CHAPTER 10

219 13 0
                                    

THIRD PERSON POINT OF VIEW

Parang wala sa sarili si Chloe habang nakatunganga sa kisame ng kwadradong silid habang nakanganga ang bibig nito.

"Hoy friend" pukaw ni Lorraine sa kaibigan.

Hindi niya parin makalimutan ang tanong  ni Kyle kanina habang nasa loob pa sila ng kotse nito. Alam niyang nagbibiro lang ang binata pero ito namang puso niya sineryoso ata ang tanong nito.

"Friend.."

Bakit  ngayon lang niya ako tinanong kung kailan magmomove-on nako sa kaniya?! Wrong timing din tong si Kyle kahit kailan eh!

"Friend, gising"

Mukhang naiirita na si Lorraine dahil sa kinikilos ng kaibigan.. Malakas niyang pinitik ang noo nito na nagpagising naman sa dalaga.

"Aray naman Raine! Masakit" reklamo nito habang panay ang himas ng noo nito na pinitik ng maganda niyang kaibigan.

"Para ka kasing baliw na nakatitig sa kisame, na parang may nagsesex na butiki" sermon nito sa kaniya, inikutan lang niya ng mata ang kaibigan habang abala ito sa paglalagay ng foundation sa mukha.

"Di pwedeng matulala saglit" sarkasmong tanong niya sa kaibigan. "May iniisip lang yung tao"

"Kumain na lang tayo friend, gutom lang yan" pagkatapos nito ay binalik ulit ang make-up kit sa bag nito. Sanay na siya sa tagpong ito, hindi talaga mabubuhay si Lorraine kung walang make-up. "Let's go frenny"

Kahit ayaw niyang tumayo ay nagpaubaya na lang siya sa kaibigan at tumayo patungong cafeteria. Pagkarating nila ay hindi naman gaano kadami ang tao kaya madali silang naka order ng pagkain. Walang sabi-sabing agad nila itong nilantakan.

"By the way, I have a juicy news for you friend" sabat ni Lorraine habang walang patid na kumakain ng fries.

"Ano naman yun?"

"Did you know na wala na si Tricia sa campus" napatigil siya sa pagkain dahil sa kaniyang nalaman. Tiningnan niya ang kaibigan na naka kunot-noo.

"Wala.. Panong wala na?" takang tanong niya. Pano naman kaya nangyaring wala na si Tricia dito sa campus.

"Well, you just can't believe it friend. Did you know she's pregnant daw" unti-unting nawala ang kunot sa noo niya at napalitan ng gulat. "But hindi ko alam kung sino yung father ng baby niya" bigla na lang lumaki ang mga mata nito. "Oh my gosh! Di kaya.. Si Kyle yung daddy ng baby niya"

Nabulunan naman ng bonggang-bonggsa si Chloe. Buti na lang nakabili siya ng mineral water, na agad naman niyang ininom. Inalayan naman siya ng kaibigan at hinihimas ang likod nito.

"Oh my gosh! Frenny are you okay?" alalang tanong nito.

"Yang bibig mo kasi, walang preno" singhal niya sa kaibigan. Huminga muna siya nang malalim at tiningnan ang kaibigan. "Alam kong hindi si Kyle ang ama ng dinadala niya. Kung si Kyle pa yun, ba't niya hiniwalayan ang kaibigan ko" nagulat naman si Lorraine sa sinabi niya pero may bahid na ngiti.

"Oh my! Really, wala na sila. So may chance ka na sa boy bestfriend mo" tili nito. "May chance ka na friend"

"Gaga! Kahit wala na sila, wala paring magbabago" bumuntong hininga ako habang inaalala ang sinabi ni Kyle sa pagtulog niya. "Mahal niya parin yung tao"

"Wag ka ngang nega diyan. Alam kong mawawala din yan, tiwala lang" bungisngis nito at nag thumbs pa. "Samahan mo na rin ng dasal para effective" natawa na lang ako at napailing. Wala talagang maitutulong tong isa nato.

My Best friend, My Love [C O M P L E T E D]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon