CHAPTER 85

65 1 0
                                    

CHLOE'S POINT OF VIEW

5pm pa lang ng umaga ay umalis nako papuntang Tuba, Benguet, para maaga akong makarating lalo na at medyo mahaba-haba pa ang biyahe. I  use dad's car since dalawa naman ang kotse niya.

Agad kong binuksan ang bintana ng kotse habang nasa daan at abalang nagmamaneho. Napangiti na lang ako habang ninanamnam ang masarap na simoy ng hangin kahit na medyo malamig pa.

I can't help but to smile, miss na miss ko na silang lahat dun. Sila Nanay Pasing tapos si Yna. I really miss that kid. Mukhang paglilihian ko ang makulit n batang yun.

Agad kong kinuha ang phone ko nang biglang tumunog ito. Si Steve.

"Hello, Steve?"

(Hey, why didn't you told me na aalis ka pala nang napakaaga?)

He sounded like nag-aalala siya. Ang sweet talaga ng lalaking to.

"Kasi sasama ka?" tanong ko habang nasa daan ang attensiyon ko.

(Of course―)

"Kaya hindi na kita sinabihan because I know na sasama ka, and I was right. Sasama ka nga."

Rinig ko ang pagbuntong-hininga niya.

(Of course, baka anong mangyari sayo diyan lalo na't it will take long hours papuntang Tuba, Benguet)

Mahina na lang akong natawa. Para siyang si mama kung pagsabihan ako.

"Steve, calm down lang, okay? Kaya ko ang sarili ko, hindi na ako bata. Magiging ina na nga ako, diba? Kaya ko na ang sarili ko."

(What if may mangyari sayo diyan?)

"Tsk! Nagiging nega ka na ata ngayon, ah?" natatawang tanong ko. "Ano ka ba? Wag ka ngang ganiyan, nakakabad-vibes ang pagiging negative. Kaya ko na to, at walangangyayari sa akin. Tsaka gusto kong mapag-isa kahit ngayon lang."

(Fine. Just call me if there's strange happen, okay?)

"Noted, papa." tawang sabi ko. Narinig ko ring natawa siya, at pinatay na ang tawag.

Liliko na sana ako nang may napansin akong kotse na parang sinusundan ako. Napakunot-noo na lang ako dahil panay ang sunod niya sa direksiyon ko. Kakanan ako, kakanan din siya.. Kakaliwa ako, kakaliwa din siya.

Biglang tumahip ang dibdib ko, bumilis ang tibok ng dibdib ko. Wala sa oras na napahawak ako sa tiyan ko. No! Hindi, mali ang iniisip mo Chloe!

Dumaan ang tatlong oras ay nakasunod parin ang sasakyan. Hanggang sa nakarating na ako sa lugar nila Nanay Pasing ay agad akong lumabas at kinuha ang mga pasalubong na pinamili ko, salamat sa diyos at may bukas nang grocery store na ganun kaagad at nakapamili ako.. Huminto muna ako at tiningnan kung nandoon pa ba ang sasakyan na sumusunod sakin.

Nakahinga ako nang maluwag nang hindi ko na nakita ang sasakyan. Thank God, nawala kaagad ang kaba ko, baka kung ano nayun.

Naglakad ako patungong bahay nila. Huminto ako nang nakarating na ako sa kanila, may nadatnan akong babae na nagwawalis sa labas. Nilapitan ko ito, napansin niya ata na papalapit ako sa kaniya kaya ngumiti ako sa kaniya.

"Hi, good morning. Nandiyan ba si Nanay Pasing?" tumingin naman sakin ang babae at ngumiti. I think kaedad ko lang ata to.

Tumigil siya sa pagwawalis. "Nasa loob po sila." ngiting sagot nung babae. "Sino po ba sila?"

"Oh, I'm Chloe by the way."

"Lyn po.. Pasok po kayo."

Sabay kaming pumasok sa loob.

My Best friend, My Love [C O M P L E T E D]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon