THIRD PERSON POINT OF VIEW
Panay ang hikbi ni Chloe habang pilit siyang kinakaladkad ng ama papasok sa bahay nito. Pilit siyang nagpupumiglas sa kamay nitong nakahawak sa kaniyang braso.
"P-pa.. N-nasasaktan po a-ako.. B-bitawan n-niyo po a-ako.." pero mukhang walang narinig ang kaniyang ama, bagkus ay mas hinigpitan pa nito ang paghawak sa kaniyang braso dahilan para mapaaray siya sa sakit.
"P-pabayaan n-niyo na po k-kami ni K-kyle, p-pa.." nagpatuloy lang ito sa paglalakad.
Nang makapasok na sila sa loob ay agad na sumalubong ang kaniyang ina habang may nakaguhit ang pag-alala sa mukha nito. Nandoon din ang mga katulong nila, napatingin na lang siya sa kaniyang ate Banje na umiiyak habang inaalo nito nina Manang Cel at Beth.
"Ting.. D-dan? What's going on? Bakit umiiyak ang anak ko-- Dan!"
Hindi natuloy ng kaniyang ina ang sasabihin nang bigla na lang dumapo ang likod ng kamay ng ama sa pisngi niya. Halos matumba siya sa lakas ng pagkakasampal ng kaniyang ama sa kaniya.
"Di ka ba talaga makikinig sakin! I told you na lubayan mo na ang lalaking yun! A simple fucking instruction, di mo pa magawa?!"
Sunod-sunod na umagos ang kaniyang mga luha sa mata nito. Naramdaman niya na lang ang bisig ng kaniyang ina na yumakap sa kaniya.
"Wala kang karapatan na saktan ang anak ko!" galit na singhal ng kaniyang ina sa papa niya. "Ano ba tong ginagawa mo Dan?! Hindi nako natutuwa sayo!?"
"May karapatan akong saktan ang anak ko! Namimihasa na yan, eh! Kailangang turuan ng leksyon para magtanda!" galit na sabi ng kaniyang ama.
Tumingin siya sa kaniyang ama na nakatagis ang bagang at galit na galit ang mga mata nito.
"D-di niyo k-kasi ako n-naiintindihan pa! M-mahal na m-mahal ko si K-kyle! S-siya lang a-ang p-pakakasalan ko! P-please pa, k-kahit ngayon m-man lang po.. S-sundin niyo naman po a-ako." mapakla na tumawa ang kaniyang ama.
"At bakit naman kita susundin?! Naging masunurin ka din ba sakin?! Diba hindi?! So why would I follow you, kung ikaw mismo hindi sumusunod sa sinasabi ko!"
"Dan! Stop it! Hindi nako natutuwa sa mga ginagawa mo!" saway ng asawa.
"And you think natutuwa ako, Malou?!" galit na tiningnan ni Dan ang asawa. "I'm not fucking happy!" bumalik ang tingin nito sa kaniya. "I told you.. If you'll be a good daughter to me, magagawa mo na ang gusto mo, you can do anything you want. And now? Naging mabuting anak ka ba?!" binuntutan pa ito ng isang tawa. "I don't think so.. You're just a big disappoint to me."
Akmang aalis na ang kaniyang ama at naglakad sa hagdan nang lumingon ito sa katulong na si Banje.
"Palalagpasin ko ang pangungunsenti mo sa anak ko. Pero kapag naulit pa to.. Hindi nako magdadalawang isip na tanggalin ka sa trabaho." sabi nito sa katulong at umalis.
Hinawakan siya ng kaniyang ina at pinaupo sa couch. Doon niya binuhos ang mga hinanakit niya.
Wala na atang mas sasakit sa mga salitang binitawan ng ama sa kaniya. Bilang anak, masakit marinig ang isang napakasakit na sakita lalo na kung galing iyun mismo sa sariling ama. Sinusunod naman niya ang inuutos nito sa kaniya, maliban na lang sa paglipat ng kurso.
Pero pinakita niya sa ama na tama ang desisyon niya na wag lumipat, she's a consistent honor student at, di lang halata pero oo. Pero kahit na, hindi parin iyun dahilan para matuwa ang papa niya at tigilan na siya nito. Bilang anak, masakit iyun sa parte niya, ginawa naman niya ang lahat ng makakaya niya pero mukhang hindi pa ito sapat, o talagang walang pakialam ang kaniyang ama sa kaniya He never love me as a daughter. Di niya ako mahal!
BINABASA MO ANG
My Best friend, My Love [C O M P L E T E D]
Teen FictionB E W A R E❗❗❗ Ginawa ko tong story nato way back 2016 kaya expect na may kajejehan, errors at mga grammars na wala sa lugar hahahaha.. If this isn't not your type of story to read, then, feel free to leave without judging my work. I'm still learni...