Let's start your day reading my story while listening to TFTI songs 'Weak' ❤ .
Sorry and advance sa mga error at grammars..
CHLOE'S POINT OF VIEW
*KRINGGGGGGG KRINGGGGGG*
*KRINGGGGGGG KRINGGGGGG*
Tsk! Kahit kailan talaga panira ang alarm clock kahit kailan!!!!!!
Sino ba kasing nag-imbento niyan, wala atang magawa sa buhay kaya pati ang mahimbing na pagtulog ng isang tao ay dinidistorbo niya!!!
Okay Chloe! Walang magagawa yang galit mo sa alarm clock nayan kaya bangon ka na diyan!
Padabog akong bumangon sa kama at uminat then pinatay ko na ang pesteng alarm clock na palaging iniistorbo ang pagtulog ko!!!
Sayang! Napanaginipan ko pa naman si Chris Evans!!! Fudge ang gwapo niya talaga!!! Kainis ah!!
Kinuha ko na ang tuwalya ko at pumunta na kaagad sa banyo para gawin ang morning ritual ko..
After 10 decades...
Natapos narin ako..bumaba na ako para kumain— at ano naman ang ginagawa ng tukmol na to dito?!
"Wag mong sabihing makikikain ka na naman dito?!" Singhal ko sa kanya habang naka pameywang sa kanya at nakataas pa ang kilay. Ayun naka dekwatro lang siya habang nakangising nakatingin sakin, nakabihis narin siya patungong school.
Iniinsulto talaga ako ng tukmol na'to!
He's Kyle Alvarez, my best friend since birth at kaibigan din ng family niya ang family ko kaya mas lalong naging close kami tsaka kaharap lang namin yung bahay nila.. And actually crush ko tong tukmol nato.. Hindi ko nga rin alam kung bakit, baka nga ginayuma ako ng lokong to.
"Grabe naman to kung maka bati ng good morning, ang suplada masyado! Wag kang ganyan bans, tatanda ka ng maaga.. Tatanda ka pang dalaga, by the way good morning bans" sabi niya habang nakangisi na halatang pinapainis ang araw ko.
Well! He win!! Dahil napainis niya ako!!!
"Walang good sa morning dahil mukha mo ang unang nakita ko at ngayon pa lang nasira na ang umaga ko" inis ko sa kanya. Sumalubong naman si mama samin...
"Oh! Ting bumaba ka na pala, himala ah! di mo nako pinapasok sa kwarto mo para gisingin ka" sabi ni mama habang hinahanda ang breakfast sa mesa.
"Syempre Tita, alam niya kasi na darating ako kaya pinaaga niya ang paggising niya.. right bans" sagot niya then tumingin sakin tapos kumindat...tusukin ko kayang mata nito!
Hinagis ko ang throw pillow sa kanya..tumawa lang ang tukmol then lumapit sa dining table then inamoy ang luto ni mama.
"Hmmm! Ang bango naman Tita! Looks delicious" sabi pa niya, niluto kasi ni mommy is bacon, sunny side up, hotdog and friend rice.
"Of course! Favorite yan ni Chloe and ikaw din, right?!" ngiti na may kasamang tango ang sagot ni Kyle.
"Kumain na kayong dalawa diyan, then sabay na kayong umalis papuntang school.. May pupuntahan lang ako, si manang Cel na muna ang bahala sa inyo okay"
"Yes my, bye" then hinalikan na muna ako ni mama sa pisngi.. Si Kyle narin then umalis na si mama kaya kami na lang ni Kyle ang naiwan sa dinning table, umupo kaagad siya then nilantakan agad ang pagkain.
"Uy! Baka matunaw ako kakatitig mo diyan ah... Alam kong gwapo ako bans" then kumindat na naman! yabang talaga ng tukmol nato kahit kailan, kala naman niya gwapo siya— Oo na! Gwapo na siya!!
BINABASA MO ANG
My Best friend, My Love [C O M P L E T E D]
Teen FictionB E W A R E❗❗❗ Ginawa ko tong story nato way back 2016 kaya expect na may kajejehan, errors at mga grammars na wala sa lugar hahahaha.. If this isn't not your type of story to read, then, feel free to leave without judging my work. I'm still learni...