisngi ko.
"Hindi yan kabaliwan, Ting. Nagmamahal ka lang. Its normal." malungkot akong ngumiti at pinagmasdan si mama.
"Kayo po ba my, pano niyo po nasabi na si papa na po talaga ang nakalaan para sa inyo?" bigla lang pumasok sa isipan ko ang story nila mama at papa.
Hindi din naman ako nagkusang magtanong tungkol sa love story, kaya wala akong ni katiting na knowledge kung paano sila nagkakilala.
Umayos siya ng upo.
"Well, I can say that he's the one for me because that what my heart said so. Though napakasuplado at masungit yan minsan, pero hindi parin nawawala ang pagmamahal ko sa papa mo. I love your father, very much. Despite of his imperfections, yang ugali niya, tanggap ko parin siya." mahina pang natawa si mama na parang may naalala siya.
"If you didn't know, your father is a cheesy. Hindi lang talaga halata dahil napakasungit nun," napangiti ako at mahinang natawa. "He's not showy, but he's really sweet in the inside, especially when it comes to our anniversary and even monthsary. I felt like teenager that time and he feels me like I'm the most beautiful woman in the world." sabi ni mama habang nakangiti.
BINABASA MO ANG
My Best friend, My Love [C O M P L E T E D]
Novela JuvenilB E W A R E❗❗❗ Ginawa ko tong story nato way back 2016 kaya expect na may kajejehan, errors at mga grammars na wala sa lugar hahahaha.. If this isn't not your type of story to read, then, feel free to leave without judging my work. I'm still learni...