CHAPTER 91

106 3 1
                                    

CHLOE'S POINT OF VIEW

Para kaming kuting ni Kyle habang nakayuko, at nasa harapan namin sina mama at papa. Si papa, panay ang sermon samin lalong-lalo na sakin. Minsan pa nga napapapikit pako sa tuwing tumataas ang boses niya. Nakakatakot talaga siya.

"Alam mo bang haalos mamatay kami nang makita ka naming tumalon papalabas sa kotse!sermon ni papa sakin habang nakaupo sa couch at salubong ang kilay at parang bulkang malapit sumabog sa galit. " Gusto mo bang mapahamak ang apo namin?! Makita lang ang lalaking to!" aniya at dinuro si Kyle.

"Tito it's not her fault--" 

"Wag kang sumabat!"galit na asik ni papa. "Hindi kita kinakausap!" bumalik ang tingin niya sakin. "Nakalimutan mo na ba ang ginawa ng walangyang gagong lalaking sayo, ha! Chloe?! At talagang binuwis mo pa buhay mo at pati buhay ng anak mo, makita lang ang lalaking to! Wala ka na bang natitirang awa para diyan sa sarili mo? Ha!" napapikit ulit ako nang biglang tumaas ang boses ni papa. Sinalubong ko ang tingin niya, hindi parin nababawasan ang galit ni papa, kitang-kitang sa mga mata niya.

"Dan, tama na." awat ni mama sa kaniya at hinawakan ang balikat ni papa. "Tinatakot mo na ang mga bata, eh. Tama na'yan, please? Don't be too hard on her, she's pregnant--"

"At wala akong pakialam!" sabi ni papa dahilan para mapatigil si mama. Hinarap niya si mama. "Eh, nung tumalon siya papalabas ng kotsse para lang makita ang lalaking yan, inisip niya ba na may bata sa tiyan niya?! Diba hindi?" bumalik ang tingin niya samin, partikular sakin. "How can I not be too hard on her, kung pati sarili niyang anak hindi niya iniisip sa posibleng mangyari sa katangahang ginawa niya kanina, makita lang ang lalaking to?" sinipat niya si Kyle at bumalik ang tingin sakin.

"Wag niyo pong pagalitan si Chloe," sabat ni Kyle dahilan para mapatingin ako sa kaniya. "Hindi naman po niya gagawin yun kung hindi dahil sakin, kaya sakin niyo na lang po ibunton lahat ng galit niyo. Vent your anger on me, not to her."

Magaspang na tumawa si papa pero sumeryoso din ang mukha nito pagkatapos. Nagbaba nako ng ulo, hindi ko kaya ang titig niya, titig niya pa lang ramdam mo na ang sobrang galit.

"Alam ko yun, kaya mas lalong galit na galit ako sa anak ko, ikaw pa talaga ang magiging dahilan kung mapapahamak ang anak ko at ang apo ko. Mas lalo lang nadadagdagan ang galit ko sayo." humigpit ang hawak ko sa kamay ni Kyle, hindi ko na gusto ang mga nangyayari, walang patutnguhan to kung galit na galit si papa. Matalim niyang pinagmasdan si Kyle at dinuro pa niya. "Hinding-hindi ko makakalimutan ang ginawa mo sa anak ko, tapos may gana ka pang humarap samin sa kabila ng mga kabulastugang ginawa mo. You think mapapatawad ka namin?"

"Alam ko pong marami akong naging kasalanan sa anak niyo at sa inyo," napatingin ako kay Kyle. "Sinayang ko po ang basbas na binigay niyo, sinayang ko po nag opportunidad na makasama ang anak niyo habang-buhay. Sinayang ko po lahat ng pinaghirapan ko na mismong sarili ko rin pala ang sisira sa lahat ng yun." 

Umingos si papa. "Buti alam mo."

"Dan, tama na sabi, eh." awat ni mama. 

Tumingin si Kyle sakin at binigyan lang ko ng magaan na ngumiti. Bumalik ang tingin niya kay papa.

"Nakikiusap po ako sa inyo, Tito. Bigyan niyo po ako ng isa pang pagkakataon para itama lahat ng mga kasalanan at maling nagawa ko, hayaan niyo pong ipakita ko po sa inyo na seryoso po ako sa anak niyo at hinding-hindi ko na po kayo bibiguin--"

My Best friend, My Love [C O M P L E T E D]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon