CHAPTER 20

158 10 0
                                    

THIRD PERSON POINT OF VIEW

NAPATAKIP na lang sa tenga si Chloe dahil sa nakaririnding tawa na nanggagaling sa kasama niyang walang patid na inaasar siya. Walang iba kundi si Kyle, ito lang naman ang malakas mang-asar sa kaniya.

"Mawalan ka sana ng hininga!" singhal niya sa binata na hindi parin tumitigil sa pagtawa habang naglalakad sila sa hallway ng school. "Tatadyakan na talaga kita Kyle, pag di ka pa tumigil diyan. Naiinis nako sayo!"

"Ang ganda mo bans" sabi ni Kyle at sinamahan pa ng pamatay na kindat nito na agad naman na kinagat ng dalaga kaya hindi nito maiwasang kiligin. Taena ka Kyle! Ba't ganyan ka?! Kaya hindi ako maka move-on eh!

"Alam ko na yun, matagal na" with confidence  na sabi niya sabay flip ng buhok.

"Kamukha mo nga yung unggoy, sa evolution ni Charles Darwin" tukso nito ulit sabay pisil sa pisngi nito.

Lahat ata ng dugo ay pumunta sa mukha ni Chloe dahil sa inis. Okay na sana ang sinabi ni Kyle kanina at nadagdagan ang confidence niya sa sarili niya. Peste talaga ng lalaking to!

"Gago ka Kyle!" at pinagpapalo niya ito gamit ang shoulder bag niya. "Napaka mo talaga!"

"Napaka.. Gwapo ko, tsk! Alam ko nayun bans. No need to tell me" pagyayabang nito habang hinihimas pa ang baba nito at binigyan siya ng ngisi.

Pasalamat siya gwapo siya!

"Yabang.. Alam mo bans, matagal ko natong napapansin eh" napakunot-noo naman ang binata na nakangiting tumingin sa kaniya.

"Ano..?"

"Na mahilig kang mang-asar ng babae. Tapos pagdating nila Ken, ang sweet-sweet mo. Nakapagtataka" sabi niya habang nakataas pa ang kilay.

Unti-unting nawala ang tawa ni Kyle at napalitan ng pagtataka. "Ookay, what do you mean?" natatawang tanong nito na nakakunot pa ang noo.

"Bakla ka no?!"

Gustong tumawa nang malakas ni Chloe, natatawa siya sa reaksiyon ng binata. Inaasar lang naman niya ito, gumanti lang siya sa pang-aasar nito.

"Me?! Bakla! What the fuck! I'm not a fucking gay" depensa ng binata.

Tumawa nang pagkalakas-lakas si Chloe habang nakahawak sa tiyan nito. Hindi niya mapigilan ang sarili na matawa sa reaksiyon ng binata. Para itong nandidiri na hindi mo malaman.

"Alam mo bans, tanggap ko naman ang totoong ikaw eh" sabi niya at inakbayan ang binata na parang hindi maipinta ang mukha dahil sa iritasyon. Buti nga sa kaniya!

"I'm not gay!"

"Talaga! Hindi ka bakla, pero lakas maka defensive" tukso niya rito. "Amin na kasi bans, susuportahan naman kita eh. Love ko pa naman ang mga beki" tumigil sa paglalakad si Chloe at hinarap si Kyle at kinindatan ito.

Unti-unting nawala ang ngisi ni Chloe nang napalitan ng isang nakakalokong ngiti ang mukha ni Kyle. Mukhang hindi ata tumalab ang panunukso niya rito.

"You know what bans" sabi nito at naglakad papalapit sa kaniya, hanggang sa isang dangkal na lang ang pagitan ng dalawa. Nagulat naman si Chloe sa ginawa ni Kyle.

"A-anong.. L-lumayo ka nga, n-naduduling ako sayo eh!" napapikit ang dalaga nang gumalaw ang binata palapit sa kaniya. Pakshet! Naaamoy ko na ang mabango niyang hininga. Fishtey!

"Kung gustong mo ng halik galing sakin, sana sinabi mo ng diretso" halos lumuwa ang mata ng dalaga sa sinabi ni Kyle. Ano daw?!

"Hindi yung naghahanap ka pa ng alibi, okay" sabi ni Kyle at kinindatan na naman siya. "Galawang babae nga naman" ngising sabi nito habang umiiling pa sabay tingin sa labi niya at mahinang natawa at iniwan ang dalagang tulala.

My Best friend, My Love [C O M P L E T E D]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon