CHAPTER 61

73 0 0
                                    

A/N: Sorry kung ngayon lang ako naka-update. Inasikaso ko pa kasi yung online enrollment ko for 1st year college, at tsaka yung mga forms ko tapos nagloloko pa si watty, so ina-uninstall ko muna nang ilang araw hehehe 😊 sana may nagbabasa pa. Enjoy po, sorry po sa late update 😇🙏

***

CHLOE'S POINT OF VIEW

Lunes na lunes, maaga akong pumasok sa school. Hindi ko na sinabihan si Steve na papasok ako, ayokong magpahatid sa kaniya at baka maistorbo ko pa siya. Syempre, tuloy parin ang buhay kahit wala nakong ganang pumasok sa school, pero kailangan. Tsaka kailangan ko nang tapusin to, lalo na at malapit na ang ojt ko, pero sana ay bigyan pako ng pagkakataon ng mga professor ko, lalo na yung major ko. Ilang days ba naman akong nawala, I'm sure marami nakong naiwanan na mga activites, magsusunog talaga ako ng kilay nito panigurado.

Pagkapasok ko pa lang sa room namin, dinumog nako nang sangkatutak nang yakap ng mga kaklase ko na halos kapusin nako sa hininga dahil sa sobrang higpit nilang yumakap, kahit mga di ko ka-close nakikiyakap nadin, yung iba feeling close. Kakaupo ko pa lang sa upuan ko, binato na kaagad ako nang mga sangkatirbang mga tanong tungkol sakin.

Napanood daw nila sa T.V. ang annunsiyo ni papa, kaya ako ngayon ang ginigisa. Kala ko nga huhusgahan nila si Kyle dahil sa maling paratang ng papa ko sa kaniya. Pero hindi, binawi daw kasi ni papa ang mga sinabi niya tungo siya diyaryo, hindi na siya nagpa presscon, ginawa niya iyun mismo nung pauwi nako at nasa police station siya nung araw nayun. Ang sabi niya sa mga pulis, pareho daw kaming nakidnap, namali lang daw siya ng bintang. Ang sabi lang niya sa mga pulis, pinakawalan daw kaming dalawa dahil nagbigay daw sila ng pera sa sindikato na dumukot daw samin, hindi na niya isiniwalat sa mga pulis ang mga sindikato dahil malaya naman na kami, kahit wala talaga. Kaya ayun, nalinis ang pangalan niya at inurong ni papa ang kaso. Simple as that.

Natigil lang sila sa kakagisa sakin nang dumating si Lorraine at binulyawan ang mga kaklase ko ma wag haharang-harang sa daan, kasi naman napapaligiran ako ng mga tsismosa kong mga classmate na ala reporter at interrogator kung mag tanong. Nagulat pa siya nang makita ako at naiiyak pang lumapit sakin at niyakap ako nang napakahigpit. Napaiyak na din ako kasi namimiss ko ang babaeng to, namimiss ko ang kabaliwan nito. Pero kung nahirapan akong sagutin ang mga kaklase ko dahil sa sangkatutak nilang mga tanong sakin, mas nahirapan pako kay Lorraine. Sunod-sunod kung magtanong, di pa nga ako nakakasagot, magtatanong na siya ulit.

Pagkatapos nun, pumasok ang major namin at tinawag ako para makipag-usap tungkol sa mga napag-iwanan kong mga tambak ng mga trabaho. Pero buti na lang at binigyan nila ako ng pagkakataon na trabahuin ko lahat ng mga activity and projects sa mga subjects ko. Valid naman daw kasi ang rason ko kung bakit nawala ako ng ilang araw, though hindi naman talaga totoo iyun. Hindi naman kami dinukot ni Kyle, nagtanan kami. Tanging tango at sorry lang ang nasasabi ko sa mga prof ko, at umalis pabalik sa room ko.

"Pinakain ba kayo nung araw nayun? Baka naman ginutom kayo ng mga nandukot sa inyo," sabi niya habang kumakain, nasa cafeteria kami ngayon. "Mukhang hindi ata kayo pinakain, noh? Nangangayayat ka kasi."

Pilit lang akong ngumiti sa kaniya at binaba ang tingin at kumain na lang, hindi ko alam kung pano ko sasagutin tong kaibigan ko. Ayoko namang magsinungaling dito, pero mas mabuti narin siguro yun.

"Hoy, okay ka lang?" napatingin ako kay Lorraine. "Sorry friend ha, kung tanong ako nang tanong, baka na-trauma ka pa sa mga nangyari. Tsaka sorry kung hindi ako nakakabisita sa inyo, kasi naman si mommy, hindi ako pinapayagan. Tapos kapag tinatawagan kita, hindi ka sumasagot. Dun ko lang nalaman yung tungkol nangyari sa inyo ni Kyle nang mapanood ko yung presscon ng dad mo." may halo pang kaunting gulat sa mukha niya.

My Best friend, My Love [C O M P L E T E D]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon