CHLOE'S POINT OF VIEW
Pagkatapos akong kausapin ni Steve. Bumaba na kaming dalawa, nag-abang si mama sakin. Pinagbigyan ko si Steve, kinausap ko si mama. Medyo wala pa talaga akong gana na kausapin siya, kinakausap ko naman siya pero tipid lang akong makipag-usap. Pero dinadaan ko na lang sa matipid na pagngiti ang pagkamiss ko kay mama.
Nang makarating si papa galing sa police station, nagbago agad ng timpla ang pakiramdam ko. Nawalan na naman ako ng gana, hindi ko pa talaga kayang harapin si papa. Muhing-muhi ako sa ginawa samin, lalong-lalo na kay Kyle. Nagpasiya si mama na kumain kami sa labas kasama ang pamilya ni Steve para daw icelebrate ang pagbabalik ko. Ano namang dapat icelebrate dun? Wala namang espesyal sa pagbabalik ko. Ayoko sanang sumama, gusto kong magmukmok at manatili na muna sa kwarto.
Hihintayin ko ang pagbabalik ni Kyle, kakapalan ko ang mukha ko at kakausapin ko siya at ipapaliwanag ko sa kaniya ang lahat kung bakit ko siya iniwan. Pero hindi ako hinayaan ni Steve, wala nadin akong nagawa dahil kinaladkad na niya ako patungong kwarto para magbihis. Ayoko talaga, kaso mapilit ang lalaking to. Kung hindi daw ako magbibihis, siya mismo ang magbibihis sakin. Subukan lang niya at makakatikim siya ng mag-asawang sapak sakin. Tsk! Pakshet! Mukha siyang seryoso kaya agad na kong nagbihis, habang naghihintay naman siya sa labas ng kwarto ko.
Kaya heto kami ngayon, nasa isang restaurant. Kahit hindi pa ako nag-aagahan, wala parin talaga akong gana para kumain. Ang gusto kong gawin ngayon, ang hintayin si Kyle at kausapin siya. Yun ang gusto ko ngayong gawin.
"So, hija. How are you?" tanong sakin ni Tita Mara habang may ngiti sa kaniyang labi. Pino lang akong ngumiti sa kaniya.
"Okay lang naman po ako, Tita." tumango siya at ngumiti sakin.
"Is it really true, na kasama mo si Kyle nung araw na nawala ka?" tanong ni Tito Frank.
Nahihiya akong tumango kay Tito. Hindi sa kinakahiya ko si Kyle. Nahihiya ako sa kanila, kasi ang bait-bait nila sakin tapos yun pa ang ginawa ko, ang pahiyain sila sa maraming tao. Hindi ko naman sinasadya na mangyari yun. Hindi ko intensiyon na ipahiya sila sa mga bisita. Sadyang hindi ko lang talaga gusto ang makasal sa anak nila na si Steve, hindi siya ang gusto ko. Si Kyle ang gusto ko.
"Did he treat you right? Wala ba siyang ginawang masama sayo?" tanong pa ni Tito.
Mapait akong ngumiti. Trinato niya ako na parang prinsesa, hindi niya ako pinabayaan. Inalagaan niya ako, pinagsilbihan niya pa ako. Masarap siyang magtrato. Ako lang talaga tong masama saming dalawa, ako may ginawang masama, at hindi siya. Pakshet! Kamusta na kaya siya? Miss na miss ko na siya.
"Hija, are you with us?" napatingin ako kay Tito Frank nang bigla siyang magsalita.
"S-sorry po.. A-ano po yun?" nawala na naman ata ako aa pag-iisip ko.
"I thinks, its better kung wag na muna nating pag-usapan ang bagay nayun." sabat ni mama at tumingin sakin at ngumiti. Ngumiti ako kay mama at itinuon na lamang ang attensiyon sa pagkain.
Sinipat ko ng tingin si papa, tahimik lang siya habang kumakain. Parang ang lalim ng inisiip niya, pa siya nagsasalita kahit nung dumating na kami dito. Iniwas ko na lamang ang tingin ko, masama parin ang loob ko sa kaniya. Kahit na inurong na niya ang kaso na isinampa niya laban kay Kyle, hindi parin nababawasan ang galit ko sa kaniya.
"So, about the wedding."
Napatigil ako nang magsalita si Tito at nang marinig ko ang salitang wedding. Heto na naman tayo! Babalik na naman ako sa sitwasyon ko. Peste! Hindi na ba talaga sila mapipigilan? Ayoko na nito. Nakakapagod na, nakakabanas! Kala ko nakalimutan na nila ang tungkol sa pakshet na kasal nayan? Pakshet talaga!
BINABASA MO ANG
My Best friend, My Love [C O M P L E T E D]
Teen FictionB E W A R E❗❗❗ Ginawa ko tong story nato way back 2016 kaya expect na may kajejehan, errors at mga grammars na wala sa lugar hahahaha.. If this isn't not your type of story to read, then, feel free to leave without judging my work. I'm still learni...